"Magiging isa ka sa pinakamahusay, Rian. At mauupo ka sa isa sa anim na upuan sa konseho." Napaharap ako sa kaniya. Alam niyang natatakot ako at kung gaano akong naghihimagsik sa kaloob looban ko ngayon kaya sinasabi niya ito.
Nakapasok nga ako sa asul na listahan. Ngunit sobrang imposibleng makakamit ko pa ang isa sa anim na pwesto ng High Chairs. Mas malaki pa ang posibilidad na matalo agad ako sa unang bahagi pa lamang ng palaro. And I don't want to be there in the first place. That silly tournament was made by mad people, and only crazy and greedy people would want to join that. Hindi ko iyon kailangan panalunin para lamang maging masaya at kuntento sa buhay. It was never my intention.
Hinawi niya ang buhok na humampas sa mukha ko. "Maniwala ka. Dahil ako, alam kong magiging maganda ang hinaharap mo, kahit na wala ako na tumutulong sayo." Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at binaling sa mga batang naglalaro ang mga mata ko.
"Hindi ko gusto ang sinasabi mo, Nana." Medyo inis kong turan. Para siyang nagpapahiwatig na ewan. At ayaw ko ng ganun. Bahagya siyang natawa. "Ikaw parin talaga ang baby Rian na ayaw magpaiwan sa Nana niya." Niyakap niya ako nang patagilid. Hindi ko maiwasang medyo mangilid ang luha.