CHAPTER 8 IVY'S POV Pagkatapos ng huling meeting namin ni Sir Chiaseb, natapos ko na ang mga kailangan kong gawin para sa araw na iyon. Lumapit ako sa kanya upang magpaalam na uuwi na ako. "Sir, tapos na po ang lahat ng trabaho ko para sa araw na ito," sabi ko habang inaayos ang mga papeles sa desk niya. "Magpapaalam na po sana ako para makauwi na." Tumango si Sir Chiaseb. "Okay, Ivy. Mag-ingat ka sa pag-uwi. Magandang trabaho ngayon, pahinga ka na." "Salamat po, sir," sagot ko bago ako lumabas ng opisina. Habang papunta ako sa parking lot, naisip ko kung gaano ka-bilis ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Mula sa pagkakilala namin ni Sir Chiaseb sa isang hindi inaasahang pagkakataon, hanggang sa pagiging bahagi ko ng BuildEase Solutions Corporation. Ngayon, isa na akong execut

