Naka higa ako sa kama habang binabalikan ang mga eksinang nangyari kanina. Bakit pa kailangan ni Ian na makipag komptensya kay Jc para lang makuha ang atensyo ko? pina asa nya lang ako na may nararamdaman pa s’ya sa akin. Pinaasa nya lang ako na mahal nya pa ako pero ng tanongin s’ya ni Jc kung kaya n’ya bang iwan si Sarbrena para sa akin ay hindi naman siya naka sagot. At halata sa kanyang mukha ang kanyang sagot sa tanong ni Jc sa kanya. Hindi n’ya na kailangang sabihin, sapat na ang pananahimik nya, para ipa hatid sa akin ang mensahi n’ya na hindi n’ya kayang ‘wan si Sabrena para sa akin. kanina, napatunayan ko kung gaaano n’ya ka mahal si Sabrena at kung gaano ka milya-milya ang lamang ni Sabrena sa akin sa puso ni Ian. At malinaw na malinaw sa akin na pinag lalaroan lang ni Ian ang

