CHAPTER 9 CHIASEB POV Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda ulit para sa trabaho. Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ni Ivy. "Good morning, Ivy," bati ko. "Good morning, sir," sagot niya. "Handa na po ako para sa imbestigasyon natin." "Good," sabi ko. "Kailangan natin ng lahat ng tulong na makukuha natin. Simulan na natin ito." Nagpatuloy ang aming imbestigasyon sa mga susunod na araw. Sa bawat hakbang, nakikita ko ang dedikasyon ni Ivy sa kanyang trabaho. Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, hindi siya nagpakita ng pagod o pag-aalinlangan. Pagkatapos ng ilang oras ng pagsusuri ng mga dokumento at pag-meeting kasama ang mga department heads, naalala ko ang nakatakda kong lunch meeting. "Ivy, may pupuntahan lang ako sandali," sabi ko. "Ituloy mo lang ang ginagawa mo. I’ll be

