Chapter 7

1723 Words
“No, No! siguro kami yong sinasabi nilang pinag tagpo pero di tinadhana, kasi hindi talaga eh, well, amenado naman akong gwapo si Doc. Jc, matipuno din naman, matalino at galing din sa kilalang pamilya na katulad ni Ian. Pero wala talaga eh, wala talaga akong maramdamang kahit na kunting spark sa kanya, kay Ian lang talaga ang puso ko, at alam kong si Ian lang ang una at hulin itinitibok nito. Kaya naman gagawin ko ang lahat, mabawi lamang muli ang pag mamahal ni Ian. “Matapat na wika ko na agad naman nilang naunawaan. “At dahil dyan, tutulongan natin si Doc. Charmaine na mabawi ang puso ni Ian kaya naman girls, Operation Regaining Ian’s Heart!’’ Sabay-sabay pang wika ng mga kaibiga ko saka sabay sabay ding inalis ang mga kamay na ipinatong patong nila kanina at malakas na nag palakpalan. Naisip ni Doc. Sarah na dapat daw ay kasali ako sa planong ‘yon, kaya naman ipinatong niya ang kanang kamay ko sa mga nag patong patong na mga kamay nila at muli naming sinigaw ang “Operation Regaining Ian’s Heart saka muli kaming malakas na nagpalakpakan. Sobra akong nagpapasalamat sa suporta at pagmamahal na ibinibigay sa akin ng mga kaibigan ko, at dahil alam kong nandito lang sila lagi para suportaha ako ay mas lalong tumaas ang kompyansa ko na muli kong mababawi ang puso ng pinaka mamahal kong si Ian, sa tulong ng mga tapat kong kaibigan ay alam kong mapag tatagumpayan ko ang bagong misyon kong ito, ang bawiin muli ang pagmamahal ni Ian. Kinabukasan ay maaga akong gumising at nag handa hindi para pamunta ng trabaho kundi pupunta ako ng sementeryo para muling dalawin ang puntod ni Ate Shaira at ni Myla. Mag isa akong nag lakad patungo sa puntod ni Ate Shaira at ni Myla, dala dala ko ang bulaklak na paborito nila. Nakaramdam ako ng longkot at pangungulila ng maupo ako sa tabi ng puntod nila at inilapag ko ang mga bulaklak na dala ko. bahagya pa akong nag taka ng makita kong may mga bagong bulaklak na naka lagay sa tabi ng puntod nila, pero agad din akong napangiti ng maisip kong may ibang dumadalaw at nakaka alala sa mga kaibigan ko. “Hi Ate Shaira at Myla! Kumosta na kayo dyan sa langit? Siguro masaya kayo dyan na nag- aasarah ano?’’ masayang wika ko na tila ba kaharap ko lang sila at kausap. “Napaka dami kong kwento sa inyo, alam nyo ba, kumain kami sa restaurant kasama ang mga kaibigan natin, doon ko sila niyayang mag dinner dahil umaasa ako na makikita ko si Ian doon at para ma surprise ko s’ya na nandito na ko! At hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko si Ian doon! kaso ako ang na surpresa sa nakita ko eh, nakita ko kasi si Ian na may kasamang ibang babae, masaya silang nag haharotan at alam mo, hindi man lang niya ako napansin kahit pa nga halos magkasunod lang din ang table namin sa table nila. Dahil sa busy s’yang makipag lampungan sa babaeng kasama nya, sabi nga ni Jen ay mukha daw lentang hilaw, dahil grabe daw kung maka dikit kay Ian, saka hilaw dahil ang puti!” Natatawang kwento ko. “Pero para naman sakin ay para s’yang anemic na ahas! Eh, kasi naman ang puti-puti nya saka kung maka lingkis sya kay Ian ko, para talaga siyang ahas!’’ natatawang kwento ko. Pero alam mo, nong makita ko silang masaya at sweet na sweet sa isa’t isa ay para akong pinako sa kinauupoan ko. Nakalimotan ko nga ang mga sinabi ko noon na kapag nakita ko si Ian ay sasalubongin ko agad siya ng yakap at halik at wala akong pakialam kong my ibang taong makakita at kung may kasama siya. Pero iba pala talaga kapag actual na, kapag nakikita mo na ang mahal mong masaya at may kasamang iba. Ang sakit! Tagos na tagos sa puso ko ang sobrang sakit at tila para akong biglang naduwag at walang nagawa kundi panoorin sila na masayang nag lalampungan. Pero alam mo, kahit durog na durog ang puso ko ay pinilit kong hindi umiyak dahil hindi ko kayang ipakita kay Ian, lalo na sa kasama niyang babae na nadudurog ako habang nakikita ko silang masayang magkasma. Alam nyo, Ate Shaira at Myla kahit subrang nasaktan ako sa nakita kong ka sweetan ni Ian at ng babaeng kasama nya, ay may isang bahagi ng puso ko ang umaapoy sa determinasyon na ipag laban ang pag ibig namin ni Ian. Kaya hindi ako susuko Ate Shaira at Myla! Mahal ko parin si Ian, at gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Hindi ako papayag na basta na lang siyang mawawala sa buhay ko. Alam kong kaya ko siyang mahalin at pasayahin ulit. Ibabalik ko ang lahat ng nawala, ipinapangako ko sa inyo, at sa sarili ko na hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya muling nakukuha. Alam kong mahirap at hindi magiging madali ang lahat. Pero mas nananaig ang pagmamahal ko kay Ian kaysa sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Matapang at buong derterminasyon na wika ko. ”Pinunasan ko ang mga luhang nag landas sa mga mata ko at pilit na ngumiti. “Pangako ko sa inyo na tutuparin ko ang huling habilin nyo para sa akin. Magbabagong buhay ako at magiging tunay na masaya, at hinding hindi ko sasayangin ang mga sakrepisyong ginawa ninyo para sa akin,” wika ko saka ko pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko, saka ako tumayo at nagpaalam ng umalis kailanagan ko nang mag punta sa ospital para harapin ang mga trabahong nag hihintay sa akin. Taimtim akong pumikit at nag alay ng maikling dasal para sa mga kaibigan ko bago ako tuloyan ng nag lakad papalayo sa puntod ng mga kaibigan ko. Saglit kong nilingon ang puntod ng mga kaibigan ko at ngumiti, saka ko tuloyan ng pina andar ang sasakyan, at tuloyan ng umalis. Nang mapadaan ako sa mall ay naalala kong wala nga palang kahit anong makakain sa condo ko. Naalala ko din noong isang gabi ng nag bukas ako sa ref para sana mag hanap ng maiinom ay wala akong nakuha dahil walang laman ang ref ko, kaya naisipan ko na mag grocery ng kahit kunti. At dahil bukas na din naman ang grocery store ng mall ay agad na akong pumasok para mag grocery. Namili ako ng ilang pancit kantoon at ilang junkfoods at naisipan ko ding kumoha ng ilang flavored beer at sofdrinks para kahit papaano ay magka laman ang ref ko at may ma kokotkot ako sakaling hindi na naman ako maka tulog dahil sa kakaisip kay Ian. Huminga ako ng malalim ng maalala ko na naman ang gabing hirap akong makatulog dahil sa kakaisip kay Ian, at sa posibling ginagawa nila ng babaeng kasama nya. Naiiling na lamang ako na hinila ang cart ko papunta sa counter para bayaran ang pinamili ko. matapos kong mag bayad ay agad ko nang binitbit ang mga pinamili ko at lumabas na ng mall. Agad kong binoksan ang likod ng sasakyan ko para ilagay doon ang mga pinamili ko. saka ako mabilis na nag lakad para buksan ang pinto ng driver’s seat ng sasakyan ko at para agad na maka alis. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ko ay agad akong hinarang ng lalaking naka bonet, ipinatong niya ang isa niyang kamay sa bobong ng kotsi ko malapit sa pinto ng driver’s seat saka pasimpling itinotok ang dala niyang balisong sa tagiliran ko. “Wag kang sisigaw, at sundin mo lang ang sasabihin ko kung ayaw mong lagyan ko ng gripo yang tagiliran mo!’’ Bulong ng lalaking naka bonet sa akin. “Buksan mo ang pinto at ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan mo,’’ utos sa akin ng lalaki na agad ko namang sinonod. Binoksan ko ang pinto ng kotsi ko, at mabilis ko din iyong isinara ng malakas! Dahilan para maipit ang daliri ng lalaking naka bonet na nag tatanka sa akin ng masama. “Ahhhh! Aray! P*t*ang in* mong babae ka! Sigaw ng lalaki na minura pa ako sa subrang sakit na kanyang naramdaman dulot ng pagkaipit ng kanyang daliri at nabitiwan n’ya rin ang balisong na hawak niya, agad ko naman ‘yong sinamantala at mabilis kong hinila ang kanang kamay ng lalaki pa akbay sa akin saka ako mabilis na kumilis at bahagya kong idinikit ang likod ko sa kanyang harapan at malakas ko siyang siniko. ‘’Ahh!’’ sigaw ng nagulat at nasaktang lalaki pero hindi paman siya nakakabawi ay mabilis na akong umikot sa likoran niya. “haah!’’ malakas na sigaw ko kasabay ng pag dapo ng naka buka at naka tagilid kong palad sa batok ng lalaki. Hinang hina at halos wala ng lakas ang lalaki na pa dapang bumagsak sa lupa. Lumohod naman ako at itinokod ko ang isa kong tuhod sa likod ng noon ay halos wala ng malay na lalaki dulot ng pang bobogbog ko. Mabilis kong inalis ang bonet na naka takip sa kanyang mukha, hindi ko naman kilala ang lalaki kaya naisip kong mag nanakaw lang ito at ako ang napiling nakawan dahil sa ako palang naman ang nag lalakad palabas galing ng mall kaya ako ang napag disketahan niya, pero ‘yon nga lang, nagkamali sya ng nabiktima. Dahil imbes na makapag nakaw ay sa kulongan ang bagsak niya at bogbog sarado pa pa s’ya sa akin. Tinawag ko ang noon ay paparating na guardia ng mall at sinabihan kong siya na ang bahalang dumampot at mag repot sa mga pulis sa lalaking binogbog ko saka walang ano mang sumakay na ako ng kotsi ko at tuloyan ng umalis. Bago ako bumaba ng kotsi ay tiningnan ko mona ang itura ko sa salamin, ayokong magpakita sa mga kaibigan ko na magulo ang damit at ang buhok dahil sigurado akong mag tatanong ang mga ‘yon kung ano ang nangyari sa akin. ayaw ko din namang na malaman pa nila ang nangyaring pag tatangka sa akin ng magnanakaw na ‘yon dahil ayaw ko nang mag alala pa sila sa akin. Ng masiguro kong maayos na ang itsura ko ay agad na akong lumabas ng kotsi ko at tulad ng dati ay sinalubong at binati ako ng guardia na naka duty na agad ko namang nginitian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD