bc

Destination: To Celeste

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
adventure
kidnap
student
bxg
scary
genius
non-hunman lead
magical world
special ability
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

sa nakalilipas na limang daang taon, may mga nakakatakot at masasamang nilalang na kumakain ng tao ang biglang sumulpot para guluhim ang mundo. Ilang taon na ouno ng katatakutan ang mga tao bago may bumabang limang anghel mula sa langit para sa misyong paslangin ang mga halimaw na pinangalanan na "Flek". Araw at gabi makikita sa kulay ng kalangitan ang paglalabanan ng mga halimaw at ng mga anghel. Naging matagumpay ang mga anghel at naikulong nila sa isang abyssal port ang mga halimaw. Walang makakapasok, walang makakalabas at walang makakakita. Ngunit namatay ang isa sa limang anghel. Dahil sa katapangan at kagitingan nito ay binuhay ulit ito ng hari sa itaas, pero dahil sa kahilingan ng isang anghel na gawin silang dalawang mortal ay ginawa iyon ng hari sa itaas.

Naging mortal ang dalawa at sila'y palaging magtatagpo kahit na sa iba pa nilang buhay.

2019, Isa-isa uling nagsisilitawan at naglabasan ang mga halimaw. Kungi bakit nabuksan ang portal ay wala pang nakaka-alam, qt muli'y ang mundo ay puno ng Katatakutan. Ngunit may isang babaing may kayang iligtas ang mundo ang magsasakripisyo para sa mundo.

Makakaya kaya ito ng kanyang iniibig?

chap-preview
Free preview
Prologue:
"Ahm... Emmanuel? G-gising!!" Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad saakin ang magandang mukha na pinakamagandang babae sa mundo. Ngumiti ako sakanya at nginitian niya rin ako. "Gising na kasi! Mabigat kaya ang ulo mo. Kanina pa nangangalay ang mga hita ko." Naka-nguso nitong reklamo na ikinangiti ko. "Oo na, ito na, ito na." Nakangisi akong umupo. Bumangon na siya sa pagkaka-upo at tsaka inayos ang palda na suot. "Pasok na tayo sa Classroom??" Ani niya. Ngumisi ako. "Isang halik sa labi, Babangon ako. Isang halik sa labi Isang lakad. Isang halik sa labi isang baba sa hagdan. Ano, deal?" Nag-wink pa ako. Imbes na mamula ay bigla inis na ekspresiyon ang lumabas sa mukha niya at sinipa ako pero dahil malakas ang instinct ko ay agad akong gumulong palayo tsaka tumawa. "Aba, Pink." Doon na namula ang mga mata niya at isinobsob ang mukha sa mga palad na tinawanan ko lang dahil sa kakyutan. Tumayo ako at nilapitan siya para sana yakapin ng biglang may malaking anino na sumakop saamin. Napahinto ako at titingin na sa sa likod ng may isang halimaw na may pakpak ang lumilipad galing sa baba at nasa likod ni Celeste. Dahil malakas ang reflexes ko ay agad kong hinila ang kamay ni Celeste at tumakbo papunta sa pintuan. Nasa Rooftop kami at May tatlong halimaw na nakapalibot. Ramdam ko na lumilipad sila papunta saamin at ramdam ko rin sa simoy at haplos ng hangin na derikta silang papunta saamin. Pagkapasok namin ay agad kong sinarado ang pintuan sa rooftop at tumakbo pababa habang hawak-hawak ang kamay ng girlfriend ko. "Ano yun??" Takot na tanong ni Cele na ngayon lang naka-imik. Nasa fourth floor na kami ng paaralan at nasa hagdanan pa rin kami. Hindi kami makikita kasi nasa tago kaming lugar. Huminto ako dahil nararamdaman ko ang panginginig niya. Umupo kaming dalawa niyakap ko siya mula likod. "Halimaw, pero hindi ko alam kung anong klaseng halimaw." Sabi ko habang nakahalik sa sintido niya para pakalmahin siya. Biglang yumanig ang buong skwelahan at putok ng bomba, baril at ang siren ng pulis na dumating ang nagpapa-ingay sa buong skwelahan. May mga tili rin ng mga tao kaming naririnig sa malayuan pero wala ng iba. Impit ring napatili si Cele ng may pumutok malapit saamin kaya malakas ang tunog ng pagsabog. Mas Kumapit siya saakin at mas humigpit rin ang yakap ko sakanya. "M-maghanap tayo ng mga guro at estudyante. Hindi pwedeng nandito lang tayo at nakahiwalay." Sumang-ayon ako sakanya gamit ang pagtango ko. Tinulungan ko siyang tumayo at pinagpagan ang palda niya gamit ang kamay ko. Maglalakad na sana kami pababa ng may babaing naka-tayo sa harapan namin. Inilapit ko naman ang nobya ko saakin dahil may kakaiba sa awra ng babae at nag-iba rin ang mata niya, naka-hiwakay ang eyeball ng mata nito at nakatingin sa itaas. Ramdam na ramdam ko ang itim niyang awra na kasing katulad sa mga halimaw na nakita ko sa ibabaw. Alam ko dahil may naririnig rin akong hindi kaaya-ayang tunog na parang nanggaling sa flute pero hindi kaaya-aya. "Anong kailangan mo, Vacky?" Tanong ko. Pagkabanggit ko sakanya ay agad na bumalik sa ayos ang mga mata niya at nakatingin na saakin. Napatalon ako ng konte dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan iyon. "Gabriel~ Ikaw nga." Tuwang-tuwa nitong sinabi. "Alam mo ba? Galit na galit ako sayo. Dahil mas pinili mo iyong babaing iyon kaysa saakin na Best friend mo. Niligawan naman kita pero ayaw mo saakin. Mas pinili mo ang babaing hindi nanligaw sayo." "Childhood sweetheart ko siya at ako ang nanligaw sakanya kaya malamang hindi siya ang nanligaw saakin." Masungit kong tugon. "Mas malaki ang hinaharap ko sakanya!!" Sigaw nito. "Hindi rin siya Flat. Tamang Cup C lang siya at D or E ka." Inis na sagot ko. "Mas maganda ako!!" Sigaw niya ulit. "Perfect siya para maging asawa ko." Sagot ko. Biglang mas umitim ang awra nito at pumula ang mata at masama na ngayong nakatingin kay Cele. Unti-unti ay nagbago ang anyo nito at kumulubot ang mukha at nagka-pangil. Tumaas at tumilis rin ang mga kuku. Naghanda ito para umatake kay Cele pero may agad na pumasok ang isang galaw sa isipan ko at agad kong ginawa ng makalapit siya. Sinipa ko siya sa Sikmura na naging dahilan para may mailuwa siyang isang bagay na puno ng itim na awra at tumilapon siya papunta sa dingding at bumagsak sa sahig. "Lahat ng mga estudyante dito sa Philippines High School Institution, wag na po kayong mag-alala at maaari na po kayong umuwi sa inyong mga bahay. Wag pong mag-alala, wala na po ang mga halimaw. Everything is under control. Pero mag-iingat pa rin kayo." Hinawakan ko ang kamay ni Cele at hinila siya. "Tara na." sabi ko pero hinila niya ako pabalik. "Sandali, paano si Vackey? Hindi mo siya tutulungan?" Malamyos na tanong ni Cele. Masama ang tingin ko sa babaeng nakahandusay. "Nakakapagod magbuhat. Tara na." Hinila ko siya ulit at hindi na pinayagang mahila niya ako pabalik. Tinatakpan ko ang mga mata niya lalo na sa ibaba dahil may nagkalat ng patay na katawan ng mga halimaw at ibang estudyante na nawawalan ng kalahati ng katawan. Naglalakad na kami pauwi. Walang masyadong mga tao at konte lang rin ang dumadaang kotse sa nilalakaran naming daan. "Anong klase ng halimaw kaya iyong nagpakita kanina?" Tanong bigla ni Cele. "Di ko alam, sorry." Sabi ko. "Okay lang." Nakangiti niyang sinabi ng biglang may humarang saamin. Mga men in black. Mga goons. Nakapalibot sila saamin. Nasa likuran ko si Cele. Ilang segundo pa ay natagpuan ko ang sarili ko na nakikioagbakbakan sa mga goons na lalaki na isa-isang nagsisilapitan. Salamat sa malakas na instinct at reflexes ko ay napapatumba ko sila. Makalipas ng ilang minuto, matatalo ko na sana lahat ng biglang may bumaril saakin sa tagiliran. Walang tunog ng putok ng baril kaya akala ko bato lang. Seconds later, i saw myself collapsed on the grojnd while trying to get up because I saw them forcing Cele to a Van. Sigaw siya ng sigaw hanggang sa maisars nila ang pintuan ng Van. Nakita ko ang isang middle age na lalaki n atumatawa at may hawak na baril. Hindi ko kayang tumayo dahil binugbog ako ng mga goons ng mapabulagta ako at nawalan na ng lakas. Minemimorya ko ang kanyang mukha , tindig at bawat ditalyado sa anyo niya kahit na On/Off ang paningin ko ako bago nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
183.4K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.6K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
54.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook