Chapter Two: Part 7

269 Words
Maraming masayang nagkukwentuhan. Pero may iba rin namang halos katulad ko na hindi gusto ang mga pangyayari. What's so nice about this event, anyway? "Makikita na natin ang mga kalahok ng palaro ngayong taon!" Rinig kong sabi ng kasabay ko na babae sa paglalakad palabas ng terminal. "Oo nga! At narinig kong may taga Sylvanus na nakapasok ngayon! Sana naman at may makatulong na sa bayan natin." Sabi naman ng kasama niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko mapigilang mangamba. Matakot sa responsibilidad. Ayaw ko nang ganito. Masyadong mabigat para sa akin. Napatingin ako sa gilid ng may makita akong umiiyak na dalawang bata. Nakayakap ang isang lalaki sa kanila habang nakaupo siya sa isang wheelchair at may bag sa lapag. Nanikip bigla ang dibdib ko sa nakita. Iniwas kong muli ang tingin at humarap nalang. Ngayon gaganapin ang pag-anunsyo ng mga napabilang sa asul at pulang tinta. Hindi ako nag-abalang mag-ayos para dito. Hindi rin ako nag-empake ng mga gamit at nagpaalam sa pamilya ko— kay Nana. Napatingin ako sa kaniya. Naglalakad ng mahina habang nakakapit sa akin. Nakasabit ang paborito niyang green na scarf sa leeg niya. I looked away. I want to apologize for disobeying her. But I would never apologize for choosing this decision. Nakapag desisyon na akong ipamigay ang ranggo ko at mapabilang lamang sa mga pangalang nasa puting tinta.     Ayaw kong iwan si Nana, ayaw ko ng expectations, ayaw kong mapabilang sa pulang tinta at ayaw kong makasalamuha ang mga taong katulad nila. My decision is firm. I will never be a pawn for this suck up excuse of a system.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD