Chapter Three: Part 2

915 Words
"Get off her! She's not on the red ink! NANA!" I struggled through the men hauling over me. I didn't care anymore as I punched and kicked them. Nagsitakbuhan na rin ang ibang tao dahil sa paglalaban na nangyayari. Hindi nila pwedeng kunin si Nana! I remember! She was on the 98 999th! Tumakbo ako at hinawakan ang kamay ni Nana but I cursed nang may mga kamay na humihigit na din sa akin palayo. No! Damn them! Pinagtutulak ko sila at huminga ng malalim. That’s when I used my ability on them. "Argh!" Natigilan ang gwardyang may hawak sa akin nang paghahampasin siya ng mga kasama na niya. "Ano'ng ginagawa niyo?! She's the enemy!" Sigaw niya. Some of their guns are already directed towards each other. Nang makita ko ang epekto ng ability ko sa kanila, agad akong tumakbo papunta kay Nana. "What the hell is happening?!" "That's her ability!" Half of them is under the manipulation of my ability. Ang mga humawak sa akin. And before I run out of time, pinagpatuloy ko ang pagtakbo patungo kay Nana. I won't let them get her! They're liars! "Huminahon ka, hija. You need to accept it. She's part of the names written in red—" "NO!" Hinarap ko ang babaeng nasa entabladong biglang nagsalita. Nakatayo pa rin siya sa doon kasama ang mga miyembro ng konseho na nakatingin lang din sa amin, pawang nakatanaw sa isang nakakaaliw na bagay. And that woman’s dress is just flowing and shining brightly in the light, as if it is a bright day and nothing is wrong with what is happening. Nanginginig na ikinuyom ko ang mga kamao at sinalubong ang bawat titig nila. "Andreanna, huminahon ka." Ipinagwalang bahala ko ang sinabi ni Nana sa likod, tears flowing down her cheeks. "I saw her name on the list! Nasa puting tinta siya! She was the 98 999th!" Malakas kong sigaw upang marinig ng lahat. Narinig ko pa ang singhapan ng mga tao sa paligid. To hell with them! They can't do this! "But in my list, darling, she's on the red ink." Pinakita pa ng babae sa lahat ang hawak niyang papel habang nakangiti ng malapad. She turned and smiled at the members of the council who just sat there, still staring at me. Nagngitngit ako sa galit. She made it look as if I was the insane one and what she said was the most logical words in the world! They can't do this! "Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sa mga gwardyang muling humawak sa akin. In a matter of seconds, sila na ulit ang nagpapatayan sa harap ng lahat. I run as fast as I could to get Nana out of their grasps. "Stop this! Stop manipulating them!" Sigaw ng babae sa entablado nang mas lumala ang riot dahil sa pakikipaglaban ng mga guwardiyang ginamitan ko na naman ng ability. Pero wala ang atensyon ko doon. Na kay Nana, na unti unti nilang kinukuha sa akin. Nakikita ko ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya at ang patuloy na pagpapahinahon niya sa akin. Pero wala na akong marinig. Hindi nila pwedeng gawin ito! "Let her go!" Wala na akong pakialam at ginagamitan ko na ng ability ang kahit na sinong nagtatangkang lumapit sa amin. I saw them fight amongst themselves again as they struggled to get back their control over their own bodies. "Andreanna, tama na. Tama na anak." Umiiyak na pag-aalo sa akin ni Nana, pero umiling ako. "No! Nana! They can't take you! Bakit ba hinahayaan mo sila!" Mabilis na umagos ang sunud-sunod na luha sa mata ko. "Pigilan niyo siya." Isang malalim at maotoridad na boses ang umalingawngaw sa paligid at mabilis na naman na may sumugod sa akin. "NO! LET GO OF ME! LET HER GO!" Pagpupumiglas ko nang hatakin nila kami ni Nana palayo sa isa't isa. Hindi ko na rin makontrol ang sarili ko na manghina sa nakikita. Wala na akong pakialam kung ano ang gagawin nila sa akin. Gusto ko lang na makuha si Nana. Nakita kong pilit na ngumingiti si Nana habang patuloy na umaagos ang luha niya. Umiling iling ako at umiyak nang hindi na ako makagalaw dahil sa nakaunipormeng mga guwardiya. "NANA!" Sigaw ko. This is unfair! They can't do this! "It's okay." I saw Nana mouth those words. Mabilis na umiling ulit ako. Not accepting what's happening right now. Tumango tango siya sa akin habang inilalayo na siya ng mga unipermadong lalaki. Hindi! Hindi maaari! Nakatitig lang si Nana sa akin habang umiiyak ako sa gitna ng Sentro. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalma ng sistema ko. I saw her smile at me despite the situation. Tuluyan nang nawala ang paghihimagsik sa kalooban ko. She's using her ability on me. I felt the fierce drop of tears running down my cheeks. How could she? How could she use her ability on me, when she was the one who told me to never use it to hurt people? Paanong nakakaya niya itong magawa, gayong sinasaktan niya na ako. Nana... Nawala na siya sa paningin ko kasabay ng naramdaman kong pagturok ng isang bagay sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Ang hagalpak ng semento sa gilid ng aking mukha. I saw the council members in front, looking so powerful and righteous. I felt the raising anger inside of me again. Kasabay no'n ang unti unting pagpikit ng mga mata ko. I loathe them. I curse them to the pits of hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD