Agad akong umalis sa lugar na iyon at tumatakbong bumalik sa bahay na tinutuluyan ko. Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasang makita ang nangyayari sa paligid. Umuulan pero hindi masyadong malakas. May mga nagtutulak ng cart na may gulay o di kaya ay tambak ng basura. Maraming batang nagtatampisaw sa ilalim ng ulan at putikan na para bang wala ng mas sasaya pa sa ginagawa nila.
Patay sinding dilaw na ilaw na nang galing sa lumang lamp post na nakapalibot sa plaza lang ang nagbibigay ng katiting na ilaw tuwing gabi. Maraming matatayog na gusali ang nasa gilid ng bawat kalsada. Buildings that were intricately designed to elegance and power. At nasa gitna ang isang napakalaking bilugan na fountain na sana ay sobrang ganda kung hindi lang nabiyak at pinaglumaan ng panahon.
Pinakamayaman na bayan noon sa Grecugo ang Sylvanus. Itong bayan na kung saan ako lumaki. Ngunit dahil sa isang napakalaking gyera noon ay nasira ang lahat at mistulang bumalik sa una ang bayan namin. Na dahilan nga nang paggawa ng listahan. The list that will be the basis of not just our future, but also for the future generations'.
"Rian," bungad sa akin ni Nana nang makapasok ako sa maliit naming bahay. Nakita niya ang ekspresyon ng mukha ko. "Kumusta? Nasa puting tinta ka parin ba?" Tanong niya habang nagpupunas ng kamay.
"Nana, alam mo ba kong saang tinta ka nabibilang?" Pag-iiba ko. Sinalubong ko ang malamyos na paninitig ni Nana sa kabuuan ko. Unti unti siyang ngumiti at mahinang tumango. Pansin ang kulubot sa maaliwalas niyang mukha. Tanda ko pa kung gaano kamasiyahin ang mukha niya noong araw. Hindi ko 'yun makakalimutan, dahil siya ang nagmistulang langit sa akin sa impyernong kinasasadlakan ko.