Chapter 2

1932 Words
‘’Good morning po, doctora!’’ bati sa akin ng gwardya ng ospital ng makita ako, halata sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita ako dahil nga hindi ako nagpasabi na darating ako kaya hindi nila alam na nandito na ako. ‘’Good morning po, Doctora!’’ muling bati sa akin ng mga staff ko na pawang nagulat ng makita ako. Matamis ko naman silang nginingitian at binabati ng pabalik, saka dire diretso akong pumonta sa opisina ko, may susi naman ako ng opisina ko kaya hindi ako nahirapang makapasok. Ng makapasok ako ay nakangiti kong pinagmasdan ang kabuoan ng opisina ko, malinis at ganon padin naman ang dating ayos noong umalis ako. umopo ako sa swivel chair ko at marahan kong isinandig ang likod ko. it’s nice to be back!’’ masayang wika ko sa sarili ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang biglang pag bukas ng pintuan ng opisina ko. “Doc. Charmaine? Ikaw nga! Nandito ka na!’’ masayang bulalas ni Doc. Bea ng makita ako saka mabilis na tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Subrang na miss kita Doc! hindi ka naman nagsabi na uuwi ka na, idi sana na sundo ka namin!’’ masayang wika ni Doc. Bea habang nakayakap sa akin. “Haynako! Sinadya ko talagang wag ipaalam sa inyo no, para surpresahin ko kayo!’’ masayang wika ko na sinalubong ng yakap ang iba ko pang kaibigan na miss na miss ko na din. “Nako, Doktora lalo kang gumanda at mas lalong naging blooming! Nako, lamang ka nang dalawang paligo ng ganda sa akin! Pero halos magka level padin naman ang ganda natin, lamang ka lang nag very, very light!’’ masayang wika ni Nurse Jen na mahigpit akong niyakap, nakangiti naman ako na gumanti ng yakap sa kanya. “Nako, anong magka level ang ganda n’yo nitong s Doc. Charmaine? Hoy! For your information, milya milya kaya ang agwat ng ganda ni Doc. Charmaine sa ‘yo no!’’ banat naman ni Nurse Nora na as usual kinuntra na naman si Nurse Jen. “Nako! Ito na naman si Miss kontrabida ng kagandahan at ka sexyhan ko!’’ wika naman ni Nurse Jen na pinaikot pa ang eyeballs at inirapan si Nurse Nora. Nako! Naka balik na nga ako ng Pilipinas at talagang nandito na ako sa ospital dahil naririnig ko na at nakikita ang bangayan nyong dalawa,’’ nakangiting wika ko habang nakatingin kina Nurse Jen at Nurse Nora. “Haynako Doc. Charmaine, kahit noong wala ka ay hindi natatapos ang araw na hindi nagbabangayan tong dalawang to!’’ wika naman ni Doc. Sarah na mahigpit din akong niyakap. Na miss ka talaga namin, mabuti na lang at nandito ka na, komplero na ulit tayo!’’ Masaya, excited at pumapalakpak na wika ni Doc. Sarah. “Haynako, na miss ko din kayo no! kaya nga hindi ako masyadong nag tagal sa US dahil subra ko kayong nami miss eh!’’ wika ko sa kanila. ‘’Heyey! Makaka kain na ulit ako ng imported at makakatongtong sa imported na kainan!’’ Excited na wika ni Nurse Nora na pumapalakpak pa. “Nako, the patay gutom strikes again!” Wika ni Nurse Jen na iniirapan si Nurse Nora. Eh ano naman paki alam mo! saka hindi ako patay gutom no! may high standard food taste lang ako no!’’ katwiran pa ni Nurse Nora na umopo sa sofa na katabi ni Doc. Bea. “High standard food taste, na walang pera! Nang aasar pang wika ni Nurse Jen. “Pero doctora, alam kong hindi lang kami ang na miss mo, alam kong mayroon ka pang ibang nami miss na higit pa sa amin!’’ kinikilg na panonodyo ni Nurse Jen sa akin, na matamis kong ikinangti. “Ano doctora, naglita na ba kayong muli ni Papa Ian?’’ Excited ding tanong ni Nurse Nora sa akin. “Hindi pa kami nagkikta at nagkakausap, kanina dumalaw ako sa puntod ni Myla at ng kapatid nya si Ate Shaira saka dumiretso na ako dito,” may longkot sa tinig na wika ko. “Eh, doc. Naka bili ka na ba ng salonpas? Nakangiting tanong ni Doc. Sarah sa akin. “Bakit, ano namang gagawin ko sa salonpas? Nagtatakang tanong ko kay Doc. Sarah. Nako doc! kaylangan mo yan, dahil sa tagal nyong hindi nagkita ni Ian, nako! Sigurado akong hindi ka titigilan ni Ian hanggat hindi sumasayad yang dila mo sa pagod. Kaylangan mo ang salonpas para sa pamaol dahil sigurado akong pamaulan jud ka day, dahil sigurado akong magpapagpag ng kalawang yan si Ian. Nako, patay ka jud ka day! Siguradong sigurado din akong palolohurin ka niya habang kumakanta, nako! Mag ready ka nang mag hawak ng micropono. Wika pa ni Doc. Sarah na napaka seryoso na ani mo hindi kalokohan ang sinasabi napapa bisaya pa ito dahil sa feel na feel ang pinag sasasabi sa akin. “Ano ba ang pamaol?’’ naka kunot noo naman tanong ni Doc. Bea. “Pamaol, sakit sa katawan, dahil sa pagod, ganon!’’ paliwanag naman ni Doc. Sarah na ikino kompas kompas pa ang mga kamay. “At bakit naman sasakit ang katawan nitong si Doc. Charmaine? Eh, makikipag kita at makikipag usap lang naman siya kay Ian, bakit nakakapagod bang magsalita at makipag usap?’’ inosenting bulalas ni Doc. Bea na ikanatawa naman ng malakas ni Doc. Sarah at Nurse Jen na tuwan tuwa at nag aper pa ang dalawa. Haynako, Doc. Bea, hindi lang naman po sila mag uusap lang ni Doc. Charmaine, pakakantahin din po yan ni Ian habang naka luhod.” Natatawa namang wika ni Nurse Jen na muling nakipag aper kay Doc. Bea. “Ano bang nakakatawa sa sinabi ni Doc. Bea? Saka bakit naman kaylangan pang kumanta nitong si Doc. Charmaine ng naka luhod? Eh, pwede namang kumantang naka upo o di kaya kumantang naka tayo, bakit kaylangn pang naka luhod?! Saka may kumakanta bang naka luhod?!’’ naiinis namang sabat ni Nurse Nora na iknatawang muli ni Doc. Sarah at ni Nurse Jen. ‘’Ano bang nakakatawa sa sinabi naming,,,,,” hindi na naituloy ni Doc. Bea ang sasabihin niya ng marealized ang ibig sabihin ng dalawa. “Kayo talaga, ang babastos nyo!’’ wika ni Doc. Bea na namomola ang mukha na mas lalo namang ikinatawa si Nurse Jen at Doc. Sarah. Ano Nora, gets mo na din ba?’’ nanonodyong tanong ni Nurse Jen kay Nurse Nora. “Iwan ko sa inyo! Kung ano-anong kalokohan ang pinag sasabi nyo! Naiinis na wika ni Nurse Nora na noon ay namomola na din dahil sa na gets na din n’ya ang ibig sabihin ng dalawa. “Nako doc, baka kaylangn mo din mag handa ng pang dikit dahil baka ma warak yan ni Ian! Jusko abay dalawang taon ba namang hindi nagkita, nako! Sigurado akong tigang na tigang na ang lupa at sabik na sabik nang madiligan! “Shana all madidiligan na!’’ wika pa ni Nurse Jen na akala mo naiingit. “Sana all nalang talaga!’’ sang ayon naman ni Doc. Sarah na pinipigil ang pag tawa. “Nako! Itigil na nga natin yang usapang kabastusan nyo! Mabuti pa, pag usapan nalang natin kung saan tayo kakain!” wika ni Doc. Bea na iniba ang usapan dahil halatang hindi siya komportabli sa ganong usapan. Pero sadyang pilyo itong si Nurse Jen at sinabing kakainin daw talaga ako ni Ian sa oras na makita nya ako, na mas lalong ikina inis ni Doc. Bea at lalong namula ang kanyang mukha sa sinabi ni Nurse Jen. “Oh, sige na nga, ibahin na lang muna natin ang usapan nangangmates na kasi ang mukha ng dalawang Virgin Merry na friend natin eh!’’ natatawang pang aasar ni Doc. Sarah sa dalawa. Natatawa naman ko at lihim na hinihiling na sana ay mag dilang anhel si Nurse Jen at si Doc. Sarah, sana nga ay diligan ako ni Ian mamayang gabi. “Doon nalan tayo sa restaurant ni ian kumain!’’ Excited na wika ni Doc. Bea na agad namang sinang ayonan ni Doc. Sarah at Nurse Nora. “Nako wag na don, sa ibang restaurant nalang tayo kumain, saka napaka dami namang sosyal na restaurant dito at masasarap pa ang mga pagkain ah!’’ Agad na protesta ni Nurse Jen na nanghahaba ang nguso. Aba, at bakit hind sa restaurant ni Ian ah? Masasarap ang mga pagkain doon sosyal at maganda ang ambiance, at isa pa, at napaka importante sa lahat__ ay nandon si Ian! At ang ibig sabihin ay magkikita sila nitong si Doc. Charmaine!’’ masayang paliwanag ni Nurse Nora. At pag nagkita na si Doc. Chatmine, at si Ian, ay! Diligan na!’’ masayang tili ni Doc. Sarah habang pinag tatabi ang dalawa niyang hintotoro. “Wag na nga kasi don! Sa iba na lang! may impakto kasi don eh!’’ nagmamaktol na wika ni Nurse Jen. “Ayon! Kaya ayaw mong kumain doon kasi ayaw mong makita si Paolo?!’’ idi wag kang sumama! Hindi naman ikaw ang manglilibre eh, si Doc. Charmaine, kaya makakain naman kami, at mabubusog ng wala ka! Kaya okay lang na hindi ka sumama, wala namang namimilit sayong sumama eh, saka wag kang mag alala, ako na lang ang kakain ng share mo!’’ pang aasar pang wika ni Nurse Nora sa nakasimangot na si Nurse Jen. “Napaka patay gutom mo talaga! Sige na nga, doon nalang tayo kumain!’’ nakasimangot padin na napapa kamot sa ulong wika ni Nurse Jen. “Napaka arte, sasama lang naman pala eh, nagpapapilit pa! kala mo naman pipilitin.’’ Bubulong-bulong na wika ni Nurse Nora. “Haynako, talagang kayong dalawa kayo, hindi na kayo tumigil ng asaran! Sige na, basta, pag out natin ay didiretso na tayo sa restaurant ni Ian. Saka sana nga nandoon si Ian para magkita na kami at magkusap, para maka hingi na din ako ng tawad sa kanya sa biglang pag iwan ko sa kanya sa ere. Seryosong wika ko saka napa buntong hininga. “Tama ka po syan doc. kasi to be honest, sigurado akong nagtatampo yon si Ian sa iyo, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses pumonta yon dito at nagmamakaawa na nagtatanong kung nasaan ka, at kung bakit ka daw umalis? Nagtatanong kung galit ka ba daw sa kanya? At sinabi ko naman na hindi, pero yon nga, bakit ka daw bigla na lang umalis? Awang awa na nga ako kay Ian noon eh, kung hind nga lang sa bilin mo doc. na wag naming sabihin kung nasan ka, at bakit ka umalis? Malamang, sinabi ko na sa kanya ang totoo. Kasi sobrang nakakaawa talaga si Ian. Saka hindi naman po sa pagiging nega, at kino kontra ang excitement mo na makita si Ian, dahil alam naman naming kung gaano mo kamahal si Ian eh, pero Doc. gusto ko lang malaman mo, para maging handa ka sa mga pwedeng mangyari kasi po doc. sobra po kasing nasaktan si Ian eh, at nong tumigil na syang kapoponta punta dito para mangulit sa amin at para tanongin kung nasan ka, natakot po ako doc. dahil malaki ang posibilidad pero wag naman sanang napagod na sya sa pag hihintay sayo, napagod na sya ng katatanong na hindi naman naibibigyan ng kasagutan. At yon po ang pinakamahirap bawiin, at habolin ang pusong napagod na, at namanhid nang mag mahal sa taong minahan nya ng subra-subra dati.” Seryosong wika n Doc. Bea na tumgos sa puso ko, kahit ayaw man tanggapin ng puso ko ay alam kong may katotohanan at malaki ang pusibilidad na yon nga ang nararamdaman ni Ian para sakin ngayon, dahil sa pang iiwan ko sa kanya sa ere. Naluha naman ako sa isiping iyon at agad naman akong niyakap ng mga kaibigan ko para I confort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD