Chapter 2

1220 Words
Penelope's pov   Ako lang ba yung may manager na wagas makatresspass sa unit nila? Hustiya naman? Iyong tipong magigising ka na lang dahil sa ingay na gawa nila.     Mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko ang matinis na boses ni Ate Lexi, "Penelope, wake up may schedule ka ngayon," wika nito saka lumabas ng kwarto.   Naiinis na bumangon ako sa higaan at dumiretso sa kusina kung saan ko nakita ang magaling na babaeng 'yon na nagtitimpla ng tsaa.   Umupo ako habang papikit-pikit pa rin ang aking mga magagandang mata. "I thought wala akong schedule?" Nakasimangot na tanong ko rito.   Ganito kasi yun, bago niya ako inihatid dito sa unit kagabi, she told me that I have all the rights to sleep all day long. Pero aba naman, wala pang alas-otso ng umaga at ito binubulabog niya na agad ang beauty ko.   "I know, biglaang may isang event kasi sa Convention Center at madaming politician ang pupunta roon, including the President of the Republic of the Philippines." Halata naman na kinikilig ito habang sinasabi niya yun sa 'kin   Pero weh? May bago na ngang Presidente? Ba't parang wala akong alam? Nope scratch that, wala naman kasi akong pakialam sa mga ganong bagay.   "Ano naman kung may event na dadaluhan ng maraming politician? Bakit nasali ako roon e, ang layo showbizness sa mundo ng politika." Kunot noong tanong ko. Humigop na ako ng tsaa na inabot niya kanina.   "You have to perform there, Penelope." Iniwan nya naman ako sa kusina kaya sinundan ko na naman siya, only to find out na pumasok siya sa kwarto ko.   "Wear this and fix yourself, dadaan pa tayo ng studio para sa rehearsal kaya bilisan mo na. P'wede ba h'wag ka nang magtanong nang magtanong sa 'kin." Sabay lapag ng damit sa higaan ko at tinulak pa talaga ako papasok ng cr.   Bastos na bata ito! Labag man sa puso ko, binuksan ko na ang shower at naligo. Nyemas! Ang lamig ng tubig pero keri lang naman.   I've finished bathing after 30 minutes, I guess? Hindi ko sure, pag maganda kasi matagal talagang maligo.   Mabilisan lang akong nag patuyo ng buhok at hindi na rin muna ako nag make up. Hassle kasi papawisan din naman ako mamaya kapag nagpractice na kami.   "Yah! Make it a little bit fast!" sigaw ng bruha kong manager mula sa labas ng cr.   "Wait, nakakastress ka!" sigaw ko pabalik. Nagsuklay na lang ako bago lumabas ng cr.   Agad ko namang nakita ang babae na yun na hawak-hawak na ang mga gamit ko, ibig sabihin ay aalis na talaga kami.   "Labas na Penelope pabebe pa kasi." Sungit talaga niya noh? Palibhasa single kaya ganyan yan, e.   She's blabbering habang pababa ang elevator kasi nasa 23rd floor ang unit ko kaya minuto din ang inaabot bago kami makarating sa lobby. Dahil sa mabait ako hindi ko na lang iniintindi ang mga sinasabi niya.   Nasa tapat na ng entrance yung van ko at wala naman masyadong tao kaya hindi na rin naging problema ang pagalabas ko ng building.   "Penelope, maawa't mahabag ka, kahit na may makita kang gwapo magpakatino ka naman, hindi pag bet mo go."   Kinuha ko mula sa kanya ang bag ko at kukunin ko sana ang earphone ko kaso hindi ko siya makita roin.   Halos na ilabas ko na rin lahat ng gamit na laman ng bag ko kaso wala talaga yun.   "What are you looking for?" Kunot noong tanong sa 'kin ni Ate Lexi.   "My earphones but I think I left it." Naka-pout na sambit ko. Ibinalik na yung mga gamit sa loob ng bag.   "May earphone ako rito, Penelope," singit ni Kuya Tony sa usapan namin.   "Really? Pahiram." Excited na sambit ko at kukunin ko na yun mula sa kanya nang agawin ito ni Ate Lexi   "Ano ba?" naiiritang tanong ko sa kanya saka ko ito tinapuna nang masamang tingin.   "My God, Penelope binibilinan kita na magpakatino ka pero mag-eearphone ka lang? Jusme, hindi kita kinakaya." Hinilot niya na ang kanyang sintido tanda na naiinis na siya.   "Ok fine, hindi na," I said in defeat. Sumandal na lang ako sa upuan. Ilang minuto pa ang lumipas at nandito na rin kami sa studio.   Nakita ko ang kapartner ko sa sayaw na si Eric na nageestretching na.   Agad siyang ngumiti sa 'kin nang makita niya ako.   Nag-warm up na rin ako at maya-maya pa ay nagsimula na rin kami magpractice.   Around 7 pm nang dumating kami sa Convention Center at dumiretso agad kami sa dressing room dito kung saan ako aayusan ng mga make-up artist ko.   They put a light make up on my face at hinayaan lang nilang nakalugay ang straight kong buhok.   Medyo sexy yung damit pero keri lang naman kasi nga sexy yung concept ng sayaw ko alangan naman magpajama ako diba edi muntanga ako non.   Natapos na rin naman sila sa pag-aayos sa 'kin. Lumabas muna 'yong manager ko saglit. Hindi ko lang alam kung anong ginawa niya.   I am scrolling on my phone nang maramdaman kong naiihi na ako. Nagpalinga-linga ako at walang cr sa loob ng dressing room kaya lumabas ako dito para hanapin ang cr.   Ilang minuto na rin akong naghahanap sa pisteng cr na 'yon at sa aawa ng Bathala ng Mt Olympus nakita ko na rin yun.   I enter one of the empty cubicle at dun umihi.   Lumabas na rin agad ako kaso nagulantang ang kaluluwa at kagandahan ko nang may makita akong lalaki sa c.   "AH! Pervert! stalker kita noh? Manyak!" sigaw ko rito at dali-dali itong lumapit sa 'kin para takpan ang bibig ko   Honestly gwapo naman si Kuya naka-suit at mukhang disente pero bes, manyak siya! Pumasok siya sa loob ng cr ng babae   Kinagat ko ang kamay niya na nakatakip pa rin sa bibig ko dahilan para mabitawan niya ako.   Isang sampal ang binigay ko sa kanya nang makawala ako mula sa pagkakakapit nito sa 'kin.   "What the hell?" Tiim bagang na tanong nito. Nakakatakot ang paraan nang pagtingin niya sa 'kin ngayon   "Rapist!" sambit ko dito at nagsmirk lang siya sa 'kin sabay lumapit ito sa kinatatayuan ko kaya napaatras naman ako.   "You don't have any idea who am I, right?" He asked habang may nakakalokong ngiti sa labi nito. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa malamig na pader   "Wala akong pake. Ang alam ko lang isa kang manyak na pumasok sa cr ng babae." Sabay irap ko rito   Nagulat naman ako nang bigla itong tumawa. Boom panes! hindi lang sya manyak, baliw rin sya.   "Well this a comfort room for men, stupid." Sabay layo sakin   Tumalikod na lang ako rito at lumabas na ng cr. Shemay, nakakahiya. Ako naman pala yung tatanga -tanga na pumasok sa maling cr.     "Sa'n ka ba galing? Magpeperform ka na." Marahan akong hinila ni Ate Lexi sa back stage. Narinig ko ang pag-anunsyo ng emcee sa pangalan ko at namatay na ang ilaw.   Lumakad na kami papunta sa stage at nagsimula nang tumugtog ang music.     The audience gave me round of applause as I finished my performance.   Umakyat na ulit ang emcee sa stage at nagsimula nang magsalita.   "And now let us all welcome the newest President of our country, Pres. Alexandro Oliver Gomez." Nakangiting wika nito.   Nabato ako nang makita ko kung sino ang lalaking tumayo.   "He's the President?" I whisper to myself, what the hell...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD