“Good afternoon po Doc. Jc! Mga kasama nyo po?’’ magalang na tanong ng isang babae kay Doc. Jc na sa tingin ko ay may mataas na posisyon dito, dahil bukod sa hindi naman siya naka suot ng uniform na pang waiter ay postorang postora rin ito. ‘’Ah, yes! Kasama ko sila, mga Nurse and doctors sila sa ospital kung saan nag ta trabaho dati si dad, and this is Doc. Charmaine, ang may ari ng ospital and this is Nurse Nora, Nurse Jen and Doc. Sarah and Doc. Bea, sya naman si Grace, manager siya dito,” masayang pagpapakilala ni Doc. Jc sa sa amin. Hello, po! Welcome po sa La Cocina Internatinal enjoy your meal po! Masayang bati ng babaeng ipinakilalang manager ni Doc. Jc saka sinamahan kami sa ViP room kung saan ang mga may ari o mga importanteng tao lamang ang nag oocupy doon. “Ay, ang bongga naman! Nasa VIP pa tayo!’’ bolalas ni Nurse Jen na napapapalakpak pa. “Nako, ang ganda naman ng restaurant na ‘to, at bagay na bagay ang pangalang La Cocina Internatinal dito, lakas maka sosyal!’’ Bolalas naman ni Doc. Bea na halata ang pagka mangha sa kanyang muka habang inililibot ang paningin sa paligid ng restaurant. “0o, Purong Espanyol kasi ang lolo ko, samantalang half Pilipino half Mexican naman ag lola ko, kaya ito ang ipinagalan nila sa restaurant na itinayo nila, ‘’Cocina’’ na salitang Espanyol, at International dahil kay lola na half Filipino at half Mexicano. Paliwanag ni Doc. Jc na tinawag ang waiter, para kunin ang order namin. “Ang ibig mong sabihin doc? Ikaw ang may ari ng sosyal na restaurant na ‘to?’’ nanglalaki ang mga matang tanong ni Nurse Jen. “No! Si mommy ang namamahala at ang may ari ng restaurant na ito hindi ako, “humble na wika ni Doc. Jc. “Ang bongga mo naman doc! big time ka pala! Nahiya tuloy ako sayo sa paraan ng pakikipag usap ko sayo kanina, napaka simple mo naman kasi at napaka humble, sorry po,” hinging paumanhin ni Nuse Jen na napapayoko.
“Oy, ano ka ba! Wala namang kaso yon eh! Saka like what I’ve said, ki mommy ang restaurant na ito hindi sa akin,’’ humble pading wika ni Doc. Jc at nakangiti namang tumango si Nurse Jen saka itinoro sa waiter ang order n’ya. Maya maya lang ay natahimik na kami at halos walang gustong mag salita sa amin dahil lahat kami ay busy sa pag lantak ng masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa namin. ‘’Sya nga pala, next week na ang ika 50th Golden Anniversary ng kasal nina mommy at daddy, aasahan ko kayo ahh! I belive napadalhan na kayong lahat ng invitation?’’ tanong ni Doc. Jc sa amin. Yes, po doc. ipinadala na sa amin ng secretary ng daddy mo ang invitation namin, noon pang nakaran araw,” pag ko confirm ni Doc Bea. “Great! Aasahan ko kayong lahat doon ah!’’ wika pa ni Doc. Jc na isa-isa kaming tiningnan at tumango naman kaming lahat. ‘’Grabe golden years! Sila talaga ang mga nag papatunay na true love still exist!’’ Na a amaze na wika ni Doc. Bea. Oo naman! totoo talaga ang pag-ibig at naniniwala akong ang bawat isa sa atin ay may itinadhana para sa atin,” seryosong wika ni Doc. Jc na naka tingin sa akin. Naiilang naman akong itinoon na lamang ang atensyon ko sa masarap na pagkain sa harap ko.
‘’Doc. Charmine, paki tirentas naman ng buhok mo, ang haba eh! Sana all na lang talaga ako!’’ wika ni Nurse Jen sa akin habang kunwari ay sinusoklay ang buhok ko mula sa ibaba. “Ito talaga si Jen kung ano-ano nalang ang naiisip! Ano na naman ba ang trip mo?’’ natatawang tanong ko sa kanya na napapa iling -iling. “Ay Doc. hindi mo napansin? Manhid yarn? Iba kaya ang mga tingin ni Doc. Jc sayo, halatang may pagtingin. Akala ko nga noong una ay si Doc. Bea ang bet niya kasi special mention kanina si Doc. Bea noong nag invite sya ng lunch. Pero kanina, habang sinasabi nya ang mga katagang, “naniniwala akong may naka tadhana para sa atin.” Tapos naka tingin sya sayo, ang lagkit, ay pak na pak! Confirm! Bet ka ni Doc. Jc may pagtingin sya sayo girl! Sana all! Pinag aagawan ng equally handsome, smart, rich, and yummy guy! Sana all nalang talaga ako! how to be you po Doc. Charmaine?!’’ Malanding pang wika ni Nurse Jen na pinipigil ang pag tili.
“Ako kasi ang nakausap ni Doc. Jc noong una syag pumonta dito, kasi nga diba, ako ang pansamantalang humalili dito kay Doc. Charmaine habang wala siya, kaya kilala nya ako at alam nya rin na kaibigan ako ni Doc. Charmaine, kaya hinanap nya ako kanina, paliwanag pa ni Doc. Bea. “Oy, defensive! Bet mo si Doc. Jc no?’’ panonokso ni Nurse Jen kay Doc. Bea. “Oy, hindi ah! Sinasabi ko lang naman ang totoo, saka diba nga si Doc. Charmaine ang bet nya?!’’ Namumulang tangi ni Doc. Bea sa sinabi ni Nurse Jen. “0y, Oy! Tigilan mo nga sa pang aasar si Doc. Bea, kita mo nang pulang pula na ang tao, oh! Mamaya hindi yan pumasok bukas madami pa naman yang pasyenteng inaasikaso, pag si Doc. Bea hindi pumasok bukas ikaw ang mag aalaga sa mga pasyente nya!’’Pananakot pa ni Doc. Sarah kay Nurse Jen na hindi naman mukhag galit mas nag tunog pa ngang nang aasar. “Ay, serry po Doc. Sarah, gusto ko lang nemen po na magka lovelife na ‘tong si Doc. Bea para naman makaranas na ng dilig at para hindi na laging nagba blush sa mga usapang [SPG] wika pa ni Nurse Jen na inaasar padin ang lalong namomolang si Doc. Bea. “Hay, nako Doc. Bea, mag jowa ka na rin kasi, para maranasan mo na din ang madiligan! Masyarap kaya! Mas masarap pa sa chocolate, promise!’’ masayang wika ni Doc. Sarah saka nag aper sila ni Nurse Jen at malanding nagtawanan. “Doc. ohh!’’ Wika ni Doc. Bea na parang bata na nagsusumbong at nagpapasaklolo sa akin. “Haynako, tigilan nyo na nga si Doc. Bea! Kayo talaga, porki’t si Doc. Bea ang pinaka mahinhin at pinaka mabait sa atin ay palagi nyo nlang inaasar!’’ saway ko naman sa dalawa. “Aheheeh… akala ko Doc. Sasabihin mo na porket si Doc. Bea lang ang virgin sa grupo natin hehehe buti na lang at hindi, dahil sigurado akong mag re react si Nora,” umaagiik na wika ni Nurse Jen saka muling nakipag aper kay Doc. Sarah. “Hoy! Bakit nadamay ako dyan? Nananahimik ako dito dinamay nyo na naman ako!’’ reklamo ni Nurse Nora na nakasimangot na naka tingin sa nagtatawanang sina Doc. Sarah at Nurse Jen. “Syempre naman, one for all, all for ane tayo dito eh! Walang makaka ligtas sa usapan at pang aasar!’’ wika pa ni Nurse Jen na tawang tawa. “0o, naman! Lalo na sa usapang asaran at usapang [SPG] aba’y siguradong gisang gisa kayo sa amin, diba Jen?’’ nakangising wika ni Doc. Sarah na agad namang sinang ayonan ng kasabawat nya sa pang aasar na si Nurse Jen, saka sila muling nagtawanan.
“Pero maiba ako Doc. Ayaw mo ba talaga kay Doc. Jc? I mean mukha namang mabait at humble si Doc. Jc saka gwapo, macho at matalino din naman sya, at sigurado akong kasing yaman din nya si Ian. Maya maya ay seryosong tanong ni Nurse Nora sa akin. “Haayyyy, kahit gaano pa kadaming macho, gwapo, matalino, at mayamag lalaki ang iharap nyo sa akin ay bukod tangi padin si Ian sa kanilang lahat dahil si Ian lang ang nilalaman nito.” Wika ko na itinoro ang puso ko. “Pero, doc. Swak naman kayo diba? nakita ko kayo kanina na masayang nag tatawanan. Saka napansin ko din na komportable na kayo sa isat-isa. baka naman malay mo, madevelop ang feelings mo para kay Doc. Jc? At tuloyan mo nang makalimotan si Ian, “alam mo kasi doc. nakita po namin kung gaano ka nasaktan ng makita mong may kasamang ibang babae si Ian sa restaurant kahapon, hindi lang po kami nagpahalata dahil ayaw ka na naming lalo pang masaktan. Kasi kapag nakikita ka naming nalolongkot at nasasaktan, ay nasasaktan din kaming mga kaibigan mo para sayo. We know you’ve been through a lot, Doc. And we’re happy to see the spark in your eyes, and we are happy for you, knowing that you have healed from past struggles. That’s why we don’t want to see light fade from your eyes again.” Madamdaming wika ni Doc. Bea sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sumonod naman ang iba ko pang kaibigan na yumakap din sa akin, maya maya ay napuno na ng emosyon ang apat na sulok ng opisina ko. “mag I speech din sana ako kaya lang hindi ko kayang tapatan ang sinabi ni Doc. Bea, English kasi eh, napaka haba pa, saka ganon din naman ang gusto naming sabihin sayo na nandito lang kami para sayo. “Wika ni Nurse Jen na dagli naming ikinatawa. “0h, ikaw naman Doc. Sarah, ikaw na lang ang representative ko! Nosebleed ako sa english ni Doc. Bea eh,” utos pa ni Nurse Jen kay Doc. Sarah nag papahid din ng luha. “Alam mo naman Doc. Charmaine, na we always here for you, and…. Nasabi na ni Doc. Bea ang gusto nating sabihin tama na yon, mas lalo akog naluluha sa English kaysa sa drama natin eh!’’ bero pa ni Doc. Sarah na nagpupunas padin ng luha. Na ikinatawa naming lahat.
“Pero seryos, guys! I am so lucky to have you all in my life. Maaring naging masalimoot ang nakaraan ko, at hindi ako sinuwerte noong bata pa ako, pero napaka swerte ko na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nyo na laging maasahan. Thank you so much guys, for always being there when I needed you. I am so greatful because you never left me. I am so lucky to have a friends like you all. I love you all so much! Madamdamin ding wika ko. “huhuhu! subra na talaga akong naiiyak sa englisan ninyo, alam naman nating lahat na blessed tayo sa friendship natin, pero pwede ba wala na lang tayong englisan? Kasi nag no nosebleed na ako eh!’’ reklamo pa ni Nurse Jen na pinupunasan ang ilong. “Iwan ko sayo Jen! Panira ka ng usapan eh!’’ natatawa namag wika ni Doc. Bea na nagpapahid din ng mga luha sa kanyang mga mata. “Pero doc. balik tayo sa Maritesan session, napansin ko din na masyado nga kayong kompotable ni Doc. Jc sa isa’t isa at para sa akin nararamdaman kong may spark sa inyong dalawa. “Baling ni Doc. Sarah sa akin na muling bumalik sa usapan tongkol kay Doc. Jc.
“magka klase kasi kami ni Doc. Jc sa meds school sa US and somehow, naging magkaibigan kami, well, hindi naman kami sobrang close, nag uusap lang kami paminsan minsan kapag nagkikita kami, saka mensan niyaya nya akong kumain sa labas na madalas ko namang tangihan dahil nga sa subrang busy ko, ang totoo nga nyan eh, ngayon ko lang nalaman na anak pala siya ni Doc. James at ni Doc. Annie, at ngayon nya lang din nalaman na ako ang CEO ng Ospital na ito kung saan nag ta trabaho, at share holder ang daddy nya. Nagkatawanan din kami ng malaman naming pariho na pariho pala kaming kinukulit ng parents nya na ipa kilala kami sa isa’t isa na hindi nila alam na matagal na pala kaming magkakilala, nagkasabay pa kami ng sabihin ‘yon kaya nagkatawanan kaming dalawa, at ‘yon marahil ang nakita nyo,” mahabang kwento ko sa kanila. Ahhhh,,,, that thing called tadhana, in short… ‘’Disteny!’’ sabay- sabay pang sigaw ng mga kaibiga ko na kapwa kilig na kilig.