CHAPTER 2: Color System
Pagkagising ko sa umaga, hindi ko alam kung bakit balisa ako.
"Nana," bungad ko pagkalabas ko sa maliit kong kwarto. Wala siya. Mabilis akong naglakad sa labas. Napahinga ako ng malalim nang makita siya sa harap ng terrace.
"Nana..." Humarap siya sa akin at nakita ko na naman ang ngiti niya. Pero hindi ko mapigilang maramdaman na may kakaiba sa ngiti niya ngayon. "What's wrong, Nana?" Tanong ko at bahagyang hinagod ang balikat niya.
Alam kong kapag ganito siya ay may nararamdaman siyang kakaiba. Kakaibang mangyayari. Parte ito ng ability niya. She can tell what you are feeling the same as inflicting an emotion she wants someone to feel. She also can predict an upcoming emotion kapag sangkot ang mga mahahalagang tao sa paligid niya. Napepredict niya ang paparating na emosyon, pero hindi ang sanhi ng emosyon na iyon.
"Ngayon na ang araw ng pag-aanunsyo nang nasa asul na tinta. Handa ka na ba, Rian?" Tumuwid ako ng tayo sa gilid niya at pinagmasdan ang paligid. Maraming bata ang naglalaro sa kalsada sa ilalim ng asul na asul na kalangitan at masarap na ihip ng hangin. The atmosphere is reassuring, but I know better. I know when Nana is trying to hide something from me. This atmosphere only makes me feel the calm before a storm.