Chapter 1

1322 Words
Penelope's pov   Agad na bumugad sa 'kin ang sandamakmak na tao paglabas ko sa airport. Karamihan sa kanila tagahanga ko at 'yong iba naman ay mga reporter.   Inalalayan kami ng tauhan ng mga tauhan mula Naia para makalabas ng airport kung saan naghihintay ang van namin.   Isinuot ko ang shades na iniabot ni Ate Lexi upang hindi na ako masilaw pa sa mga flash na nagmumula sa camera ng mga reporter at fans.   "Ms. Penelope may masasabi po ba kayo tungkol sa kumalat na picture niyo kasama ang isa pang modelo na si Rafael Acosta?" Tanong sa 'kin ng reporter.   "No comment po muna,"sambit ni Ate Lexi, sa awa ng may kapal nakasakay na rin kami sa van na agad namang pinaandar paalis ng airport ng driver na si Kuya Tony.   "Pinapatawag ka ng CEO, Penelope." Rinig kong saad ni Ate Lexi habang may kinakalikot sa tablet niya na malamang sa malamang ay ang schedule ko sa buong buwan o baka nga sa buong buhay ko na.   "Can't I take a rest first? Wala pang limang minuto nang nakabalik ako rito sa Pinas. Ano na naman bang kailangan niya sa 'kin?" Naiiritang tanong ko pabalik. Kasi naman,  masakit pa nga ang ulo ko at may jetlag pa rin ako. Ikaw kaya bumiyahe ng 15 oras.   "Even though I want you to take your rest first, I can't do a thing about it, Penelope. CEO wants to talk to you three days ago pa. Kung wala lang 'yong ginagawa rito sa Pinas e baka sya ang pumunta sa L.A.  Umirap ito sa 'kin. Akala mo talaga!   Sumandal na lang ako at pumikit. Dito man lang makatulog ako kahit konti, mukha lang talaga akong Dyosa but then tao pa rin ako at napapagod.   Agad kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ang pagtapik sa 'king braso. Tumingin muna ako sa paligid at confirm,  nasa entertainment company na nga ako.   "Fix yourself first. May mga paparazzi sa labas." Iniabot nito  sa 'kin ang suklay. Tinted ang bintana ng kotse kaya hindi ako makita ng mga tao sa labas pero nakikita ko sila.   Kinuha ko ang suklay na yun at sinuklay nang bahagya ang buhok ko. Nilagyan ko rin ng lipstick ang labi ko at muling sinuot ang sunglasses ko bago ako bumaba ng van.   Akala mo mga zombie na nagsisuguran ang mga reporter sa van namin nang makita nila na nakababa na ako. Mabuti na lang at naharangan sila agad ng mga gwardiya dahil kung hindi, pirat ang beauty ko pagnagkataon.   Agad na bumungad sa 'kin ang napakalaking portrait ko na nakadisplay sa lobby ng entertainment company namin.   Well, ako kasi ang pinakasikat na modelo nila aside from that isa rin akong soloist. O, 'di ba maganda na ako talented pa.   "Ang ganda ko talaga." Nakangiting bulong ko sa sarili ko nang malagpasan na namin ang portrait ko.   "Oo, maganda ka na Olivia Penelope Cruz, pero lagot yang beauty mo kay CEO," untag sa 'kin ni Ate Lexi. Kahit kailan alaga ang kj nito    "Tss. Napaka-kj mo noh,  Ate Lexi kaya walang nagkakagusto sa 'yo kahit na maganda ka rin naman. Wala kasing saya ang buhay mo, buti nga nakatitiis pa ako sa 'yo," biro ko sa kanya habang inaantay namin ang pagbukas ng pinto ng elevator   "H'wag mo nga akong itulad sa 'yo na puro joy lang ang alam sa buhay kaya laging pinagpepyestahan ng mga tao at reporter miski ang pribadong buhay mo."   Bumukas na ang pinto ng elevator at lumakad na kami papasok ng CEO's office.   "Kasi naman Ate Lexi, kung may Aphrodite ang Greek mythology at si Venus naman ang sa Roman... ako naman ang Dyosa ng kagandahan dito sa Pilipinas," mapang-asar na saad ko rito    Tumigil na ang elevator at lumakad na kami papasok sa opisina ng c.e.o   "Ewan ko sa 'yo, Penelope. Magpakatino ka naman."   "Olivia Penelope Cruz, would you mind, explaining this pictures?" Agad na bungad ng CEO pagkapasok namin. Medyo harsh siya, a. Sana man lang pinaupo niya muna ako bago pagalitan.   "A picture of mine, kissing a man," walang ganang sambit ko kasi, hello? Halata naman na yun ang makikita sa litrato itatanong pa sa 'kin.   "Correction, Penelope with 'another new man.' My God! Alam mo bang dalawang araw pa lang ang nakakalipas nang malinis namin ang french kiss video mo with a foreign male model pagkatapos ito na naman?" Sambit nito habang nakapikit, siguro pinapakalma niya ang sarili.   "Bago na naman ba? pang-ilan na ba yang lalaking na na-linked sa 'yo para sa taon na 'to Penelope? Kahit na pagsamahin ko ang kamay at paa nating tatlo dito, hindi pa rin yun sasapat." Singit na rin ni Ate Lexi. t Taray naman ng dalawang to.  Nagsanib pwersa pa para sermonan ako.   "It's my life by the way so I have all the right to live it the way I want it, masyado lang talaga silang pakialamera," naiiritang sagot ko kasi naririndi na rin ako na bawat buwan na lang may ganto kaming eksena.   "Yeah. It's your life but you're a celebrity,  Penelope---an idol and a super model. All eyes are on you and everyone's watching you," CEO hissed angrily. Oo, galit na siya at konti na lang mageevolve na siya, kaso nagiging panget na halimaw siya pag nagalit, on the second thought wala naman pa lang gwapong halimaw 'di ba?   "Hindi ka ba talaga magpapakatino ha, Penelope? Alam mo ba na bukod sa pagiging Asia's Top Beauty e kilala ka rin bilang Playgirl of the Town?" Tanong sa 'kin ni ate lexi habang nakapamewang.   Ito talagang babaeng 'to dapat pinagtatanggol niya ako kaso waley nakikisermon din sya    "Ok, I'll try to become a good girl, happy?" I finally utter in defeat. Wala na akong choice. Aabot kami dito hanggang kinabukasan pag hindi pa ako nagpatalo sa dalawang ito.   "Don't give it a try, do it," pagtatama ng CEO sa sinabi ko.       "Grabe naman talaga si Penelope ibang lalaki na naman."   "Yeah right, napakaplaygirl talaga."   "I'm sure na hindi na yan virgin ang landi, e. Every week na lang ibang lalaki ang nalilink sa kanya."   "Maganda kasi kaya ganyan."   Ilan lang yan sa mga komentong mababasa mo sa social media patungkol sa picture namin ng Rafael na 'yon.   Inilagay ko na yung phone ko sa side table at inihagis ang sarili ko pahiga sa higaan   "Nakakapagod din kayang maging ako lalo na at ang dami pang taong papansin," bulong ko sa sarili ko habang papikit na ang mga mata ko ------------------   Alexandro's Pov   "Do we have an appointment at this hour?" Tanong ko sa sekretarya ko habang may binabasang mga dokumento na nangangailangan ng pirma ko.   "You have a cabinet meeting at 11 pm Mr. President, and a flight for your state visit in Canada at 1 am," sagot nito sa 'kin   I nodded at her. Lumabas na rin ito sa opisina ko. Sandali kong itinigil ang aking ginagawa at sumandal sa swivel chair.   "I am now the President of this Country. I hope that you're proud of me now, Dad," I whisper   Being in politics demands all of your attention. I must say that this is tiring too, physically, emotionally and mentally. This field will definitely give you a massive headache    Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at inayos ang suit na suot ko saka lumabas ng aking tanggapan    Agad kong nakita ang mga staff na naghihintay sa 'kin at lumakad na kami papunta sa conference hall kung saan gaganapin ang cabinet meeting.   Around 12:45 am nang matapos ang meeting namin. Agad na rin kaming dumiretso sa paliparan dahil may flight pa ako papunta sa Canada para sa isang state visit.   Isang flight attendant, mga piloto at ang presedential staff lang ang kasama ko sa eroplano.    Ipinikit ko ang aking mata nang makasakay na kami sa eroplano. Wala na akong oras pang magpahinga  pagdating ko sa Canada kay rito ko na lang gagawin yun.   Ilang minuto lang at dinapuan na rin ako ng antok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD