CHAPTER THREE: Rejuv

2542 Words
CHAPTER THREE: Rejuv Ang mga mata ko ay napunta ulit sa lalaking nasa harap ko. Dark haired, deep hazel eyes, sharp manly features and tall. Prinsipe nga. Type nga siguro ‘to ni Giselle. Mukhang high standards pa naman ang babaeng ‘yun. Tiningnan ko ang buong mukha niya at unti-unting naramdaman ang kakaibang admirasyon sa physical appearance niya. Oo nga. Gwapo. Sobrang gwapo. “You’re staring at him.” Naputol ang titig ko sa prinsipe nang magsalita na naman yung nakababatang prinsipe. Napaatras ako nang makita kung gaano pala kami kalapit sa isa’t isa. Ngayon ko lang napansin. Tumikhim ako. Pero sino ba namang hindi matutulala sa lala ng kagwapuhan ng lalaking ito? Kahit na parang nakakainis siya, siya siguro ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Parang mga crush ko sa anime ang itsura ni koya. “He’s quite a prince is he? Pwede ba kay Lady Giselle?” Sabi ng nakababatang prinsipe at naglakad patungo sa gilid ko at hinarap ang kapatid niya. Sinamaan siya ng tingin ng crown prince na ikinangiti niya lang ng maliit. “Pwede. Magkatulad sila, suplado.” Bulong ko sa sarili. Eh, kung maka react kasi siya—malay ko ba kung sino sila? O kung totoo ba talaga ang lahat ng ito at hindi talaga ako gino-good time o nananaginip. Uminom ba ako kagabi para mag hallucinate ng ganito ka lala? Hindi naman, ah. Tsaka hindi ako nag da-drugs! For the hundredth time, ano ba kasi talaga ang nangyayari? Nasaan ba ako? Bakit ako nandito? “I heard that,” sabi bigla no’ng supladong prinsipe. Tinikom ko nalang ang bibig ko. Kahit na may part pa rin sa akin na iniisip na method actors lang ‘to silang lahat, hindi ko pa rin maiwasang ma-intimidate sa isang ‘to. Seryoso masyado. Sobrang pormal. “What’s your name?” Tanong no’ng nakababatang prinsipe. Hindi pa rin nawawala ang halos bungisngis niyang ngiti. Parang tuwang-tuwa pa siya sa mga nangyayari. “Gwe—“ “Prince Calum, you came in early.” Naputol ako sa pagsasalita at lahat kami ay napabaling sa pintuan nang dumagundong ang boses ng Senyor. Halos mapangiwi ako nang makita ang maamo niyang ngiti. Ang layo sa walang kagatulgatol manampal na mama kanina. Tsaka, ‘di ba, supposedly ama ko siya dito? Ah! Hindi pala. Base sa sinabi ni Giselle kanina, parang hindi pala tunay na anak si Lily. Anak lang siguro si Lily ng mama nila. Kaya pala tinawag niya akong bastarda bago niya ako sinampal. Tsk. “It is an honor and a privilege to be visited by the princes of Lineo. We would never have minded being the bride’s side to go to the castle to have this meeting, Sirs.” Pagpapatuloy pa ng matanda sa sobrang pormal at maamo na pagsasalita. Halos mapangiwi ako at napaingos. Ang bait, ah. Yumukod ang lahat sa dalawang prinsipe na nasa harapan namin. Napatingin ako sa paligid at nagsing-abot ang mga mata namin ng Senyor. Agad na tumalim ang mga mata niya nang makita na nakatayo pa rin ako doon at hindi yumuyukod kagaya nila. Eh? “M-Miss Lily,” napatingin ako sa likod ko nang maramdaman ang maliit na paghila ng isang kamay sa suot kong dress. “You're Miss Lily?” Napaharap akong muli sa mga prinsipe nang magsalita na naman yung nakababata. Kagaya ng kapatid niya, may maitim din siyang buhok—medyo dark brown actually. Matangos din ang ilong at may maganda rin siyang mga mata. Mas green lang ang mga mata niya kaysa hazel, hindi katulad nang sa kapatid niya na medyo mixed. At medyo mas may softer features siya kompara sa kuya niya. Cute na bata. I-reto ko ‘to kay Patty pagkatapos ko ‘yung mahanap at batukan. Doon na ako yumukod at tumango bilang sagot. “Yes, Y-Your Majesty,” sabi ko nalang na medyo awkward kahit na andami ko pa ring tanong. Malay ko ba, baka scam talaga ‘to at ipapalabas ‘to sa funny videos sa internet. Pagtatawanan pa ako ng mga tao. “Lily,” naitaas kong muli ang ulo nang makita ang Senyor sa gilid ko. Naglakad siya papalapit sa amin at medyo tinapik ang braso ko. Nakangiti ang bibig niya pero nanlilisik ang mga mata niya sa akin. “You should probably get inside to accommodate our guests. I want you to help with the kitchen and the serving later.” “But isn’t she…” napunta ang atensyon ng Senyor sa nakababatang prinsipe. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Napakamot pa ito sa ulo at maliit na ngumiti sa Senyor. “I just thought she was part of the Allen family. I didn’t expect seeing her in your maids’ outfit.” Muling impit na ngumiti ang prinsipe. “I apologize for my meddling.” Agad na humalakhak ang Senyor at umiling sa prinsipe na mukha nga talagang nahihiya. Hmm, mukha naman siyang well-mannered. “No, prince Eleazar. I understand the confusion. And I most definitely understand the question since Lily has been known to be a family member of the Allens.” Muli ko na namang naramdaman ang kamay ng Senyor sa braso ko. Pero imbes na tapik na nagpapahiwatig na umalis, o sampal na sobrang mapanakit, isang mahinang himas ang ginawad niya sa akin na pawang close na close at komportable kami sa isa’t isa. Gusto ko siyang ngiwian. Mas komportable pa ‘tong magbuhat ng kamay sa akin, eh—o kay Lily. Ay, basta. Halos isang oras pa akong nandito; at totoo man ito o hindi, sobrang nakakainis ang lalaking ‘to. Apaka plastik. Muli akong nginitian ng Senyor. “Lily grew up in our household, so we have treated her as a family even then. But she knows her standing in the house, and we respect each other.” Gusto ko na namang umingos, pero hindi ko nalang ginawa. Aba, baka pagtalikod ng mga prinsipe masampal na naman ako. Napaka smooth pa naman ng mukha ko ngayon. Baka umepekto na ang pagrere-juv ko kaya siguro ganito ang mukha ko ngayon. Hmm. Malay ko ba. Baka lang naman. “Shall we all get in?” Tanong ng Senyor sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa mga tao sa paligid at nakita na andami pala nilang kasamang mga kawal at mga tagapagsilbi. Meet the parents na nga siguro ito. Parang opisyal na, eh. Andaming tao. “I apologize for what happened. We could have properly greeted you when you came in, Your Majesties.” Muling yumukod si Miguel Allen sa mga prinsipe at tinanguan lang siya ni Calum. “Inconveniences happen, but we shall move forward with our objective today. Let’s go,” pormal nitong sabi at agad na nagsimulang naglakad papasok ng mansyon. Nilampasan niya ako kasabay ng Senyor. “It was nice meeting you, Miss Lily.” Ngiti sa akin ni Eleazar bago siya sumunod sa kapatid niya. Tumango nalang ako, wala nang nagawa. Alangan namang isigaw ko pa na hindi ako si Lily, at ang pangalan ko ay Gwen. Baka ipatapon na ako ng tuluyan nang Senyor. Tsaka, sa dami ng gwardya na kasama ng dalawang prinsipe, baka mas mauna pa akong maipatumba dito dahil sa ingay ko. Nainis nga na tinapik ko lang sa balikat. Hay nako. “Miss Lily, kailangan na nating pumasok at maghanda,” sabi ni Bea na nasa likod ko pa rin pala. Napabuga ako ng hangin at hinarap ko siya. “Hanggang kailangan ba natin ‘to kailangang gawin? Kailangan ko nang umalis.” Walang gana kong usal, gusto ko nang matapos ang kung anuman ito. Prank ba o hallucination o ano. Basta gusto ko nang umuwi. Pero ang pagpaskil ng lungkot sa mukha ni Bea ang hindi ko inaasahan. “A-aalis ka talaga? N-ngayon?” May halong lungkot at kaba nitong tanong. Nanlalaki pa ang mga mata. Mahina akong tumango. “P-pero… akala ko…” Bumuga siya ng malalim na hangin at saglit na pumikit. Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Bea, naguguluhan sa reaksyon niya. Siguro ay umaakting pa rin ‘to, pero hindi ko maiwasang makita ang genuine na mga emotion sa mukha niya. Parang totoo talaga. Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Hinawakan bigla ni Bea ang mga kamay ko at binuksan ang mga mata niya. “Miss, alam kong nahihirapan ka sa lahat ngayon, lalo na’t wala na si Madame Gertrude. Alam kong masakit pa rin ang pagkamatay niya. Kahit ako ay nahihirapan pa rin sa pagkawala ng ina niyo.” Napatitig ako sa kaniya, hindi alam kung paano e-hahandle ang nakikitang gulo at sakit sa mga mata niya. “Pero, please po. Wala ka na pong ibang mapupuntahan. Ayaw ko pong mas mahirapan ka lang pag umalis ka dito sa mansyon.” Hinigpitan ni Bea ang hawak sa mga kamay ko, pawang ayaw akong umalis nga. “Wala na ang ina ko?” Naitanong ko. Kita ko ang lungkot na muling bumalot sa mga mata niya bago tumango sa akin bilang. Hinimas niya bigla ang likod ko at mas lumapit sa akin. “Alam kong masakit pa rin. Siya lang ang taong nag-aruga sa inyo dito. Pero Miss Lily, nandito pa rin ako. Hindi po kita iiwan.” Nasa isip ko pa rin na fake ang lahat ng ito (kasi paano ngang totoo ‘to, ‘di ba?) pero na-touch ako sa sinabi ni Bea. Ramdam ko sa hawak at tingin niya na totoo ang lahat ng sinasabi niya sa akin. At kita ko rin sa mukha niya na pawang nahihirapan at nalulungkot din siya para sa akin. Huminga ako ng malalim. Ano ba ‘tong napasok ko. “Bumalik na po tayo sa loob,” sabi nito at giniya ako pa loob ng mansyon. Wala na akong nagawa at hinayaan na lang siya. *** “It’s the wrong cutlery.” May gigil na bulong sa akin ni Giselle nang ihanda ko sa harap niya ang mga pinggan at kubyertos. “Ako na po.” Mahinang sabi ni Bea at agad na pinalitan ang mga mali ko kuno na mga inilagay. Kinuha ni Bea ang kamay ko at mahina akong hinatak paatras sa lamesa kung saan nakaupo ang dalawang prinsipe at ang mag-amang Allen na sorang bait tingnan ngayon. Tsk. “I must say it is an honor to have this meal with Your Majesties. Hindi ko kailanman inisip na makakasama ng aking pamilya sa isang hapag ang mga pinuno ng kaharian ng Lineo.” Pagsasalita ni Miguel Allen na siyang nasa puno ng mahabang mesa. Mabait at maamo pa rin ang mukha. “It’s our pleasure to be here with you.” Pormal namang sagot ni Calum. Tiningnan ko siya sa kabilang bahagi ng ulo ng mahabang lamesa, at ni hindi man lang kakikitaan ng emosyon ang mga mata niya. “I apologize for coming along.” Kung gaano naman ka pormal at walang emosyon ang crown prince, ganoon naman ka outspoken at palangiti ang pangalawang prinsipe. Ngumiti ng malapad si Eleazar. “I just wanted to come along to see different parts of Lineo. And as one of the oldest family of Elites in our kingdom, I wanted to see your estate, Sir Allen. And kuya said it was okay. So, I hope you don’t mind.” Agad na umiling ang Senyor. “I don’t mind at all. Kung gusto mo ay pwede kitang samahan na tingnan ang kalupaan namin. I will have someone to tour us around.” “Eleazar can go on his own. We assume you have more important things to do than bother touring him around, Sir.” Pagsasalita naman ni Calum na ikinatingin sa kaniya ng Senyor. “It’s really fine. It would be my delight to tour our young prince around.” Gusto ko na namang umingos sa ka-plastikan na naririnig. Napansin naman yata ni Bea ang mukha ko nang tapikin niya ang gilid ko. Umayos nalang ako ng tayo, wala nang magawa. Kailan ba kasi ako makakalabas dito? At wala ba talaga dito si Patty? O baka co-workers ko mga pasimuno nito. Pero grabe na talaga! “No, Sir. I’m fine. And seeing the mansion right now, I can already see how great your lands are.” Sabi ni Eleazar na ikinatango nalang ng Senyor. “Kuya,” Nakuha ang lahat ng atensyon namin nang bigla nalang nagsalita si Giselle kasabay nang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Unang kita ko palang sa kaniya, alam ko nang isa siyang Allen. Gray eyes, dark brownish hair, tall. Parang nakababatang replika ni Miguel Allen, but with a bit of a mischievous look on his face and eyes. “I apologize for arriving late, Your Majesties. I had to deal with the business matters south with the miners.” Yumukod ang panganay na Allen, ngunit kita ko sa mga mata niya na hindi siya masyadong takot sa pagiging late niya. Pawang hindi naman ito pansin ng nakababatang prinsipe nang ngumiti ito sa kaniya. “We understand, Sir Louisse. It’s business.” Ngumiti lang si Louisse kay Eleazar bago napunta ang tingin niya kay Calum. Parang agad na may namuong kakaiba sa hangin na nakapaligid sa dalawa. Gusto ko biglang panindigan ng balahibo sa nararamdaman. Brr. Muling maliit na yumukod si Louisse. “Prince Calum,” tawag niya rito. “Sir Louisse,” balik bati naman ng isa. Agad na umupo sa bakanteng upuan sa harap ni Giselle si Louisse. At paglapat na paglapat pa lang niya sa upuan, agad na nagsing-abot ang mga mata namin. For some reason, kinabahan ako bigla. Tumambol ang dibdib ko at wala sa lugar na parang nakaramdam ako ng takot ng dahil sa lalaki. Ilang segundo pa akong tinitigan ng panganay na Allen, na akala ko ay may mangyayaring hindi maganda, bago niya inalis ang tingin sa akin at napunta kay Bea. “Bea, I want my usuals.” “Yes, Sir.” Sagot ng katabi ko at agad na umalis patungo sa kusina. Nakita ko kanina na may hinahanda si Bea na iba sa mga hinahanda ng mga kusinero. Tinulungan ko siya doon nang makita kong nahihirapan na siya sa dami ng trabaho niya, pero hindi ko alam na para kay Louisse pala iyon. Ni hindi ko nga alam na nag-eexist pala siya. Akala ko si Giselle lang ang brat na anak ng Senyor. Kay malas at mukhang may isa pa pala. Tsk. Mabilis na bumalik si Bea at hinanda sa harap ng lalaki ang ibang pagkain sa harap niya. Habang ginagawa ito ni Bea, bumalik ang usapan sa hapag. More on usapan ni Calum at ni Senyor Miguel. Doon ko rin nalaman na unang pagbisita pala ito ng prinsipe kay Giselle matapos na malamang ikakasal silang dalawa bilang kasunduan. Kumbaga pagbisita ng lalaki sa bahay ng babaeng kasintahan niya… or something na ganun. Kasi hindi naman sumama ang hari sa kanila para maging meet-the-parents ito. Pero malay ko ba. Hayy. Grabe na talaga ito. May pa arrange marriage na talagang ganap. Pero dahil sa mga ganap na ito, hindi ko rin maiwasang magtaka… Totoo bang hindi ito prank? Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Hindi ba ang rason ng kakaibang ganda ko ngayon ay dahil nag rejuv ako? Mahal pa naman ng set na ‘yun. Nasaan ba kasi talaga ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD