"I won't go. I will let them replace my spot—" Hinarap ako bigla ni Nana na ikinatigil ko. "Hindi mo iyan gagawin, Andreanna."
"I won't leave you, Nana! Hindi kita iiwang mag-isa dito. At sa larong iyon ay maaaring hindi na ako makabalik pa. Pwede pa naman tayong mamuhay ng ganito. Kahit na magtrabaho ako buong araw, gagawin ko basta hindi kita iiwan! Hindi kita pababayaan mag-isa!"
Because being one of the names on that list means leaving her behind. Maninirahan ako sa Sentro kung saan malamansyon ang mga bahay at ang paaralang kastilyo ang laki. Hindi ako kailanman gugutumin doon. Magkakaroon ako ng pagkakataon na masuot ang pinakamahal na mga muwebles sa buong bayan. 'Yan ang pribelihiyo na makukuha bilang isa sa miyembro ng asul na listahan. But I will never consider those things as perks. Dahil maaari akong mawasak sa mismong kompetisyon.
Being one of the twenty-four names entails the pressure and responsibility of leading the entire town to reach the top. Dahil ang mapabilang sa anim na mamamahala sa High Chair ng Council ay isang pribilihiyo na gustong makamit ng kahit na sinuman. Maaaring hindi lang ang pamilya ko ang makinabang sa tagumapay ko, kundi ang bayan din na pinaggalingan ko. At makukuha lamang ito sa paligsahang ginawa ng konseho. Eurio Games.