CHAPTER 3

1321 Words
“Ano ‘to?” Nagtataka kong tanong nang tignan maigi ang papel na kaniyang inilapag sa aking haparan. “Kotse mo,” sagot niya na ikinataas ng aking kilay. “Mukha bang kotse ko ‘yan?” Inis kong tanong sa kaniya nang hawakan ko maigi ang aking dibdib, dahil sa kaba na aking nararamdaman. Mukhang tatanda ako ng maaga sa lalaking ito! Hindi pa nga nagsisimula ang sinasabi niya ay mukhang malalagasan ng buhok ang pwet ko! “Exactly! Mukha bang may gulong ang papel na ‘yan?” Turo niya sa papel. Naningkit ang mga mata kong pagmasdan ang papel at saka iyon kinuha. “Agreement? Hindi pa nga natin napag-uusap!” singhal ko na agad niyang ikinapikit. “Hindi ko alam kung paano ka nila nakuha bilang artista. You’re too slow… hindi ba’t nagbabasa ka ng scripts? Bakit hindi mo gawin ‘yung lagi mong ginagawa sa papel na ‘yan?” Tumaas ang kaniyang dalawang kilay nang iayos niya ang kaniyang upo. “Nakakatawa ‘yon? Oo, artista ako! Hindi ako basta-basta tao lang…” “Alam ko, kaya nga inakyat mo ang bahay ko,” sabat niya na ikinatigil ko mula sa pagsasalita. Itinapat ko sa aking mukha ang papel at saka ko binasa ang kabuuan ng mula sa hawak ko. “Three months? Tss… ano ang gagawin ko rito ng three months?” Tanong ko sa aking sarili nang ibaba ko ang papel at ngumiti sa kaniya. “Matanong ko lang? Ano pala ang gagawin ko rito? Any exact work?” Nang tanungin ko siya ay dinilaan niya lamang ang kaniyang labi at tumungo-tungo. “Well… gusto ko pag-isipan kung ano ang mga ipapagawa ko sa ‘yo.” Umawang ang labi ko sa kaniyang sagot. “But I think you'd be a better fit as my three-month maid." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. “Mukha ba tayong nasa pelikula at nasa loob ng isang nobela na ikukulong mo tapos gagawin mong maid? Grabe…” Iling-iling ko pa sa kaniyang harapan at tila hindi makapaniwala sa aking narinig. “Hindi ko alam na mahilig ka pala mag-imagination, Guindesalvus? How… how odd,” sunod ko pang sambit. “Yup! Actually, I imagine you cleaning my toilet bowl,” sabi nito na ngayon ay nakangisi pa sa harap ko. “Nai-imagine ko na nga rin na gamit ko ‘yang mukha mo sa pagkuskos ng toilet bowl mo,” ganti kong sabi na mas lalo niyang ikinangiti. “I like you…” dagdag niya na ikinataas ng aking balahibo. “You impregnate my best friend.” “Uh-uh… sign it.” Tumango-tango siya muli at itinuro na ang papel. “Don’t worry, Ms. Placino. Narito ka lang naman sa villa na ito for three months, hindi kita pahihirapan.” Sabay kindat niya pang sabi. “Siguraduhin mo lang talaga na pupuntahan mo ang kaibigan ko, dahil sampal de gulat ka talaga sa akin, Guindesalvus!” Turo ko pa sa kaniya. Pinirmahan ko ang contract at doon ko nakita ang kasunduan namin. Hindi niya ako kakasuhan, pero ikukulong niya ako rito ng three months para sa hindi ko naman talaga alam na trabaho. Basta gawin niya lamang ang gusto ko. Kailangan niyang puntahan ang kaibigan ko, dahil masakit sa akin na makitang hindi man lang niya inaasikaso at walang pakialam sa ginawa niyang pagbuntis sa kaibigan ko. “Done,” ani ko at inurong ang papel patungo sa kaniya. “Good,” sagot niya nang kunin niya ang papel at inilagay sa envelope na brown. “What now? Ano na ang gagawin ko rito?” Isinandal ko ang aking likod sa aking sofa na inuupuan at inayos ang aking pagkakaupo ng de-kwatro. “Rest,” bitin niyang sagot sa akin. Rest? Gusto ko ‘yan! Kung narito lang pala ako para magpahinga ay magugustuhan ko ang three months na ito. Sad to say na kasama ko lamang siya rito na ikinabi-bwesit ko. “At bukas ay mag-start ka na,” sunod niya na ikinagulat ko. “You mean? I am not just gonna rest here? Like rest-rest in three months?” tanong ko at agad siyang umiling. “Woman, I didn’t imprison you here to rest for freaking three months. You came here without being invited… being here is your karma.” Napalunok ako nang siya ay tumayo at inayos ang kaniyang suot sa aking harapan. “Kung gano’n ay mag-start na ako ngayon para mabilis na itong matapos. May trabaho kasi ako, Guindesalvus. May mga kailangan akong puntahan na events at tv shows dito sa Pinas,” dagdag ko na ikinatigil niya sa paglakad papalayo sa akin. “Then I’ll go with you,” Lingon niyang sagot sa akin na ikinababa ng aking braso. Fuck him! “Fine! Ipapakilala kitang ano? I’m not allowed to do my priority work?” “You’re in my territory; that’s why I’m your priority now.” Saka siya tuluyang nawala sa aking paningin nang siya ay umalis. Sumigaw ako nang malakas at pinag-cross ang aking mga kamay. Halos ilang oras akong nakaupo at hindi ko man lang alam kung saan ako tutungo. Ni-hindi niya nga sa akin itinuro ang magiging kwarto ko! Bigla na lang siyang nawala! Gustuhin ko mang tumakas ay napapaisip ako. Kung mawala ako rito at hanapin niya ako ay isang click lamang niya’y kakalat na ang mukha ko sa internet mula sa mga ginawa ko. “Paano ako magre-rest?” tanong ko pa sa aking sarili nang ako na lang din ang gumawa ng paraan para makapagpahinga. Inilibot ko ang aking paningin sa kubuuan ng sala at agad na naglakad paakyat. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang itaas at maraming kwarto na pwedeng pagpiliin. “Isa, dalawa, tatlo…” sunod no’n ay binilang ko na sa aking isipan ang ilan pang kwarto. “Anim…” Nang matapos kong bilangin ang lahat. “Kung gano’n ay hindi naman niya sasamain kung ako na lang ang mamimili ng kwarto rito, hindi ba?” nguso kong tanong sa aking sarili nang buksan ko ang pang lima kong binilang. “Wow…” Para ba akong namamangha sa aking nakita. Malawak at maaliwalas ang kwarto na napupuno ng kahoy. “Maganda pala kapag ganito ang style ng kwarto-” tila hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko sa itaas ng kama mula sa pader ang tatlong bilao. “Ano ‘yan? Ang style ‘yan? Sana nilagyan niya na lang din ng menu list ang pader niya para mukha ng nagtitinda ng pancit-an ang matutulog dito,” singhal ko nang hawiin ko ang isang puting see-through na kurtina. Tila nanlaki ang mga mata kong makita ang kabuuan ng dagat mula rito. Kitang-kita ko ang kagandahan ng araw at dagat na animo’y parang bagay na bagay sila kung tignan. “Ang lawak ng villa niya! Sigurado akong hindi na maghihirap ang kaibigan ko kung mapapangasawa niya ang lalaking ito,” ani ko na animo’y ikinatuwa ng aking puso. Masaya akong makita na ganito ang buhay ng tatay ng anak ni Cara. “Pwede pala mag-swimming sa dagat! May access sila patungo sa dagat!” tila hiyaw ko nang ma-excited ang puso ko. Ang tagal kong hindi nakalangoy sa dagat, dahil sobrang lamig sa ibang bansa. Ang summer ay hindi ko masyadong nae-enjoy, dahil lagi na lang akong nagta-trabaho. Sinasadya nilang tuwing summer na lagi kong ikinalulungkot, pero baka ito na talaga ang panahon para magkaroon ako ng rest. Sa haba ng panahon na nagtrabaho ako sa industriya ng pag-aartista ay ngayon lang nakilala ang pangalan ko. Hindi pa nga fully known ang Ancee Placino sa ibang bansa, kahit dito rin Pinas. “I will just take a rest, dahil bukas ay magsisimula na ang kalbaryo ko. Pero maliligo muna ako sa dagat.” Umalis naman ang hinayupak na ‘yon, e. Alam kong hindi rin naman ako makakalabas dito, kaya mag-enjoy na lang ako ngayong araw.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD