30

1470 Words

LIHIM NA napabuga nang malalim na hininga si Eya habang nasa loob lang siya ng shotgun seat ng sasakyan ni Zeke. Hindi niya maitago ang kaba na nararamdaman niya sapagkat konting oras na lang at makakarating na silang dalawa sa ospital kung saan magaganap ang kaniyang pre screening interview. Actually, hindi naman talaga siya dapat sasakay ngayon kay Zeke at balak niya na mag-commute na lang dahil ayaw niyang maabala pa ang binata... kaya lang nabigla na lang siya kaninang umaga nang maabutan niya si Zeke na nagluluto na naman ng almusal nilang dalawa. Napakamot na lang siya sa kaniyang batok. “I-ikaw na naman ang nagluto, nakakahiya na sayo,” hindi niya maiwasan na sambitin ‘yun sa binata habang nanatili pa rin siyang nakatayo. He smiled, “It’s fine, ikaw naman ang nagluto kagabi eh.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD