Chapter 1

1292 Words
Bakit madilim? Bakit hindi ako makagalaw? Nasaan si Cele? "...Manuel!!" Cele!! Lumitaw ang mukha ni Cele habang umiiyak at kinaladkad ng mga dambuhalang lalaki papasok ng Van. Hindi ako makatayo at nakatingin lang sakanya ng bumulagta sa mukha ko ang mukha ng lalaking bumaril saakin. Agad na bumukas ang mga mata ko matapos marinig ang tawa niya. Napabangon ako sa hinihigaan ko pero agad na pinigilan ng isang kamay. "Wag ka munang gumalaw." Ani ng babaing naka-suot ng uniporme ng mga Nurse. "Hindi pa magaling ang tahi sa tagiliran mo. Baka mag-dugo." Nakatingin lang ako sakanya ng nakakunot ang noo. Long haired at naka pony tail. Maputi at maganda ang anyo ng mukha at katawan. Naging blangko ang tingin ko ng mapatingin ako sa pintuan ng silid na kinahihigaan ko. Nakikita ko mula dito ang mga magulang ko at ang mga magulang niya. Umiiyak ang ina ni Cele habang pinapatahan ito ng kanyang ama at ng nanay ko "Cele..." Bulong ko. "Hindi iyan ang hinihingi kong sagot. Ang tanong ko kung anong pakiramdam mo ngayon?" Ang nurse na babae. Napatingin ako sakanya ng wala sa sarili. "Cele..."Balik kong sabi. Bumumtong-hininga ang babae. "Kung gusto mo ng makita ang nagngangalang Cele ay dapat magpagaling ka muna." Sabi nito. "Kung magaling ka na tiyak na makaka-uwi ka na at makikita mo ulit siya habang nag-hihintay sayo." Lumakas ang pangungulila ko sa nobya dahil sa huling sinahi ng Nurse. Tumulo ang luha ko habang tumingin ulit sa labas ng pintuan. Pumasok ang mga magulang ko at ang mga magulang niya at tinanong ang kalagayan ko. Tinanong rin nila Tita ang nangyari kahit alam kong alam na nila. Nagtanong rin sila kung nakita ko ba yung kumuha pero tango lang ang sinagot ko. Inalagaan ako ng nagbabantay sa'king nurse. Sinusubuan ako ng pagkain at lumipas lang ang ilang araw ay naging madaldal na rin ito at ngumingiti na hindi ko naman pinapansin. "Oh, dapat kumain ka pa ng saging, hihi, para mas lumakas ka." Ani ng Nurse habang binabalatan ang saging na kaya ko namang gawin. Kapag kumukuha ako ng saging ay siya ang kukuha at ngingiti ng kimi saakin. Inumang niya ang saging saakin. Dahan-dahan kong binuksan ang bibig ko habang nakatingin sakanya. Nakanganga rin ito habang nakatingin saakin sumusubo at nung masubo ko na ay napalunok ito, pinalandas ang dila sa bibig at namula ang mga pisnge. Halos di ko malunok ang kinakain kong saging dahil sa ka-awkward-an dahil sa pagtitig niya saakin na para akong hunuhubaran. Nagbalat pa siya ng saging at isusubo na sana saakin ng agawin ko ito at ako na ang nag-subo. Ayaw na ayaw kong sinusubuan niya ako pero hindi naman ako kaganong kagaspang ang ugali para prankahan siyang tanggihan. May pagkakataong pranka akong mag-salita pero may pagkakataon ring hindi, lalo na pag sa una ay hindi mo maisip na may malisya. Pero dahil sa mga kinikilos niya ay napag-isipan kong iwasan nalang ang mga gagawin niya at ako na ang gagawa. Hindi naman ako paasa, asyumero na kung asyumero pero nararamdaman kong may nararamdaman na saakin ang babae na to. "Ako na ang magsusubo sayo!" Hindi iyon request, isang demand. At hindi ko iyon nagustuhan. Naka-pout siya at umiirap saakin. May dala siyang lugaw, Pina-ikot-ikot pa niya ang kutsara sa malalim na plato tsaka inumang saakin ang kutsara na may lamang lugaw. Nag-pout pa siya ng hindi ko binuksan ang bibig ko at blangko lang nakatingin sakanya. "Kain na!" At inuulit ko, ayaw na ayaw ko sa ugali niya. Inuulit ko rinz ayaw ko siyang oaasahin, kaya naman kinuha ko ang kutsara at nung nagmatigas ay pinwersa kong kunin kaya natapon ang lugaw sa kutsara. Napasinghap naman siya. "Halaa~ Natapon!" Nakatabon pa ang mga kamay nito sa sariling bibig at nanlalaki ang mga mata. Kinuha ko sakanya ang malalim na plato at ako na ang nagsubo para sa sarili. "Hmp! Nagmamagandang loob na nga ako, ikaw pa itong ayaw!" Maldita nitong ani. "Hindi kita inuutusan..." malamig kong sabi. "Nagmamagandang loob lang ako!" "Paki-tandaan para hindi masaktan. May girlfriend na ako, kahit na nawawala siya ngayon wag kang umasa na papalitan ko siya." Walang kasiguraduhan kung nasaan siya dinala o buhay pa ba siya pero umaasa pa rin ako na babalik pa siya at hihintayin ako sa bahay. Aalis na sana ito sa kwarto ng tinutuluyan ko dito sa ospital ng yumanig ang buong Hospital. Ilang segundo pa ay nagsigawan ang mga tao. Naamoy ko na ang kapamahakan. Ang mga amoy ng halimaw at ang tunog na nanggagaling sa kanilang awra. Magsasalita na sana ang babaing Nurse ng may tumilapong isang tao sa pintuan, dumaosdos ito pababa at ang mga dugo na naglinya dahil sa pagbaba niya. Humiyaw ang babaeng nurse at napa-upo. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at ang bintana na malapit sa kinaroroonan ko ay may matang nakasilip. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa Nurse para tulungang tumayo, pero napigilan ako sa mga dextrose na nakakabit saakin. Dahan dahan kong tinanggal ang dextrose sa kamay ko at may dugo na dumaloy. Pagkatapon ko sa dextrose ay siya namang pagkabasag ng salamin sa binta. Agad kong hinila ang babaing nanginginig at tumakbo kami papalabas. May mga nagkalat na patay na katawan sa hallways. Dun kami sa emergency exit dumaan palalabas. Sa fourth floor pa kami. Tumakbo kami ng nasa First floor na kami at lumabas ng hospital. Pagkalabas namin ay may mga nakapalibot na halimaw sa itaas ng hospital. Nagtago kami sa gilid ng parking lot na may halaman at inoobserbahan ang mga halimaw. Wala sanang makakapansin saamin kung hindi lang maingay ang katabi ko. "M-may tao!" Tinuro niya ang isang mamang gumagapang. "Tulungan natin." Binitawan ko ang kamay niya ng akma na siyang lalabas pero napahinto siya dahil sa ginawa ko. Bahala siya, Suicide ang ginagawa niya. May mga halimaw sa itaas kaya nga nagtago kami diba? Mabuti nga at maganda ang tiyempo namin pagkalabas dahil walang nakapansin saamin. Kung gusto niyang magpaka-Hero bahala siya, basta mamamatay na ang lalaking hati ang katawan. "Hindi mo tutulungan?" Tinignan ko lang siya na parang nababaliw na siya. Di ba niya naiintindihan?? May mga halimaw nga sa itaas!! Ayaw kong magsuicide dahil sa gusto niyang magpaka-hero at sa nakikita ko naman ay hindi na talaga magsu-survive ang lalaki. Hindi naman sa lahat ng Oras ay may tutulungan ka. Kasi ang sarili mo lang ang makakaligtas sayo kung mag-iingat at tama ang galaw mo. "Tulungan nga natin siya!!!" Pagpipilit niya. "Shhh..." Inilapat ko ang daliri ko sa bibig ko. "Maririnig ka nila." "P-paano ang mamang yun?" Gumaralgal ang boses niya. "Hindi na yan magsu-survive. Hati na ang katawan, Nagkalat ang mga lamang loob sa semento." Iniisip ko talaga na sana mamatay na ang lalaki. Alangan naman na buhayin pa eh hati na nga ang katawan, dahil naaawa rin naman ako sa kalagahan niyang umiiyak. Kung mamamatay siya edi hindi na siya magdudusa pa. Iniwan ko ang babaing umiiyak ng tahimik. Gumapang ako para matago ng mga sasakyan. May nakita akong kotseng bukas at dahan dahang lumapit dun. Nagulat nalang ako ng may humawak sa paa ko. Pag-lingon ko ay ang babae pala. "W-wag mo akong iwan please." Pagmamakaawa niya. Nakaramdaman naman ako ng Guilt at awa sa babae kaya tumango ako. Tinuro ko sakanya ang kotse at sinabihang pumasok siya ng front seat at ako naman sa driver seat. Gumapang kami papasok at nauna siyang pumasok sa kotse, ako naman gumapang papunta sa driver seat. Nakapasok ako ng matiwasay at walang nakaka-bantay. Tsinek ko pa ang back seat kung may mga nagtatago ba, ng makitang wala ay binuksan ko na ang kotse. Nakaiwang naka-saksak ang susi sa keyhole ng kotse. Pinaandar ko ito at pinasibad. Pagtingin ko sa rearview mirror sa labas ay nakita kong may nakasunod saamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD