Maaliwalas ang kapaligiran at malinis ang langit at walang indekasyon na uulan. Ang alon ng dagat ay marahang humahampas sa puting buhangin ng pribadong beach resort. Kung saan isinasagawa ang celebrasyon ng ika 50th golden anniversary ni Doc. James at Doc. Annie. Punong puno ng dekorasyon – mga gintong lubo, bulaklak, at mga ilaw na naka sabit sa paligid. Sa gitna ng beach, ay may isang malaking pavilion na gawa sa puting tela, nag po protekta sa mga bisita mula sa sikat ng araw. Ang mga mesa at upoan ay naka balot ng eleganteng puting tela na may gintong detalye. Sa gitna, ay mayroong isang mahabang mesa na punong-puno ng masasarap na pagkain – mga seafoods, platter, sari-saring prutas, at mga espesyal na handa mula sa isang kilalang chef. “Wow! Ang bongga naman dito!” bulalas ni Nur

