CHAPTER 4

2159 Words
VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS CHAPTER 4 I FELT THE SAND against my feet, nang hubarin ko ang aking tsinelas. "God! Ang sarap ng init ng buhangin." Napangiwi pa ako sandali at agad na inilubog ang paa sa tubig. Tila saka ko lamang naalala ang kagandahan ng Pinas, pero para sa pangarap ay pinilit kong isiksik ang sarili ko sa ibang bansa. I was tired of being Ancee Placino, but I am happy to be Anastasia Celine Placino. Sa totoo lang ay napaka-hassle maging artista sa ibang bansa—lalo na at isa akong Asian. Hindi madali sa akin ang magsimula bilang isang naglalakad lamang sa likod ng mga artista sa hollywood at ngayon naman ay isa na ako sa mga cast nila. May sariling kamay na rin ako sa hall of fame! Ito na ang bloom era ko, pero bakit pa ako napunta rito? Well, wala pa naman akong bagong project kaya ayos lang naman sa akin kung itali ako ng hayop na 'yon dito sa villa niya—hindi ko sisirain ang binuo kong career sa loob ng ilang taon. Pinagmasdan ko ang magandang araw at napaupo sa isang bato. "No! No! You had a hideous appearance! You should have more guts! Remember that you are poor! You are a Filipina who desires money!" Sigaw sa akin ng director. Kinagat ko ang labi ko sa hiya na nararamdaman ko. Unang role ko sa hollywood, ay ang maging kabit ng kapitbahay ng bida. Minsan ay iniisip ko, kung bakit ang tingin nila sa ating mga Filipina'y mga mukhang pera. "Why? Why are you crying?" Tanong pa sa akin ng director. Hindi ako kumibo— pinunasan ko ang luha ko't ngumiti lang sa director muli. Galit na galit siya at kinamot na lamang ang ulo nito. "Take Five! In five, four, three, two and one—Action!" Agad akong umarte na para bang ako ang step-mother ko. Hinawakan ko ang co-actor ko sa braso at agad naman na tumingin ito sa akin. “She’s no good. I’m here for you…” wika ko, sabay halik naman sa kaniyang labi. Sandali lamang nang sumigaw na ang director kaya’t madali naman akong patago kung magpunas ng labi ko. Hindi sa maarte ako, pero ang tanda na ng asawa ko sa palabas na ‘to. Alam kong hindi ako proffesional ngayon, dahil mas’yado kong dinibdib ang role ko. Kaya nga ako umalis ng Pinas at dito I-pursue ang acting skills ko, dahil ayaw ko ng puro kabit ang roles—wala rin pa lang pinagkaiba rito sa hollywood. Pag-Filipina ka, kabit agad? Gold digger agad? Kairita! Kapag naalala ko ang lahat ng iyon, ay hindi ko maiwasang isipin kung nasaan na nga ba ako ngayon. Sumisikat na ang pangalan ko, ngunit hindi rito mismo sa bansa natin. Sumisikat na ako sa hollywood bilang kauna-unahang asian super hero na napasama sa best hereos sa hollywood. I removed some of my clothes and went swimming. Isa lang ang masasabi ko at isa ito sa pinaka-The Best, na nangyari sa akin. Hindi dahil nakulong ako rito, kung hindi ay nakahanap na rin ako ng pahinga. Noong kailan na nakauwi ako rito, ay marami na rin ang sumalubong sa akin. Hindi man ako lubusang kilala pa sa Pinas, pero alam kong binalita nila ang pangalan ko sa lahat ng media. Ngayon naman ay narito ako sa walang katao-tao na beach at solo ko lang ang lahat. Sana’y ‘wag na muna siyang bumalik. C.E.O, siya? Pwes! Kailangan niya maging busy, dahil ako naman itong magpapakasaya na lang ng isang buwan sa villa na ‘to! “I didn’t tell you to swim.” Mabilis akong napalingon, nang makita ko agad ang hayop na itong nakapamulsa pa. Sa likod naman niya ay ang malaki nitong villa. Agad akong umahon, saka hinawi patalikod ang buhok ko. Feeling ko nga ay para akong isang super model sa karaoke. “You told me to rest, so, I rest.” “That wasn’t resting.” “It is. Duh!” Tumaray pa ako. Kinuha ko ang aking damit, nang hubarin niya ang malaki niyang tshirt. Lumapit siya sa akin saka niya ipinunas ang damit nito sa buhok ko. “Oy! Ano ba? Baka marumi ‘yang damit mo, e!” Matangkad siya sa akin, pero hindi ko hahayaan na makalapit pa siya sa aking ng sobra. “Ikaw, sasabihan na kita. Alam kong maganda ako at hindi naman na nakakapagtaka ‘yon. Baka kasi nakakalimutan mo na nabuntis mo ang kaibigan ko.” Turo ko pa sa kaniyang mukha, kaya’t umangat naman ang dalawang kamay nito na para bang inaaresto siya. “All right, fine! Take a shower and rest. Tomorrow, you are going to start working,” ani niya pa sa akin. “Just remember it, Guindesalvus!” Naniningkit pa ang mga mata ko sa kaniya, habang naglalakad papalayo nang sabihin ko iyon. Mabilis akong pumasok sa loob. Sa isip-isip ko ay kulong na kulong na nga ako rito. Alam ko na agad na hindi ako makakaalis, dahil kapag umalis ako, ay kapalit naman no’n ang pinaghirapan ko ng ilang taon. Naroon na ako sa peak era ko, hindi ko sasayangin ‘yon. Dala ko ang ugat ng mga Pilipino. Habang nasa shower ng kwartong napili ko, ito na ata ang pinakamalaki. Lumabas ako ng banyo, nang nakatapis lamang, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Akim Guindesalvus na papasok pa lamang sa pintuan. s**t! Bakit siya naririto? Halos agad kong sinara ang pintuan muli ng banyo. Kwarto niya ba ‘to? Bakit wala akong makita na kahit picture man lang niya! Agad akong nagtago sa likod ng pintuan. Ang hindi ko lang malaman, ay kung bakit ba hindi ako pinapaburan ni Lord ngayong araw! Pumihit ang door knob ng banyo, kaya ako naman itong sumiksik sa malamig na dingding sa gilid ng pinto. Sa gilid ko ay ang sink at salamin, katabi naman ng sink ang inidiro. Kasunod no’n ang sliding glass door na liguan, kung saan ako nanggaling kanina. Hinawakan ko agad ang dibdib ko, matapos kong makita ang likod ni Akim na siyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi niya ako napansin sa pagkat para naman siyang nagmamadali. Rinig na rinig ko ang pagbukas ng zipper mula sa kaniyang short, saka niya itiningala ang ulo nito. Napakurap-kurap ako sa nangyari. Ano ang nakikita ko ngayon? Huwag kang titingin sa ari niya! Huwag kang titingin sa ari niya! Ngunit huli na ang lahat, nang makita ko ang namamaga niyang kahoy, kaya’t agad akong napasigaw. “The f**k!” Malakas niyang sigaw din at agad na umayos naman ng tayo nito. “Why the f**k are you here?” Galit niyang tanong sa akin, ngunit ang mata ko naman ay kusang bumaba pa rin sa nakalawit niyang ari na bakat na bakat sa puti nitong sando. “Eyes here, lady.” “I-I didn’t know! Lalabas na ‘ko!” Saka naman ako nagmadaling buksan ang pinto, nang hindi ko namalayan na sumabit na pala ang gilid ng tuwalya ko’t bumungad sa harap niya ang likod ko. Ang pwet ko! Hindi maari!! “God! Jesus!” Akma niyang sigaw pa muli. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko matapos kong kunin ang tuwalya’t pagkaloob ko muli sa katawan ko. Pulang-pula na ata ang mukha ko sa kahihiyan at hindi ko mawari kung ano pa ba ang mahaharap ko sa lalaking iyon. Today is shaping up to be extremely chaotic! Lumabas ako sa kwarto niya’t pumasok naman sa kabila. Sana lang talaga ay wala ring may ari ng kwarto na ‘to, dahil hindi ko na talaga alam kung may tao pa sa loob nito na hindi ko alam! Bakit ba kasi hindi sinabi sa akin kung saan ba talaga ang kwarto ko? Kinulong kulong ako rito, hindi naman ako sinabihan sa kung saan ako mag-sleep? May pa-rest-rest pa siyang nalalaman, tignan mo naman kung ano ang nangyari! Parang gusto ko na lang mag-rest in peace sa nangyari! Mabuti na lamang talaga sa kwarto na ito na katabi lang din naman nang pinasukan ko kanina, which is iyong kwarto pala ng hayop na iyon, ay wala naman nagmamay-ari. Wala rin naman akong nakitang tao sa loob, kung hindi si Guindesalvus lamang. Habang nakatingin sa dingding, ay doon pumasok sa isip ko kung ano nga bang klaseng villa ba ito. Villa Erotica… Iyon ang nabasa ko kanina, ngunit ano ba ang nakaka-erotic dito? Bakit naman tinawag ‘to na erotic? Saka may invitation pa silang nalalaman, ah! Tumaray ako sa hangin sa mga pinag-iisip nang sarili kong ulo. “Tinatakot-takot niya pa ako na isang click lang daw ng kaniyang C.E.O na daliri ang pag-downfall ko. Talaga lang, ha?” Saka ko pinagsisipa ang hangin na at hindi na alam kung ano ba ang gagawin sa kama. Saka ko lang na-realize na ang bored pala rito. Wala man lang akong magawa na kahit ano! Walang cell phone, pero nang makita ko ang isang tv sa gilid ay napanguso na ako. Hindi naman masama kung buksan ko ito at manood ako, ano? Hindi na rin naman na ako nagpaalam, nang gawin ko nga ang ninanais ko. Unang bumungad sa akin ang BNC News, at bungad na bungad doon si Sandro Benigno, kasama ang kaniyang on screen partner na si Daisy Abellar. Kinagat ko ang sarili kong labi, nang marinig muli ang boses niya mula sa screen. “Daisy is every mans dream,” wika ni Sandro. Tumawa naman si Daisy sa tabi niya at animo’y kinilig pa sandali sa mga pinagsasabi ni Sandro. “I hope she never changes. I've never encountered a woman as sweet and bright as her,” sunod pa ni Sandro. “Ang ganda talaga ng Ana ko.” Saka iniayos ni Sandro ang ilang butil ng buhok ko sa aking mukha’t inilagay naman iyon sa gilid ng tainga ko. “Kapag naging sikat ka na, hindi na ako ang magiging maganda sa mga mata mo.” Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. “Ana, ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Si Anastacia Placino lang ang sweet at cute at bubbly na babaeng sa buhay ko.” Hinalikan niya ang pisngi ko, matapos niyang bigkasin iyon sa akin. “Ikaw ang pangarap ko, Ana. Kapag naging sikat na ako, alam kong magiging mahirap, pero alam kong makakaya natin. Mag-iipon ako agad, para mabili ang lupa na ‘to.” Sabay hawak niya sa damo mula sa inuupuan namin. “Bibilhin natin itong lupa na ito.” “Mahal kaya ang lupa rito sa Batangas.” “Mas mahal kita,” ani niya pa. “Ito ang tanong ng lahat, kayo na bang dalawa ni Daisy?” Tanong ng babae sa kaniya at siya naman itong ngumiti lamang at sandaling sumagot, “Yes.” Isang taon na ang lumipas, pero narito pa rin ang sakit. Para sa pangarap, kailangan talaga na may mag-sacrifice. “Ano ang masasabi niyo sa inyong mga SANDAI fans, ngayong kayo ay umamin na?” “Maraming-maraming salamat sa inyo, SANDAI’s! Sobrang happy ko na sinu-support niyo kaming dalawa ni Sandro sa lahat.” Si Daisy iyon. Kinuha ko ang remote para patayin na sana ang tv, nang bumungad naman agad ang mukha ko kasunod ng interview nila Sandro. “Balitang-balita ngayong hapon na hindi umano’y nasa bakasyon sa Batangas, ang Philippine Pride Actress na si Ancee Placino. Itong umaga nga lang daw, ay nakita siyang nagtatanong at nakuhaan ng mga netizen sa Batangas ng litrato ang ating first Filipina Super hero Actress na gumanap sa hollywood bilang si Naga, na siyang nakakuha ng kapangyarihan ng Philippine mythology Bakunawa sa palabas na; Naga and the Legent of Moon Dragon.” Halos nanlaki lalo ang mga mata ko. Ang bilis ng balita! Ibig sabihin ay kalat na kalat na narito na ako ngayon sa Batangas? Ano rin ang sinasabi nilang Philippine Pride Actress? Ang grabe naman no’n! Ngunit sa palabas ko na ito ay talagang maraming gustong tumuklas sa Bakunawa. Ang role ko kasi roon, ay ako ang nakatuklas ng Bakunawa at sa akin umamo ang Bakunawa, kaya’t nakuha ko ang lakas niya. Next film namin, ay mapapasama na ako sa mga heroes na mas naunang sumikat. Tulad ni Spiderboy, Iron Male at iba pa. Hindi kaya tumatawag na sa akin ang manager ko? s**t! Paano ko naman kukunin kay Guindesalvus ang telepono ko? Pagbukas ko pa lamang ng pinto, ay dumiretso na ako sa tapat ng kwarto niya. Kakatakot na sana ako, nang buksan naman niya ang pintuan nito na para bang alam niya na kakatok ako. Ngunit doon ko na lamang napagtanto ang nakita ko kanina, hindi ko man lang magalaw ang bibig at dila ko’t para bang hindi na ako marunong magsalita. Tumaas ang dalawang kilay niya sa akin na para bang may hinihintay na sabihin ako sa kaniya, kaya’t mabilis na lamang ako umalis sa harap niya at pumasok na lamang muli sa loob ng kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD