Hindi nag tagal ay dumating na si Ian na naka simangot at salubong ang mga kilay, ka sunod niya ang photographer na kukuha ng picture namin. “Okay, 1..2…3… smile!” wika ng photographer saka naramdaman naming ang pag flash ng camera sa amin. “Isa pa, wika ng photographer na tila hindi na satisfied ng tiningnan ang larawang nakuha. “Oy isa pa daw! Doc. Jc ang Doc. Charmaine. Usog usog pa kayo sa isa’t-isa, dikit pa kayo!’’ utos ni Nurse Jen sa amin na agad naman naming ginawa, hinawakan ni Jc ang baywang ko para magka dikit pa kaming lalo. “Ah Sir, smile naman po kayo dyan, para maganda po ang picture para naka smile ang lahat. “Utos ng photographer na naka tingin kay Ian. ‘’Napatingin naman kaming lahat kay Ian na noon ay naka simangot padin at halos mag dikit na ang mga kilay sa pagkaka

