CHAPTER 3: Announcement of Colors
I heard several 'wows' and 'oohhs' the moment the gate infront of us opened.
Sentro.
Kahit ako ay halos matulala sa ganda ng lugar. Pangalawang beses ko palang nakita ang loob ng Sentro. Ang una ay noong labing apat na taong gulang palang ako. It was the first time I saw my name on the list, three years ago. And my first time ever stepping a foot in this place.
Hindi ko maiwasang mapabaling baling ang tingin. Sa labas ng terminal ay lalakarin nalang ang malapad na daan patungo sa malahiganteng gate sa harap para makapasok sa pinaka sentro. Sobrang iba ng lugar na ito kung ikukumpara sa labas. Sa bayan ng Sylvanus. As if this place and outside the city are an entirely different worlds.
Magagandang establisyemento at shops ang nakapaligid. Victorian buildings, modern skyscrapers and lamp posts surrounding the entire place. This place is way more advanced in technology and highly civilized. Hindi ko maiwasang maisip ang kaibahan ng mundo nila sa mundong kinalakhan ko.
Nasa gitna na ang halos lahat ng mga tao. Nakataas ang napakalaking simbolo ng watawat ng Eurio. Dark violet, black and silver colors dominated the theme of the overall design.
May isang malaking stage sa gitna kung saan nandoon na ang mga opisyal ng bayan. Nakasuot ng nagmamahalan at naggagandahang mga damit. Nakaupo sa magagarbo at makikintab na mga upuan habang pinagsisilbihan at nilalagyan ng mga prutas ang mesang nasa harap nila. Pito silang naka upo doon at alam kong sila ang ilan sa mga nasa Council. Ipinagsasawalang bahala nila halos ang pagkain sa mesa at nakataas-noong nakatingin lang sa aming lahat, mistulang mga diyos na nakatingin sa mga mortal sa ibaba ng mundo.
I scoffed. Masama ko silang tiningnan.
They might as well just give us the food infront of them if they have no plans on eating it! Alam ba nilang dalawang araw akong kailangan mag trabaho nang hindi gumagastos para lang makabili ng isang lingkis ng saging?! Nagsasayang!
"Sa Akademya ng Grecugo idaraos ang palaro ngayon. Makakapasok ka na riyan, sa wakas."
Nawala ang masamang tingin ko sa mga taga konseho at napatingin kay Nana. Malaki ang ngiti at halos magningning pa ang mga mata sa nakikita. Hindi ko magawang ibalik ang ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon habang nakatanaw siyang muli sa kastilyo na nasa harap naming lahat. Napatanaw na rin ako doon.
Sa likod ng entablado, sa tuktok ng isang burol, nakatayo ang kastilyo ng akademya. Ang Grecugo Academy. Ang paaralang ang mga mayayaman lang ang nakakapasok. Hinangad ko din noon na makapag-aral sa lugar na iyan, pero noon 'yun. Noong hindi pa ako namulat sa katotohanan ng mundong ito. Na ang may karapatan lamang na mamuhay ng matiwasay sa lugar na ito ay ang mga may pera at kapangyarihan. Wala kaming karapatang mga mahihirap na mangarap at makamit ang mga pangarap na iyon dahil hawak nila ang buhay namin at kayang kaya nila kaming gawing instrumento para sa sarili nilang interes. Para pagtakpan ang lahat ng kahayupan nila para mas umunlad pa sila. But I will never give them the satisfaction of controlling my life through this list. Hindi ko hahayaang mangyari na naman ang pagkakamaling pagkatiwalaan sila.
Nagsimula nang tumunog ang mga instrumento sa gilid na para bang isang masayang pagtitipon ang mangyayari. Napatingin ako sa katabi kong umiiyak habang akay akay ang babaeng nakangisi na parang walang muwang sa mundo.
Naikuyom ko ang kamao ko. Natural na ang mapapabilang sa pulang tinta ay kung hindi na masyadong matanda ay iyong may sakit o may kapansanan. Pakikinabangan sila ng bayan sa pamamagitan ng pagbenta sa kanila bilang alipin o di kaya ay ibenta sa ibang bayan na parang mga laruan. At ang perang makukuha nila ay gagamitin para mas mapalago ang bayan na hindi naman namin ramdam. Kaming mga mahihirap ay mas lalong humihirap, samantalang sila ay mas lalong yumayaman. And how else am I going to respond to that? Kaya hindi ko maiwasang kamuhian ang mga katulad nila.
"WELCOME TO GRECUGO'S COLOR ANNOUNCEMENT!"
Dumagundong sa buong lugar ang sigaw ng mga tao ng may isang matinis na tinig ang malakas na nagsalita sa mikropono. Pero alam kong hindi lahat ay masaya. Some people are just too stupid to think of the consequences of being in either- blue or red- colors.
"How excited are you to meet our candidates for the 6th Eurio Games?!"
Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao sa naging tanong ng taga anunsyo. I stared at her perfect figure on the stage.
Isang babaeng napakaganda at may magarbong bahaghari na kasuotan. Pawang isinisimbolo ng damit niya ang okasyon ngayon. Ibinagay naman niya ito sa gintong mamahaling sapin sa paa. To complete the look, her pearly white, almost shining teeth flashed infront to charm everybody.
Sa hilatsa ng mukha at katawan niya, hindi ko mapigilang hawakan ang butas sa suot kong damit sa may braso ko. Kung ikukumpara kami sa kaniya ay magmumukha kaming basura sa mga suot naming nagmumukhang basahan. At sa nakikita ko nga sa paligid, itinuturing din nila kaming basura na nagpakuyom sa kamao ko.
May nakikita ako sa gilid na isang pamilyang nilalayuan ang mga taga Sylvanus na ngiting ngiti na nakatingin sa paligid. Pawang ignorante sa lahat ng nakikitang karangyaan. Ibinalik ko ang tingin sa pamilyang may disgusto sa kanilang mga mukha. I clenched my teeth in annoyance. Edi kayo na ang mayaman!
Naramdaman ko ang hawak ni Nana sa balikat ko. She felt my anxiety despite of my annoyance. I looked ahead of us. The moment na tawagin ang pangalan ko, sasabihin ko sa kanila na ipapaubaya ko sa pangalang nasa ika dalawampu't-limang ranggo ang pwesto ko. Wala akong pakialam sa mga makukuha kong yaman, kung ang kapalit naman nito ay ang mapalayo kay Nana at mamanipula na naman nila. Siya lang ang nag-iisa kong katuwang sa buhay and I promised myself to protect her and be with her no matter what.
"Pero bago natin e anunsyo ang mga taong pinakaaabangan natin—which is the very first time na may taga Sylvanus na nakapasok! What a wondrous surprise!" Napasinghap ang mga tao. I swallowed. Naramdaman ko ang pagkapit ni Nana sa braso ko. She gave me a nod, reassuring me.
"I also can't believe it! I don't remember the last time someone from there got to be in the blue list!" Nagsipag ungulan muli sa bigla ang mga tao.
I felt my heartbeat accelerate. I heard words of wonders and questions asked in the crowd. Some were surprised in a good way and some were not, katulad nang inaasahan ko. First time sa halos dalawang dekada ng Eurio Games na may mapapabilang sa asul na tinta na taga Sylvanus. And unfortunately, ako pa iyon.
"But before that exciting news, let us first spill the bad ones. The names written in red ink."
Tumahimik ang mga tao at nawala ang tunog ng mga instrumento. Kanina ay nangingibabaw ang excitement sa mga tao, pero ngayon ay ramdam ko na ang nag-uumapaw na emosyon ng mga taong mawawalan ng kapamilya dahil sa listahan. And I hate the fact that no one has the courage to do something about it. That the reality always slaps us in the face, awakening us and letting us see who has the power. At wala sa amin iyon.
"I'm so sorry my darling but you are in the red ink. 114 501 Cynthia Rosso—"
At nagsimula na nga ang pag aanunsyo ng mga pangalang napapabilang sa pulang tinta. Cries and sobs were heard in the entire place. Nasa harap lang ang tingin ko habang nakakuyom ang kamao. Screw them! Curse the list!
Nagdaan ang halos isang oras. Nagbibingi-bingihan pa rin sa iyak at hiyaw ng mga taong nawalan. Nakatingin lang ako sa harap, nakatingin sa kawalan. Trying to block every emotion that strikes me. Pero bigla akong natigilan.
"... 99 000. Rosaline Castiano—"
"No, Nana..."
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig kay Nana. She couldn't look at me.
No. This can't be.
Hindi ako nagkakamali! Hindi siya kabilang sa pulang tinta!
"No! She's not on the red ink! Nana!" Sigaw ko sa mga gwardyang lumalapit sa amin. Sinamaan ko sila ng tingin at hinablot si Nana papalapit sa akin. They can't do this!
"Rian, anak. O-okay lang. Tama na." Nanginginig na umiiling iling ako kay Nana. I saw the tears brimming on her eyes as she tries to calm me down. "Hindi! Nakita ko! Nasa puting tinta ang pangalan mo!" Pero tuluyang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko nang may humawi sa akin palayo kay Nana.