Umowi muna ako ng bahay para mag bihis at syempre para mgpaganda. Para syempre, kapag nakita ako ni Ian ay mabibighaning muli siya sa kadandahan at ka sexyhan ko. Nagkasundo kami ng mga kaibigan ko na doon nalang kami magkikita sa restaurant ni Ian, kung saan kami kakain.
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa maliit na salaming hawak ko, at napangiti ako ng makita ko ng itsura ko, bagaman light make-up lang naman ang inilagay ko sa aking mukha ay lutang na lutang naman ang likas kong angking kagandahan, hindi naman sa pag mamayabang at sa pag tutulak ng bangko, pero talaga namang maganda ako at maraming nagsasabi sa akin na para daw espanyola ang beauty ko. “Humanda ka Ian, dahil sigurado akong muli kang mai inlove sa akin. wika ko na malanding hinalikan ang salaming hawak ko, bago ko ‘yon ibinalik sa bag ko.
“Nandito na kami doc.” text iyon ni Doc. Bea para ipa alam sa akin na nandoon na sila sa restaurant. ‘’Okay, papunta na ako dyan,” wika ko na agad na bumaba sa kotsi ko, ang totoo ay kanina pa ako sa parking lot habang naghihintay sa mga kaibigan ko. Naka suot ako ng puting bestida na below the knee ang haba, simple lamang iyon pero eleganteng tingnang flowy din ang tela kaya bumakat sa aking katawan dahilan para ma emphasized ang maganda at sexy kong katawan. Marahan akong naglakad papasok ng restaurant saka sandali akong tumigil at nilinga-linga ang paningin ko na kunwari ay hinahanap ko ang mga kaibigan ko, pero ang totoo ay nakita ko na kung saan naka pwesto ang mga kaibigan ko bago pa ako pumasok ng restaurant. Sinadya ko talagang tumigil sa may entrance ng restaurant ni Ian na kunwari ay may hinahanap dahil alam kong doon ang perfect spot para makita ako ni Ian kung nandoon siya sa loob. Alam ko iyon dahil sinabi ‘yon ni Ian noong nisopresa nya ako ng date dito, mula sa kanyang opisina at sa kusina kung saan iniloloto at inihahanda ang pagkain ay makikita kung sino ang pumapasok sa restaurant niya. kaya naman syempre doon ako pumowesto para makita ni Ian kung gaano ako kaganda at ka sexy. Lihim naman akong napangiti ng mapansin kong napapalingon ang mga kalalakihan na kumakain doon sa akin.
“Huh! Sigurado akong hindi makakapigil si Ian na hindi ako puntahan sa ganda ba naman at sa sexy kong ito! Huh! Iwan ko nalang kung makaya nyang I resist ang alindog ko!” Confident na wika ko sa aking sarili saka pakinding kinding akong nag lakad para puntahan ang table kung saan nandoon ang mga kaibigan ko.
“Bakit ba ayaw mong kunin ang orders ko?! costumer din ako dito diba?!’’ Narinig kong wika ni Nurse Jen na halatang galit na galit sa kausap na waiter habang tila parang natutuwa naman ang iba ko pang kaibigan na pinag mamasdan lang ang galit na galit naming kaibigan. “Ma’am, hindi ko naman po sinasabing hindi kayo costumer dito, tinatawag nga kitang ‘’ma’am’’ saka pino ‘’Po’’ pa kita, kahit labag na labag sa kalooban ko eh! Ang sinasabi ko po, magtatawag na lang ako ng ibang waiter para kunin ang order nyo, ang simple-simple lang naman ng sinasabi ko hindi mo pa naintindihan? Ang slow mo naman po ma’am!’’ Narinig kong sagot ng waiter kay Nurse Jen, mag sasalita na sana ako para sawayin ang waiter dahil sa pang babastos n’ya sa kaibigan ko pero pasemple akong sininyasan ni Doc. Bea at Doc. Sarah na hayaan ko lang sila, na sya namang ginawa ko.
“Anong sinabi mo? sinong slow ah?! Saka bakit ba ayaw mong kunin ang order ko? eh, diba nga waiter ka lang dito? Taga silbi!’’ galit na galit na wika ni Nurse Jen na bahagya nang tumaas ang tinig. “Ma’am, tatawag na lang po, ako ng waiter para kunin ang orders mo dahil ayokong pagsilbihan kita at ayokong kunin ang orders mo! Saka hindi lang po ako dito waiter lang, bestfriend ko po ang may ari ng restaurant na ito kaya may karapatan akong mamili kung sino ang costumer na pagsisilbihan ko at hindi, at ayaw kitang pagsilbihan MA’AM!’’ mariing wika ng waiter kay Nurse Jen. ‘’Aba’t!” bastos ka talagang lalaki ka!’’ Galit na wika ni Nurse Jen na akmang sasampalin ang witer. “Ahem! Ahem!’’ wika ko para kunin ang attesyon ng waiter.
“Ay, Doc. Charmaine! Ikaw po pala yan, nandito na po pala kayo, Kaylan pa po kayo umowi?’’ Magalang na tanong sa akin ni Paulo. ‘’Kahapon lang, ikaw pala yan, kumosta ka na?’’ masayang tanong ko kay Paulo. “Okay lang naman po ako Doc. Sya nga pala, may I have your order please?’’ masayang wika ni Paulo sa akin. “Naks! Ibang iba na tayo ngayon ah!’’ masayang bati ko sa kanya, hindi naman po doc. paminsan minsan, nag we waiter ako kapag wala kaming lakad ni boss pare, para naman may magawa ako.” Oh, sya nga pala, kumosta na si Ian?’’ Agad na tanong ko ng mabanggit ni Paulo ang pangalan ni Ian syempre grab the opportunity agad ako para maka kuha ng kahit anong impormsyon tongkol kay Ian. “Okay lang naman po, busy sa trabaho, ah, pwede ko na po bang kunin ang order nyo doc?’’ muling tanong ni Paulo na tila ba iniiba ang usapan. Itinuro ko ang pagkaing order ko kay Paulo na agad naman niyang isinulat. “Ah, Paulo, nandyan ba si Ian?’’ nakangiting tanong ko sa kanya. “Ah, hindi ko po alam doc. eh, baka po umowi na, sige po, ihahanda ko lang po ang orders nyo,” wika ni Paulo at nagmamadali nang umalis. Naiwan naman akong pilit na ngumiti para itago ang dissapoinment na nararamdaman ko. Samantalang nakasimangot naman si Nurse Jen na ibinigay ang order niyang pagkain sa isang waiter na pinapunta ni Paulo para kunin ang order niya.
Okay lang, kahit hindi kami magkita ngayon ni Ian sisiguraduhin ko naman na babalik balik ako dito, pasasaan ba’t magkikita din kami ni Ian at kapag nakita nya ako, sisiguraduhin kong muli syang mabibighani sa kaganahan ko at ka sexyhan ko at hind na sya makakapigil na lapitan ako at angkinin muli, sa isiping iyon ay napangiti ako at agad na bumalik ang mga ngiti ko.
Masaya na kaming nag ku kwentuhan habang kumakain, paminsan minsan ay pa semple padin akong lumilingon lingon at nagbabakasakaling makikita ko si Ian doon.
Maya-maya nga ay hindi ako nagkamali ng sa wakas ay nakita ko si Ian na naglalakad at tila papalapit siya sa table na malapit sa amin, umayos ako ng upo at bahagyang iniliyad ang dibdib ko dahilan para mas lalong ma emphasize ang ganda ng hubog ng katawan ko kahit naka upo ako. “Sinasabi ko na nga ba at hindi ka makakatiis at lalapitan mo din ako eh!’’ nakangiting bulong ko sa sarili saka hindi nagpapahalata na isinobo ko ang kaning may ulam samantalang tinitingnan ko sa gilid ng mata ko kung nasaan na si Ian.
Maya-maya ay napakunot noo ako ng hindi naman pumonta si Ian sa table namin, hindi ako naka tiis at mabilis kong nilinga-linga ang mga mata ko para hanapin si Ian. Nakita ko syang mag isang naka upo sa isang lamesang hindi kalayoan sa amin, nakangiti akong tumayo para sana puntahan si Ian ngunit agad din akong napa atras ng makita ko ang isang maganda at sexy’ng babaeng lumapit kay Ian, at agad akong natigilan at tila parang napako ako sa kinatatayoan ko ng makita kong hinalikan ng babae si Ian sa kanyang mga labi habang ang mga kamay naman ni Ian ay nakapulopot sa baywang ng babaeng humalik sa kanya. Hindi ko na kailanagan pang mag tanong o manghula sa kung kaano ano nya ang babaeng iyon dahil base sa kanilang itsura ay sigurado akong may relasyon silang dalawa. Bumalik ako sa kinauupoan ko at palihim ko silang pinagmamasdan. Tila napaka saya nila habang nag uusap. Ang mga ngiti sa kanilang mga labi, ang mga tingin na punong -puno ng pagmamahal at pag-aalaga___ para bang mga eksena sa aming naka raan. Napako ang tingin ko sa kanila, at hindi ko mapigilang maalala ang aming mga alaala. Ang mga araw na masaya kaming magkasama, ang mga gabing magkatabi kami, at ang mga pangarap na binalangkas namin para sa aming dalawa. Ngunit ngayon, narito siya kasama ang ibang babae, ang mga halakhak na dati ay pinagsasaluhan namin noon, ngayon ay para na sa ibang babae.
“Ganyan din kami noon, ganyan ganyan din ako alagaaan ni Ian noon!’’ wika ko sa sarili habang palihim padin silang pinagmamasdan at parang may tumotosok sa dibdib ko, marahan kong tinosok gamit ang tinidor ang isang hiwa ng porksteack sa plato ko at wala sa sariling pina ikot ikot iyon.
“Doctora, okay ka lang?’’ Tanong sa akin ni Doc. Bea at marahang hinawakan ang kamay ko na agad namang naka pag balik sa kamalayan ko. “Huh, o-oo, o-okay lang ako,’’ agad na wika ko saka iniangat ang tinidor na hawak ko, at bahagya pa akong nagulat ng makita kong nagka gutay gutay na pala ang karning tinosok ko gamit ang tinidor na hawak ko.
Sinubokan kong magpaka tatag at mag konwaring hindi apiktado sa presensya ni Ian at sa babaeng kasama niya dahil ayaw kong mapansin iyon ng mga kaibigan ko at baka mag yaya ng umowi ang mga ito, matagal kaming hindi nagkita ng mga kaibigan ko, at ayokong masira ang masaya naming bonding dahil sa presensya nila Ian. Naisipan kong kunin ang cellphone ko sa bag at nag konwaring may tinitingnan upang hindi mahalata ang aking lungkot, nagpatuloy ako sa masayang pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko para itaboy ang nararamdaman kong longkot. Pero hindi ko padin mapigilan ang sarili kong mapadako ang tingin sa noon ay nag bubulongan, nagsusuboan at masayang nagtatawanan at tila walang pakialam sa paligid ay lalo lamang akong nakakaramdam ng pagkainis at kirot sa dibdib at hindi ko alam kung alin ang mas masakit- ang makita silang masaya, o ang malamang naka move on na si Ian sa akin o ang katotohanang ang dating masaya naming mundo ay bahagi na lang ng kanyang nakaraan.
Dumating na ang inorder naming dessert pero nawalan na ako ng ganang kumain kaya nilaro laro ko nalang ng kotsara ang pagkain ko dahil pakiramdam ko ay nawalan na ng lasa ang mga pagkaing nasa harap ko. napabontong hininga ako para alisin ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko, kahit anong pilit kung pigilan ang sarili kong wag tumingin sa kinaroroonan nila Ian ay hindi ko padin magawa, dahil kahit anong pigil ko ay parang may sariling pag iisip ang ulo ko na kusang lumilingon sa kinaroroonan ni Ian at ng babaeng ka date niya na dahilan para lalo akong masaktan dahil sa a sweetan ng dalawa. “Sos! Di hamak naman na mas maganda ako sa babaeng kasama niya no! subra lang reveling ang soot nyang damit kaya sya sexyn tingnan, pero kung simple lang ang soot nya, iwan ko namang kung sexy pa syang tingnan!’’ mataray na bulong ko na idiniin ang kotsarita sa leche plan na naka lagay sa plateto sa harap ko. “Okay ka lang doc? parang gigil na gigil ka dyan sa leche plan ah?’’ nanonodyong tanong ni Nurse Jen sa akin. “Ah, hehehhhe masyado lang akong na excite na kainin ang leche plan na ‘to, subra ko kasing na miss ito eh, masarap kasi ang timpla ng leche plan nila dito, tama lang ang tamis saka creamy,” pagsisinongaling ko saka nanggigigil na isinubo ang leche plan na hiniwa ko. “mmmm! Ang sarap! Ang sarap! Lasang leche!’’ wika ko na pilit na ngumiti. “A-anong sabi mo doc? lasang leche?’’ naka kunot noong tanong ni Doc. Bea sa akin. “plan! Leche-plan! Lasang leche plan! Oo, masarap na leche_plan!’’ pilit ang ngiting wika ko, saka muling sumobo ng leche plan. Tumango tango naman si Doc. Bea na kita padin sa kanyang mukha na bahagya pading nagogolohan. “Nako! Tama ka dok! Leche nga at epal!” Agad namang wika ni Nurse Jen,saka nangigigil na dinikdik ang halo halo sa baso niya. “Ang ibig kong sabihin, masarap ang leche -plan.Agad na bawi ni Nurse Jen, ng makitang naka kunot noo si Doc, Bea na naka tingin sa kanya, saka sunod sunod din ang ginawang pag subo ng halo-halo. “hhhmm….. sharrap!’’ sarkastikong wika ni Nurse Jen.