45

1770 Words

HINDI MAIWASAN na alalahanin ni Eya ang mga pinag-usapan nilang dalawa ng kaibigan niyang si Joy habang kasalukuyan lang siya na nakaupo sa bus na sinasasakyan niya nang umaga na ‘yun. Papunta na kasi siya sa mansyon ng Halterson. Ilang oras pa naman ang biyahe niya kaya pinag-iisipan na rin niyang mabuti ang mga gagawin niya mamaya, lalo na at medyo nag dadalawang isip pa ng konti si Eya kung susundin niya ba talaga ang suhestiyon ng kaibigan. ‘Huh? Bakit ko naman gagawin ‘yon?’ hindi maiwasan na sambitin ni Eya ang mga kataga na ‘yun sa kaniyang kaibigan nang marinig niya na mula kay Joy ang unang plano nito. ‘Ano ka ba naman, susubukan mo lang naman eh. At saka kunwari lang naman, Eya.. hindi ka naman talaga makikipag-usap sa lalaki.’ Napakunot naman ang noo ni Eya ng dahil doon. Si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD