C H A P T E R 75 MABILIS na niyakap ni Roxanne ang nanang niya at si Summer. Hindi halos siya makapaniwalang nasa harap niya na mismo ang mga ito. Hilam ng luha ang mga mata niya nang kumuwala siya ng yakap sa mga ito. "Anak---" sambit ng nanang niya, habang ang mga kamay nito nakahawak sa pisngi niya at tulad niya basang-basa rin ng luha ang mga pisngi nito. "K-kamusta kayo? Hinanap ko kayo, Nanang. Hinahanap ko kayo---" hagulhol na sinabi ni Roxanne sa kaharap na matagal nyang hinintay ang sandaling makaharap ang mga ito. "S-sorry, Ate. Sorry, Ate---" paulit-ulit na sambit ni Summer sa kaniya. Umiling-iling siya para patigilin ito sa mga salitang nais nito sabihin sa kaniya. Wala itong dapat ihingi ng tawad sa kaniya, walang kahit na ano'ng kasalanan si Summer. "Nand

