CHAPTER 1

1666 Words
“Nasisiraan ka na ba ng bait, Criselda Vecida?” pinanlakihan ko pa siya ng mata. “’Wag naman full name itawag mo sa akin…” nguso niya pang sabi sa akin. “Cara, umuwi ako rito Pinas, hindi para mamoblema. Okay?” pumikit ako ng mariin. Kakauwi ko lang ng Pinas para mag-unwind, dahil sobrang stress na ako sa ibang bansa. Hindi ko naman alam na mas nakaka-stress pa pala rito sa Pinas. “Alam ko naman ‘yon, Ancee. Kaya sabi ko sa ‘yo ay ‘wag mo ngang problemahin ang problema ko.” hindi ko alam kung matatawa ba ako sa gusto niyang gawin ko. “Cara, kaibigan kita. You’re my only best friend. Simula ng mamatay si Uncle Kaloy ay sa amin ka na tumira. Tapos sasabihin mo sa akin na ‘wag kong problemahin?” “Sorry na…” saka siya tumayo at niyakap ako mula sa aking gilid. “Bakit ba kasi ayaw mong ipakilala sa akin ang ama n’yan? Asan ba? Ilang taon na kayo? Bakit nauna pa ‘yang anak n’yo kaysa sa kasal?” marami akong tanong na gusto kong malaman ang sagot. Months lang naman akong nawala at pagbalik ko ay buntis na ang kaibigan ko. “Kasi nga ang problema ay hindi niya rin alam na may anak kami…” parang nalaglag ang aking braso sa aking narinig. “W-what? He didn’t know?” galit kong sigaw sa kaniya. Lumayo ako mula sa kaniyang pagkakayakap at sinamaan ito ng tingin. “Cara, ano?” inilalayo ang mga mata nito sa akin. Tila para ba siyang nahihiya sa sarili niyang kagagahan. “Cara?” sunod ko pang tawag sa kaniyang pangalan. “Naka one night stand ko lang siya. Nag-celebrate lang naman ako ng breaksary namin ni Jino.” napasapo na lamang ako sa aking noo at tila natawa ng kaunti. “Cara? Naghiwalay na kayo ni Jino, ‘di ba? Bakit pati breaksary ice-celebrate mo pa?” “Hindi pa ako naka-move on, okay?” “Bakit mo binigay ‘yung p********e mo sa lalaking ‘yon? Kilala mo ba siya?” sandali naan siyang umiling sa akin na mas ikinainit ng ulo ko. “Hindi mo kilala kung sino ang nakabuntis sa ‘yo? Saang lugar ka ba uminom at anong araw ‘yon?” “Sa club. Last month…” dinilaan ko ang aking labi. “Okay. Kailangan malaman niya ‘yan, Cara. Ano ba ang balak mo d’yan?” pero nang maisip ko na hindi siya pwedeng ma-stress ay tumungo na lang ako. “Let me handle this-” “Ancee… kaya ko naman buhayin ang anak ko ng hindi niya alam.” mabuti na lang talaga at kahit paano ay sanay na ako sa kaniya. Matigas ang ulo niya at gusto niya ay siya lang lagi ang mag-aayos ng problema niya. “Fine. Hindi na ako makikialam, okay? Just… just do whatever you want to do, okay?” sarcastic kong sabi. “Hindi ko gusto na pati ikaw ay madamay pa dito. That’s why…” umupo siya sa sofa kaya’t gano’n na rin ako. Inayos ko ang aking pagkaupo at tila nakaisip ng paraan. Pinakwento ko lamang siya kung saan siya nag-bar at kung ano ang nangyari. Ang hindi niya alam ay nakatatak na sa isip ko ang lahat. Hindi niya rin alam na may plano na ako para sa lalaking iyon. Satingin ng lalaking iyon ay papayag ako na hindi niya papanagutan ang kaibigan ko? Magkakamatayan kaming dalawa kapag hindi niya ginawa ang tungkulin niya. “Satingin mo ay makakaalis ka rito, Anastasia Celine Placino?” tanong nito sa akin. Tila ang kaba sa aking dibdib ay lumakas nang kumunot ang kaniyang noo. Siyang-siya ang nasa litrato mula picture na aking nakuha mula sa club na iyon. Mula sa ilong at mata pati na rin ang labi niya. Hindi ako pwedeng magkamali at siya ang nakabuntis sa kaibigan ko. “Satingin mo rin ay makakatakas ka, Guindesalvus? Binuntis mo ang kaibigan ko at iiwanan mo na lang bigla-bigla?” taas pa ng aking kilay. Ang pagdila niya sa kaniyang labi ang aking nakita saka pinulot ang litratong nahulog sa lapag nang isampal ko iyon sa kaniyang dibdib. “Hindi mo ba alam kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan ko ngayon? Akala mo ba ay madaling bumuhay ng bata na walang ama?” sa galit ko ay para na akong maiiyak. Siya lang itong tinitignan ang litrato. “Dejandro? Tsk…” saka ko nakita ang kaniyang malaking ngisi at tila may kaunting sa kaniyang labi. Ano ba ang pinagsasabi niya? “Nakikinig ka ba? Kailangan mong puntahan ang kaibigan ko. Magpakasal kayo at kailangan mong panagutan ang bata-” “I don’t think so…” nabigla ako sa sagot nito. Hindi ko pa man din natutuloy ang sinabi ko nang sumabat na siya. “Excuse me?” sinundan ko lang siya ng tingin habang siya ay uupo na sa kaniyang magandang sofa. “Wala ka bang puso? Sino ba naman kasing tanga ang iiyot at hindi nag-condom tapos takot pa lang makabuntis!” sigaw ko. Pinilit kong hindi maluha. Lumaki akong walang ama at katulad ng buhay ni Cara na hindi rin binigyan ng pagkakataon na makasama ang ama. “Bakit ko aakuin ang batang hindi naman galing sa akin?” bakas sa kaniyang mukha na wala talaga siyang pakialam. Parang babagsak ang aking bibig sa narinig. “May sayad ka ba?” sinira niya ang buhay ni Cara! “Paano ka nakakasiguro na sa akin ‘yan?” pinag-cross niya ang kaniyang braso saka itinabingi ang ulo nitong tignan ako. “Marami-rami akong mailalapag na kaso sa ‘yo, Anastasia…” doon ko lang natandaan nang tawagin niya muli ang pangalan ko. He f*****g know me! Saan niya ako nakilala at paano? “How did you know my name?” “I just know. Kung ikaw ang nabuntis ko ay papanindigan ko, pero hindi. So, sorry…” lumapit ako sa kaniya at tila sasapakin siya ng nanlaki ang mga mata niya. “Physical Injury! Trespassing!” dala-dala pa nito ang isang unan na square at tila yakap-yakap ito. “Talagang tatamaan ka sa akin! Wala akong pakialam kahit makulong pa ako-” “Ancee Placino, first Filipina celebrity na kinuhang anti hero sa isang sikat na super hero film sa America?” doon ko lang napagtando na kaya niya ako kilala dahil isa akong celebrity! Shit! Oo nga pala! Bakit hindi ko man lang naisip na isa pala akong artista! Hindi ako nag-isip agad! Napatayo ako ng maayos at lumayo sa kaniya agad. “What if they canceled you?” naningkit pa ang mata niyang tignan ako at tumabingi pa ng kaunti ang ulo nito. “Mahirap abutin ang narating mo ngayon, Anastasia.” nanghina ang aking tuhod. “You accused me on something that I actually really don’t know, Ancee. Pumasok ka sa private villa. Tempted physical injury? Marami pa namang Pinoy na mahilig mag-cancel.” I just wanted to help my friend. Pero bakit imbis na matulungan ko siya ay kapalit no’n ang pangarap at pinaghirapan ko. “Sabihin na natin na mas sikat ang pangalan mo sa ibang bansa, Ancee. You reach your dream and yet… ikaw rin ang bumabawi sa mga narating mo.” pinikit ko ang aking mata. Hindi ako pwedeng maluha at mag-isip. “I want you to get out of this villa at kausapin mo ang kaibigan ko. You make her pregnant, Guindesalvus.” may diin pa sa boses ko. “Basta ang kapalit no’n ay pagbagsak ng pangarap mo. Ayos lang sa akin kung gano’n. I love risking, Ancee,” ani niya. “Masaya akong nakikita silang nag-iisip at nag-iisip ng dahilan.” pinilit kong tumayo sa huling sinabi niya. “It’s not my fault kung tanga ka at nakabuntis ka, Guindesalvus. Hindi ko kasalanan na nag-one night stand ka sa kaibigan ko at hindi mo papanagutan.” “Hindi ko rin kasalanan na pumasok ka rito at balak mo akong saktan. Masyadong inilagay sa panganib ang buhay mo para lang makausap lang ang taong hinahanap na wala naman dito.” ano ang sinasabi niyang wala? “’Wag mong guluhin ang usapan. Sinasabi mo ba na hindi ikaw ang nakabuntis sa kaibigan ko? So, sino itong nasa picture? Multo mo? Kambal mo? Anino mo?” pumeke ako ng tawa at agad na sinapo ang aking ulo. “I really don’t know how to handle girls, pero satingin ko ay hindi ka naman madaanan ng kagwapuhan ko dahil may ibang pakay ka sa akin.” ang lakas talaga ng apog niya. Sinasabi niya ba na lahat ng babae ay madadaan niya sa kagwapuhan niya? Okay. Aminado akong gwapo siya, pero hindi ibig sabihin no’n ay mahuhulog na ako sa kaniya na para bang mayroon siyang pampaakit sa katawan. “Kung sumama ka na lang sa akin at nagkasundo na lang tayo na susustentuhan mo ang anak mo sa kaibigan ko ay edi sana tapos na ‘to.” “INPOP? Have you heard INPOP?” narinig ko na iyon. Isa iyon sa sikat na website lalo na sa Hollywood. Ayon ‘yung naglabas sa media ng mga past issues ng kahit sinong celebrities. I hate INPOP. Sila ang kalimitang dahilan kaya maraming naca-canceled na artista. “Bakit? Ibibigay mo ba ang issue na ‘to roon? Huh? Satingin mo ay maniniwala sila sa ‘yo? You don’t have proofs.” taas-taas pa ng aking kilay. “Oh!” umayos ang upo niya at tila nagpanggap na parang natatakot. “Hindi pa pala ako nagpapakilala sa ‘yo, Ms. Placino.” tumayo siya ng pormal ay pinagpag ang kaniyang damit. “Alejandro Farrel Guindesalvus. You can call me ‘Akim’. Chairman of the board of International Pop. Nice to meet you, Ancee. Our next target is your issue.” tila nawala ang angas ko. Siya ang chairman of the board ng INPOP? Mas mataas pa sa CEO? Ano ba ang ginawa mo, Ancee!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD