Madaling araw na ng sa wakas ay makatulog ako kaya tanghali na akong nagising. Mabilis akong kumilos at nag handa para sa pag pasok ko sa ospital, matapos maligo at mag suklay ay agad na akong sumakay sa kotsi ko para pumonta sa trabaho, hindi na ako nag abala pang mag pulbos man lang dahil wala naman akong papagandahan sa ospital, kay Ian lang naman ako nagpapaganda dahil sa kanya lang ako at wala na akong iba pang pagpapagandahan. Saka napangiti ako ng maalala ko ang huli naming pag niniig, maint at punong puno ng pag mamahal. At bago nya ibinaon ang kanyang nag huhumindig na pagka l@l@ki ay inutosan nya muna akong sabihin at ipangako sa kanya na sa kanya lang ang katawan ko at s’ya lang ang huling lalaking hahaplos at hahalik sa akin, na sya namang tinupad ko, sa dalawang taon na lumayo ako sa kanya ay ni minsan ay hindi ako nag intertain ng ibang lalaki kahit pa nga napakadaming lalaking nag tangkang makuha ang puso ko ay ni kaunti ay hindi ako nagakainterest sa kanila dahil si Ian lang talaga ang una at huling lalaking mamahalin ko.
Bumontong hininga ako at maingat na ipinark ang kotsi ko sa spasyong naka laan para talaga sa kosti ko, saka ako mabilis na bumaba. Magalang naman akong sinalubong at binati ng guardia na naka duty, na agad ko namang nginitian bilang tugon sa pagbati niya sa akin.
Pagpasok ko sa ospital, ay agad kong napansin si Doc. Bea na may kausap na doctor. Nang makita n’ya ako, ay agad n’ya akong nginitian at lumapit siya kasama ang kanyang kusap. “Doc. Charmine, bati ni Doc. Bea sa akin. “Ipinakikilala ko po si Dr. John Carl Mendoza, Doc. Jc, ito po si Doc. Charaine Arcania, ang may ari nitong ospital.’’ Magiliw na wika ni Doc. Bea.
Agad namang ngumiti ang lalaking doctor at iniabot ang kanyang kamay. “Doc. Charmaine! What a coincidence! Ikaw pala ang ma-ari ng ospital na ito,’’ masayang bati niya sa akin. “Buti nalang at pumayag ako sa offer ni dad. Anyway, nandito pala ako para humalili sa posisyong iniwan ni daddy. Naikwento na siguro ni Doc. Bea sa’yo.” Masayang wika niya saka nakangiting sinulyapan ang kaibigan ko. Ngumiti ako pabalik at kinamayan siya. “0o, nabanggit ka na nya sa akin. Welcome, sa Golden Heart Hospital Dr. Mendoza sigurado akong magiging mahusay ka din sa posisyong ito katulad ng tatay mo. nakangiting wika ko sa kanya.
‘’Ah, doctors, excuse me lang po, magpapaalam po akong aalis na mona, at may kailangan po akong asikasohin na mga pasyente,” magalang na paalam sa amin ni Doc. Bea. Na agad naman akong tumango at nagpasalamat sa kanya, naiwan kami ni Doc. Medoza na naka tayo sa hallway. “Ah, Doc. Mendoza, doon muna tayo sa opisina ko para makapag usap tayo ng maayos para sa posisyong iniwan sayo ni Doc. Jame Mendoza, ng daddy mo. “Nakangiting paanyaya ko na agad naman niyang pinaunlakan. “Napaka pormal mo naman doc. pwede mo naman akong tawagin Jc na lang, para naman tayong hindi magkaibigan at mag ka- klase sa meds school,” natatawang wika niya sa akin. “Ikaw ang bahala Jc, at Charmaine nalang din ang itawag mo sa akin para hindi masyadong pormal at hindi nakakailang,” nakangiti namang wika ko sa kanya. “Okay, noted po Charmaine,” masaya naman niyang wika na ikinatawa naming dalawa.
Matagal ng share holder ng Goldern Heart hospital ang ama ni Jc na si Doc. Mendoza, at siya rin ang aming medical Director ng ospital, siya ang nangunguna sa sa pamamahala ng medikal na operasyon ng ospital at tinitiyak na sumosunod ang lahat sa mga pamantayang medikal. Mabait na doctor si Doc. James, o Tito James, tito kasi ang tawag ko sa kany kapag wala kami sa trabaho. Magaling din siyang doctor at talaga namang nagagampanan niya ng maayos ang tungkolin niya bilang doctok at bilang Medical director ng ospital kaya isa ako sa mga nalongkot ng malaman kong nag retero na siya pero lubos ko naman siyang naiintindihan dahil may edad na din nama siya at kailangan na niyang magkaroon ng sapat na pahinga. Kaya natuwa ako ng malaman ko na ang anak niya ang ipinadala niya upang humalili sa posisyong iniwan niya. Ang totoo ay hindi ko alam na anak pala ni Tito James si Jc, hindi naman kasi nasabi ni Jc sa akin ang pangalan ng kanyang mga magulang. Ang alam ko lang ay kapwa doctor din ang kanyang mga magulag kaya kumoha din siya ng kursong medicine dahil naimplowesyahan siya ng kanyang mga magulang na ini idolo din niya. sabagay, hindi nya nga din alam na ako ang bagong nag mamay-ari at CEO ng Ospital kung saan nag ta trabaho ang kanyang ama, dahil hindi din naman kami masyadong nagkakausap noong nag-aaral kami sa meds school dahil nga sa subrang busy at madugo talaga ang pag aaral ng medicina plus nag-aaral pa ako ng karate at self defense at nagpaka bihasa din ako sa pag gamit ng make-up para mabago ang sarili gamit ang make-up para sa pag hahanda sa pag hihiganti ko noon kaya wala talaga akong time na mag hang out at makipag socialized. Sa skwelahan lang kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag usap at makapag kwentuhan na subrang dalang pa dahil sa madalas akong nasa library nag aaral at dahil madalas kong gustong mapag isa at ayoko ng kausap kaya sa library lagi ang punt ko para walang maka storbo sa akin.
‘’Kumosta na pala si tito?’’ tanong ko habang nag lalakad kami pa punta ng opisina ko. “Si Doc. James, tito kasi ang tawag ko sa kanya, kapag wala sa trabaho,” paliwanag ko sa kanya na agad naman siyag tumango tango. “Okay naman, madalas nga niyang I kwento sa akin noon na maganda at mabait daw ang bagong nag mamay ari ng ospital, lagi nya pang sina sabi na sa akin na dalaga pa daw ang bagong may ari ng ospital na ‘to at kung sigurado daw akong mabibighani ako sa angking ganda at kabaitan ng bagong may ari ng ospital na ‘to, na hindi ko naman pinapansin dati, lagi kong sinasabi sa kanya na hindi ako interesado, hindi ko naman alam na ikaw pala ang tinotokoy ni dad!’’ masayang kwento ni Jc sa akin. “Si tito talaga, madalas ka din niyang I kwento sa akin, lagi nyang sinasabi na gusto nya daw akong ipakilala sayo kaya lang daw ay nasa U.S ka daw at tila parang ayaw mo nang umowi. Sabi nga sa akin ni tita, ng mommy mo, na gusto nya din daw na ikaw na ang mamahala ng business ninyo kaso parang nawiwili ka daw sa US sabi pa nga ni tita sa akin kapag daw umowi ka dito sa Pinas ay isasama ka kaagad niya dito, hindi ko din alam na ikaw pala ang tinutokoy nilang anak nila,” masaya namang kwento ko sa kanya. “Nakakatuwa naman no! lagi nilang sinasabi na ipapakilala nila tayo, pero hindi nila alam, na ‘’matagal na pala tayong maka kilala!’’ sabay pa naming wika saka kami nagkatawanan.
Well, mybe it’s destiny, na magkakilala at magka close kayo ng parents ko at…” Nako, oo nga pala, mabuti pa kaya samahan muna kita sa opisina ng daddy mo na magigig opisina mo na din ngayon, at magpapatawag din ako ng meeting mamaya para pormal na ipakilala kita sa ibang board members at sa mga staff bilang anak ni Doc. James at hahalili sa posisyon nya. Sorry ah, tanghali na ako naka rating. Nawala kasi sa isip ko ito eh,” pasensya na,” hinging paumanhin ko na sadyang iniba ang usapan. Noon pa man ay ramdam ko na, na may special na pag tingin sa akin si Jc ramdam ko ‘yo sa mga efforts niyang gingawa sa tuwing magkikita kami, at para kahit papaano ay makapag usap kami. Mabait naman si Jc, gwapo, mayaman at matipono din ang pangangatawan kaya nga lang eh, kay Ian na talaga ang puso ko.
Napansin ko naman na napapakamot sa ulo si Jc na tumango na lang at sumonod sa akin, ang mga sumonod na sandali ay naging busy na ako sa pag to tour sa kanya at sa pagpapakilala sa mga staff at sa ibag pasyenteng nakakausap namin bilang ang bagong Medical Director ng ospital na ‘to.
“Doc. Saan ka mag la lunch?! Tara, sabay na tayo!’’ wika ‘yon ng giting ngiting si Nurse Jen. Tinignan ko ang oras at nagulat ako ng mapag tanto kong mag aalas dosi na pala, nako! Ang bilis ng oras tangahlian na pala, kaya pala gutom na ako, bulalas ko na bahagya pang hinimas ang tiyan ko. “Oo, nga pala, ang bilis naman ng oras! Tara luch tayo, may alam akong bagong bukas na restaurant na masarap at siguradong magugustohan nyo!’’ masayang paanyaya ni Jc sa amin. “Oy, libre’ng lunch? Kasama po ba ako dyan sa imbetasyon nyo doc? by the way, ako po si Nora, isa po sa mga nurse dito, at isa sa mga bestfriend ni Doc. Charmaine, qualified na po ba akong makasama sa pa free luch mo doc? maarting wika ni Norse Nora na nagpa twinkle twinkle pa ng mga mata.” Nako, napaka patay gutom talaga ng babaeng ‘to, ang kapal ng mukha!’’ nakasimgaot na wika ni Nurse Jen. Eh bakit ba? Hindi naman ikaw ang mangle libre eh!’’ mataray namang wika ni Nurse Nora kay Nurse Jen.” Nako, pagpasensyahan nyo nalang ‘tong kaibigan ko Doc. Jc ah, ganyan talaga yan mag bangyan!’’ natatawa namang wika ko at sinaway ko silang dalawa. “Nako, no problem! Nakakatuwa nga kayong pag masdan at sigurado akong masaya din kayong kausap, at syempre, oo naman! Kasama kayo sa imbetasyon ko, saka nasan pala si Doc. Bea? At ang iba mo pang kaibigan Cha? Para isama na di natin.” Masayang wika ni Jc. Sandal po doc. at tatawagin ko si Doc. Bea na special mention nyo!’’ kinikilig na wika ni Nurse Jen. At tatawagin ko din si Doc. Sarah,” masaya namang paalam ni Nurse Nora sa amin. Napapailing iling naman ako habang tinatanaw ang dalawa. Maya maya ay dumating na sina Nurse Jen at Nora kasama sina Doc. Sarah at si Doc. Bea, at dahil kompleto naman na kami ay agad na kaming umalis. Sumakay kami sa sasakyan ni Doc. Jc at dahil malowag naman ‘yon ay kasyang kasya kaming lahat. Umopo ako sa unahan, habang masaya namang nag haharotan ang mga kaibigan ko sa likod ng sasakyan ni Doc. Jc.
Dinala kami ni Doc. Jc sa bagong bukas na restaurant na pinag pinag pa planohan naming puntahan. “Wow! Napaka sosyal naman ng restaurant na ito, parang nakakahiya namang dito mo kami dinala doc. Jc ang dami pa naman namin nako parang ang mamahal ng pagkain dito, lumipat nalang kaya tayo ng restaurant na makakainan!’’ bulalas ni Nurse Nora ng makapasok sa maganda at mukhang mamahaling restaurant. “Kaya wag mong masyadong dadamihan ang order mo, matakaw ka pa naman!’’ bulong ni Nurse Jen kay Nurse Nora na narinig din naman namin. “don’t worry, order all the food you like. It’s on me!’’ masayang wika ni Doc. Jc para tanggalin ang pag aalinlagan ni Nurse Nora.