Pag labas ko ng ospital ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng araw na ‘to. Isang napaka hirap at napaka challenging na araw na ‘to para sa akin. Napakahirap para sa akin ang harapin ang ‘sang pasyenting may kaparihong kwento at nag papaalala sa akin sa madilim kong naka raan na pilit ko nang ibinaon sa limot. Pero sa kabila ng sakit sa dibdib ay nandoon padin ang determinasyon ko, at ang kagustohang tulongan si Trixie para tuloyang mag hilom sa mapait nyang kinasasadlakan. Huminga ako ng malalim. “Kailangan ko nang umowi at para makapag pahinga. Habang papalapit ako sa parking lot ay napansin ko kaagad si Ian at si Jc na parihong nag hihintay sa akin. May mga hawak s’lang ice cream cones, na parihong chocolate flavor. Napangiti ako at naka ramdam ng kilig sa aking puso. Tama si Tita Annie

