‘’Good morning Doc. Charmaine!’’ masayang bati ni Doc. Jc sa akin ng makita akong nag lalakad sa hallway, “good morning!’’ masaya namang bati ko sa kanya at nginitian ko s’ya. “First day ko ngayon sa work, hinintay talaga kitang makita bago ako pumasok sa opisina ko para ma inspired ako na mag trabaho at para magawa ko ng mabuti ang mga resposibilidad ko dahil ikaw ang insperasyon ko.” Banat agad sa akin ni Doc. Jc na ngiting ngiti at halatang nag papa cute sa akin. ‘’Nako! Hindi mo na kailangan ng insperasyon doc. kayang kaya mo na yan, ikaw pa ba!’’ Agad na wika ko at bahagyang tinapik ang balikat ni Doc. Jc saka ngumiti at agad na nagpaalam sa kanya na pupunta mona ako ng opisina. Agad na akong nagpaalam kay Doc. Jc dahil gusto ko na agad na matapos ang usapan naming dalawa, hindi nama

