CHAPTER 2

1477 Words
Halos hindi ako makahinga sa aking nalaman. He’s the Chairman of the Board! What the f**k? Ang nakabangga ko ay hindi lang basta kung sinong tao! Hindi ako nagpakita ng kahinaan. Itinaas ko ang aking noo at tinignan lamang siya na para bang wala akong narinig. “I’ve never heard INPOP at all. Fake news lang ang lalabas kung ilabas mo ang binabanta mo sa akin.” kinamot niya gamit ang kaniyang hintuturo ang kaniyang talukap mula sa kanang mata nito. “Sinabi ko naman siguro sa ‘yo na may cctv kami rito, hindi ba?” kinuyom ko ang aking kamao. Ayokong mawala ang mga pinaghirapan ko mula sa gagawan niya. “Bakit mo naman iyon ilalabas? Panakot mo sa akin? Huh? Pwede rin kitang kasuhan sa ginagawa mo.” “Charging you trespassing? Ano pa ba? Marami pa,” nag-iisip pa niyang sabi sa akin. “Fine! Okay? Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?” “Stay with me here in this private villa…” “S-stay? I have things to do, Guindesalvus.” “Mabilis lang naman mag-send ang daliri ko sa Chief Executive Officer ng INPOP, Ancee…” ngumiti pa siya sa akin saka itinaas ang kaniyang isang kamay. Huminga ako ng malalim saka ngumiti sa kaniya. “Sure! Bakit naman hindi, ‘di ba?” f**k this life! “Mabilis ka pa lang kausap, Ms. Anastacia.” “Ang dami mo namang tawag sa akin. ‘Wag ka na kayang mahiya? Ancee na lang,” sarcastic kong sabi. Hindi naman halata sa kaniya na sobrang galang niya at mabait, hindi ba? “You will stay here in three month,” ani niya na ikinakunot ng noo ko. Three months? Ano ang gagawin ko rito in three months? “With me,” sunod niya pang sabi. “At bakit naman? Siguro ay gusto mo ako, ano?” taas pa ng aking kilay. Dinilaan niya ang kaniyang sariling labi at ngumiwi sa akin. “Nah… I hate flat girls…” tila ang gilid ng aking labi ay ngumingiwi na lamang sa aking narinig. “I hate small d***s too.” pambawi ko. Pansin ko kung paano nawala ang angas sa kaniyang mukha mula sa sinabi ko. “Don’t worry, Ancee. This is huge…” talagang patola siya, ha? Hindi talaga siya titigil hanggang hindi ako napapatahimik, ha. “I have things to do. You know that.” hindi pwedeng narito lang ako. “As I said, you will stay here.” “Paano kung kailangan ko makipag-meeting? Isa akong artista, right? Baka nakakalimutan mo? Masakit sa bulsa ang talent fee ko-” “Masakit rin sa puso ang issue na ito kapag nilabas ko, Ancee.” naiirita na ako sa kaniya! Ano ba ang ginagawa ko para lagi na lang niya akong barahin? Sandali lamang nang dumating ang ilang lalaki na dala ang mga gamit ko sa sasakyan. “What the hell?!” dali-dali ko iyong pinuntahan saka kinuha ang aking bags at ilang gamit. “Where did you get this? Paano niyo nabuksan ang kotse ko?” Oh, no! Not today! Kakabili ko lang ng kotse na iyon dito sa Pinas! Ang mahal-mahal no’n! “Nadala na po namin sa paayusan ng sasakyan, Sir. Medyo nabarag po namin ‘yung tinted na salamin.” parang aatakihin ako sa puso sa mga pinagsasabi nila. “Hindi niyo ba alam na pwede ko kayong kasuhan sa pinaggagawa niyo?” “You need a lawyer? My brother is a lawyer,” sabat niya sa akin. “Kakamuhian ko na ata ang angkan niyo, Guindesalvus.” “Just call me Akim. Ilan kaming Guindesalvus, Ancee. Baka malito ka… tulad ngayon.” tumaray lang ako at hinilot ang aking sintido. Hindi ko makalimutan ang ginawa nila sa kotse ko. “Can I see my car?” “You can’t go outside.” “f**k! Can I see my car at least in picture? Can I?” kumurap-kurap ang malaking katawan ng lalaki saka tumingi kay Akim. Sino pa nga ba ang pipigil sa kanila? Walang iba kung hindi ang boss nila, hindi ba? “Pakita mo na lang para hindi na umiyak.” umawang ang labi ko. Nakuha niya pang mangasar sa akin. Sandali lang nang ipakita ng lalaki ang kotse kong barag ang gilid dahil sa pagpukpok mula sa salamin. Tila ang ngiti ko ay utal-utal. “I just bought it last week. Fully paid and nothing less, and look what happened?!” gusto ko na lang maiyak talaga sa ngayon. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang maiyak. Kita ko kung paano sumilip ang mukha ni Akim sa gilid ko. Iniwas ko ang aking tingin, dahil ayokong makita niyang naiiyak ako sa kagagawan niya. Baka mamaya ay asarin pa ako nito. “Are you gonna cry?” sabi na nga ba! Aasarin niya ako! This bullshit man! Hindi ko tanggap na ganito ang magiging tatay ng inaanak ko. “Look, Guindesalvus. Siguraduhin mo lang na makikipagkita sa mag-ina mo matapos lang itong pinagsasabi mo, naiintindihan mo?” pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumuso lang siya at tila nag-isip. “I’ll check-” “Aba’t!” “Fine. I’m going to see your friend and her baby.” sa sobrang inis ko ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi makapagsalita. “Her baby? Its yours too! Ginawa niyo ‘yon pareho! Its your blood, asshole!” dinilaan niya nanaman ang kaniyang labi sa harap ko. Sa totoo niyan talaga ay masasabi kong napaka-attractive niyang tao at hindi ako nagsisinungaling doon. Hindi ko talaga masisisi ang kaibigan ko kung naibigay niya ang isang bagay sa lalaking ito. Hunk and handsome. “Make sure that its mine, dahil kung hindi ay ikukulong talaga kita dito ng habambuhay, Ancee.” tinatakot niya ba ako? “Sure na sure ako.” taas kilay kong sagot sa kaniya at lumapit din ako sa kaniya tulad ng paglapit niya rin sa akin matapos niya akong balaan. “Once na hindi iyon sa akin ay mapaparusahan kita. Naiintindihan mo?” gumalaw ang aking panga. Itinatago ko ang galit sa puso ko. Kahit gaano ka pa kagwapo, kung masama ang itsura mo ay wala ring kwenta ang itsura. “Tinatakot mo ba ako?” paghahamon ko ng tanong sa kaniya. Impossibleng hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigan ko? Nakita ko kung sino ang huling kasama niya sa bar hanggang palabas at alam kong siya iyon. “Bakit? Natatakot ka ba?” “Hindi,” mabilis kong sagot. Wala akong dapat katakutan dito. Hindi ako papayag na walang tatay ang aking inaanak at pamangkin. “Then we’re settle. I’ll print our contract,” ani niya bago umalis sa aking harapan. “T-teka!” ano’ng contract na sinasabi niya? Kailangan ko rin na umalis dahil mayroon pa akong kailangan puntahan. “Teka! Hey!” ngunit humarang sa aking harapan ang lalaking nagsabi na binarag niya ang bintana ng kotse ko. “What do you want?” maarte kong tanong sa kaniya. Saka niya itinuro ang pinasukan ng Guindesalvus na iyon. “Hintayin na lang po natin si Boss na dumating, Ma’am.” ngumiwi na lang ako at itinaas ang aking kamay. “Yeah! Sure! Ano ka ba? No worries! I really loved too!” saka ako tumaray sa kaniya at umupo sa isang sofa. Saka ko lang naisip nang kapain ko ang aking pang ibabang suot. “Have you seen my phone?” “Nabigay ko na po kay Boss, Ma’am.” “What?” wala kong emosyong sinabi. “Kahit ba ang mga undies ko sa kotse ay nasa kaniya na rin?” wala na akong pakialam kung mairita siya sa tanong ko. May mga damit ako doon at ilang mga undies. Alam ko naman na hindi nila iyon kakalkalin at ibibigay kay Guindesalvus. “Lahat po.” para akong pinagbagsakan ng lupa sa kaniyang sagot. Wala na bang matitira sa akin? Kung hindi ang sarili ko lang at ang suot ko? “Ginalaw niyo ang gamit ko nang walang paalam sa akin?” “Nasa property po iyon ng mga Guindesalvus at hindi po kayo guess namin, kaya kailangan po namin iyon gawin.” “Kahit na!” “Don’t shout at him, Ancee. Be a good girl, Baby…” gigil akong napatingin sa lalaking may dalang papel sa kamay. “This is not your property to decide. We have too check first, mahirap na at baka may dala kang bomba.” alam kong tama ang rason niya sa akin ngayon. “Smash my car? Narito naman ako, I can open my car for you to check.” “Sabi ba ng isang babaeng nang trespassing?” talaga bang idinidiin niya ito sa akin? “Sign this, Ancee. You have things to do,” huli niyang sabi saka niya inilapag ang isang papel at ball pen sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD