C H A P T E R 74 MASAYA si Trevor sa nakikita sa paligid. Maayos na ang lahat; isa itong dating convention center. Sinadya niya itong rentahan para sa mahalagang araw na hinanda niya para kay Roxanne. Na-inform niya na si Lucy, Charie at Scout nagsabi na ang mga itong bababa agad ng Baguio---hindi lang siya ang excited sa mangyayari pati na rin ang pamilya niyang naging malapit kay Roxanne. Nag-order din siya ng maraming bulaklam mula kay Dolce ang batang nakilala niya sa palengke. Masayang-masaya ito dahil sa binalita niya para dito. Natupad daw ang pangako niyang pagbibilhan niya ito ng bulaklak oras na makilala niya na ang babaeng para sa kaniya. Handa na rin ang pagkain na in-order niya mula sa huling restaurant na pinagkainan nilang dalawa. Kanina niya pa gustong tawagan

