"Patunayan mong nararapat ka sa pwesto na iyan. Walang sinuman ang nagmanipula para mapunta ka sa pwesto na iyan kundi ang kakayahan mo. Galingan mo, Rian. Maaari kang maupo sa isa sa anim na mataas na upuan sa konseho." Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I can see the flicker of light in her eyes. It was once a bright ray, pero nagdaan na rin ang ilang taon. She smiled at me. I slowly calmed down.
"Naniniwala ako sa iyo, Andreanna. Huwag mong hahayaang ang mundo ang magdikta ng kapalaran mo." Ramdam ko ang epekto ng mga salitang binitawan niya. Siya lang palagi ang nakakapagpakalma sa akin nang ganito. Hindi ko alam kung dahil ba sa ability niyang empathy ang epektong ito. But whether it's because of it or not, masaya ako na nahanap niya ako. Na siya ang tumayong magulang ko. I felt the warmth of her embrace.
"You will be okay, my dear."
Hinayaan ko ang sarili kong mapalagay sa bisig niya.
Nasa ika beynte kwatrong pwesto sa listahan ang pangalan ko. Nasa huling pwesto sa asul na tinta. The Esteemed. Itinuturing itong malaking pribelihiyo para sa mga mamamayan ng Eurio lalung-lalo na dito sa bayan ng Sylvanus na siya ngayong pinakamahirap na bayan sa rehiyon namin. Being in that list means that you are one of the strongest and one of the cleverest. But I can't stop the rising fear inside my chest.
Nasa pinakaitaas na bahagi ng listahan ang mga pangalan na nasa asul. And we should keep it up high, because if not, the cost will be just as high. Because losing the game means being an immediate part of the death ink. Walang takas. Kaya ang puting tinta lamang ang hangad kong mapasukan. Hindi ko kailanman hinangad ang mapabilang sa kategoryang ito, because I know that behind the glory of being one of the 24 names on that list, a catastrophe awaits for me.