CHAPTER 30 Chiaseb POV Pagbaba namin sa eroplano, ramdam ko ang init ng hangin ng Pilipinas na tila yumayakap sa amin. Matagal-tagal na rin kaming nawala, kaya’t sabik na sabik akong makita muli ang aming tahanan. Kasama ko ang aking asawa na si Ivy, ang aming anak na si Caelan, at ang mga kapatid ni Ivy na sina Bryle at Nicolas. Ngunit ang pinakanagpapasaya sa akin ay ang pagbabalik namin sa piling ng aking mga magulang. "Welcome home, anak," sabi ni Mommy nang makita kami. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal. "Mommy, na-miss ko po kayo," sagot ko, pilit na pinipigilan ang mga luha. "Sobrang saya ko na nandito na ulit tayo." "Na-miss ka rin namin ng Daddy mo," sabi ni Mommy, ang kanyang mga mata ay puno ng saya. "Nandito na kami p

