CHAPTER 30 Jerica's Brooks POV Nabalitaan ko na bumalik na si Chiaseb dito sa Pilipinas. Matagal ko nang iniintay ang pagkakataong ito. Alam kong ito na ang tamang panahon para kumilos. Hindi ko hahayaang manatili siya sa piling ni Ivy habang ako’y nagmamasid lamang sa malayo. Alam kong mahal pa rin niya ako, at gagawin ko ang lahat para makuha siya pabalik. Sa pagtuntong ko sa lobby ng BuildEase Solutions Corporation, naramdaman ko ang kakaibang excitement sa aking dibdib. Nakasalubong ko ang mga empleyado, lahat ay abala sa kanilang mga gawain, ngunit walang nakakakita ng tunay kong layunin. "Good morning, Ma'am. Ano pong sadya ninyo?" tanong ng receptionist nang makita ako. "Good morning," sagot ko, ngumingiti. "May appointment ako kay Sir Chiaseb." "Sandali lang po, Ma'am. Titin

