bc

Ocean of lies

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
brave
drama
twisted
humorous
serious
cheating
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Astre's mom, never support her. Hindi sya itinuturing na anak nito. Ni pagbati sa kanya ay hindi magawa ng sariling ina. Hindi alam ni Astre kung anong dahilan kung bakit ayaw sya ng magulang nya. May nagawa ba kong mali? laging tanong nya.

And then, Astre meets Jaiden.

Jaiden have a long time crush named Astre. Pero hindi sya gusto nito. Astre never liked Jaiden afterall, but when she is in danger, Jaiden was always there for her.

Simula ng araw na yun, gumaan ang loob ni Astre kay Jaiden, she knows that she's safe kapag kasama nya si Jaiden. Pero aaminin nya ba sa sarili nyang gusto o mahal na nya si Jaiden? o ipagtutulakan nya pa din na hinding hindi sya magkakagusto dito?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Maaga akong gumising para makapaglinis agad ng bahay, patay na naman ako nito kay mama pag nadatnan nya na madumi na naman ang bahay. Naiimagine ko na agad ung sinasabi nya sakin. "Ano! araw araw na lang ba akong uuwi ditong madumi ang bahay? Ha astre? Kababae mong tao di ka marunong maglinis ng bahay blah blah blah--- Binilisan ko na lang maglinis para makagala pa ko. Ayaw kong maabutan dito ni mama, paulit ulit na kase ang sermon nya nakakatamad tuloy pakinggan. Mabuti sana kung araw araw iba iba ang sinesermon nya sakin, edi hindi nakakapanawa. Pagkatapos kong maglinis ng bahay, sarili ko naman ang inayos ko. Ghary: Astre, sama ka? Astre: San? Ghary: Kay na Morana. Astre: Sino yun? Ghary: Alam mo Astre, andami mong tanong. Kung sasama ka pakisagot please. Natawa na lang ako sa sinabi ni Ghary, malay ko ba kung sino ung Morana, baka mamaya member pala yun ng sendikato mahirap na. Astre: Oo na, sama ko. Kung sino man si moana, sana mabuti syang tao. Baka kidnappin ako kase maganda ko. Ghary: Moanang pinagsasasabi mo? MORANA KASI UN. tsaka kidnap? what the hell? San mo nakukuha ang mga ganyang words? Astre: Wala, napapanood ko sa tv. Mahirapna kasi sa panahon ngayon, baka magandahan sakin kidnapin tayo, Madadamay ka pa. Ghary: Shunga. Kapal mo Astre. Bilisan mo na lang magbihis, puntahan kita sa inyo. Astre: Okay, intay kita. Sana may pogi dun. Minsan na lang kasi ako makalabas kaya lubusin ko na. Lugi ako kapag wala akong makikita mamaya. Gaya nga ng inaasahan sinundo ako ni Ghray samin. Buti na lang matagal bago si mama dumating. Baka kasi maabutan kami at ikulong na naman ako sa bahay. Boring. "Ghray, asan na tayo? Malayo pa ba? Antagal naman. Naiinip na ko." "Alam mo Astre, ibaba kita dyan, ang arte mo, andami mo pang tanong. Ewan ko ba, ba't natagalan kita sa ugali mong yan." Tumawa na lamang ako sa sinabi nya. Alam kong yan ang ugali ko, di ako katulad ng ibang tao na masabihan lang ng maarte, iiyak na or what. Makalipas ang ilang oras, huminto na ang sasakyan ni Ghray. I saw a very huge house, like wow. Parang gusto ko na lang na kidnapin ako ni moana? moana un diba? Bahala na kung sino man yun di naman importante, sayang ang ganda ko kung poproblemahin ko pa kung ano ang pangalan nya. "Where here, Astre." "Yeah, yeah, I know." Di ako tanga. Bakit mo ihihinto ang sasakyan at ipaparada kung wala ka pa sa pupuntahan? Agad akong bumaba sa sasakyan ni Ghray. I'm excited! Di nga lang halata. Tiningnan ko si Ghray kung ano pa ang ginagawa nya. She's so kupad.  "Hey, Ghray, What are you doing pa?" "Ako Astra, tigil tigilan mo sa paconyo conyo mong yan, di bagay."  "Okay, okay. Pero matagal pa ba? Ghray?" "GHRAY!" "What?! Wait okay. Pinabubuksan ko pa yung gate kay Morana." "Morana? I thought it's Moana." "Alam mo Astre, Nakakastress ka kasama. Bakit ba naisipan kong yayain ka papunta dito?" "Ewan ko sayo. Bakit ako ang tatanungin mo." "Arghh!"  Naghintay pa ko/kami ng ilang minuto bago makapasok sa bahay ni Morana. Im sure na Morana yun. Not MOANA. Bakit kasi ang tagal magbukas ng gate ng bahay ni Morana. Nangangalay na ko dito sa labas ng MALAKING BAHAY nya. Nagmumukha tuloy kami ditong namamalimos ni Ghray. Pero di namn totally na mukhang pulubi, Like duh, sa ganda kong to. Di bagay sa itsura ko. Kay Ghray pa. Argh, sa wakas bumukas din ang ang malaki nilang gate. Papasok na kami ni Ghray, ng biglang may mabilis na sasakyan din ang pumasok sa bahay ni Morana. s**t. What the f**k?! "Hoy! Excuse me!" Pilit kong kinakatok ang sasakyan ng gago. Aba, talsikan ba naman ako ng putik galing sa sasakyan nya na akalanya napa kaganda! "Astre, Kalma. Di natin kilala yan." "Wala akong pake Ghray! Pumunta ako dito na maganda at walang dumi tapos tatalsikan lang ako ng gagong yan ng putik?!" "Asan dyan ang maganda? Damit pa, Un ang maganda." What the f*****g f**k?! "f**k YOU!" "Ayaw ko." I raised my middle finger to his. The hell, sino sya para sabihan akong panget? Hindi nya direct na sinabi sakin na pangit ako pero parang sinabi na rin nya yun. Kala mo naman kung sinong gwapo. "Ghray! Hey!" "Morana!" Napanganga ako sa itsura nitong si Morana. Oo maganda ako pero s**t, she's so freaking gorgeous! Pero masmaganda ako. "Hey Ghray, Can you introduce me to your beautiful friend?" "Oh, She's Astreanne Usuro." "You can call me Astre." I smiled to her. "I'm Morana Miller, You can call me Morana." She smiled back. "But, Astre anong nangyari dyan sa suot mo? Bakit ang putik?" I smiled at her and then "Kasi may gagong basta na lang hinarurot yung pangit nyang sasakyan, tapos balak pa ata kaming banggain." "Excuse me, ako ba ang tinutukoy mo Anne?" "What the f**k?! Don't call me anne, disgusting! tsaka di tayo close. Kaya Don't call me ANNE!" "Okay, okay. Highblood si Anne-- este Astre." Tumawa pa ang gago. "Stop that act Jaiden. Pasok ka astre sa bahay, palit ka ng damit. I'll give you some shirts ot dress na bagay sayo." "Okay. Thank you Morana." "Ghray, Jaiden come inside." Pagkapasok namin sa bahay ni Morana, agad akong pumunta sa cr nila para maglinis at magpalit ng suot. Yuck! ambaho nung putik! "Hey, Astre here's your shirts. Pili ka na lang ng babagay at kakasya sayo." "Okay thanks." Pinili ko yung simple dress na binigay sakin ni Morana. Bagay naman sakin. I'm so pretty! Lumabas na ko ng cr ni Morana. I feel so pretty with this dress! "Astre! Dito!" Lakad takbo akong pumunta sa sala nina Morana. Ngayon ko lang napansin andami pala namin dito. And of course ang daming pogi! "Tsk. Di bagay." Sino ba 'to para sabihing di bagay? "Edi okay." Wala ako sa mood para makipagsagutan sa pangit na 'to. Sayang sa oras at sa laway. Di sya kagwapuhan para intindihin. Mabuti sana kung yung katabi nya yung nangaasar sakin. Payag pa ko. Sino kaya yun? Itatanong ko mamaya kay Morana hihi. Narinig ko na naman ang tawa ng pangit na yun. Tiningnan ko sya ng masama, pero di sya tumigil sa pagtawa. "Your so funny, Baby." **** Haha. Nakakairita talaga tong lalaking to! Jaiden right? Yun ung name nya diba? Ang ganda na sana ng pangalan nya, ang gago lang ng ugali. Di bagay. "Uh, Astre, Let's go to kitchen. Lets grab some foods, Astre?" "Okay." Sama muna ko sayo Morana, nawawalan ako ng ganda pag itong Jaiden ang lagi kong iintindihin. Kumuha ako ng ilang pagkain sa ref ni Morana, Shacks! Andami nyang food! Pero sa amin din naman madami, kuripot lang si mama magbigay, magtipid daw. "Nagsuot pa ng dress, di naman bagay, tsk." Napatigil na lamang ako sa pagkuha ng pagkain sa narinig ko. Babae din ako, nasasaktan din. Kung sina Ghray sana ung magsasabi sakin ng ganyan ayos lang kasi kaibigan ko sila. Pero pag ibang tao ang nagsasabi sakin ng ganyan. Lalaki pa, nakakawala ng ganang maging confident, na mag maganda. Ni pamilya ko nga di ako masuportahan eh, ibang tao pa kaya. Nakakatawa lang. *** "Ano ba yan Astreanne?!" "M-ma, papirma lang po sana, sasali po kasi san ako sa---." "Ano bang mapapala mo dyan sa pagsali sali mong yan?! makakalamon ka ba dyan huh?! Mapapagaral ka ba nyan? Mabuti sana kung makakatulog yan eh! Hindi naman dagdag lang yan sa bayadin! Kelan ka ba makakaintindi? Ha Astre?! Sana hindi na lang kita anak." *** "Ahm, Morana. May extra shirts ka pa?" "Why? Ayaw mo ba nyan? Bagay naman ah." "I'm not comfortable na eh." "Uhm okay. Wait kuha lang ako." "Sige, Thank you Morana." She get me some shirts. Ang iikli. Oo dati gusto ko yung mga style na ganto. Pero wala na, I lost mg goddamn confidence. Dati pinagsasawalang bahala ko lang yan lahat. Pero syempre nakakasawa din, baka mas maganda kung ko na lang sanayin ang sarili ko pati na sila na napaka confident ko. Pinili ko yung malaking damit na binigay sakin ni Morana. Maganda. Presko pa. Shorts? Should I wear short? Nah. Wag na. Pinili ko na lamang ang pantalon. Nagayos muna ako ng suot ko bago ako lumabas, baka kasi mamaya sabihin na namang di bagay, pangit. Normal lang naman diba na maging damdamin ako? Babae din naman ako kaya ayos lang diba? Hindi ko nga nafeel sa magulang ko na sinusuportahan nila ako, ni kailanman di nila ko binati sa birthdays ko. Baka ito yung araw na dapat ilabas ko muna lahat. Dapat iiyak ko muna. Buti na lang wala ako sa amin, baka sabihin na naman ng kapitbahay namin na ang arte arte nito na kesyo ganyan kesyo ganto. Nang alam ko na sa sarili ko na ayos na ko, na pwede na kong humarap sa iba. Ngumiti ako sa salamin. Ngumiting pinipilit na sana di na ko umiyak ulit ng dahil lang sa maliit na bagay. "Astre! Bakit ka nagpalit?" "Ah, di na kasi ako comportable sa dress na yun, makati den kase." "I'm sorry, di ko kasi tiningnan kung ayos pa or makati yung tela nung dress.  Sorry talaga." "Ayos lang." Muling nagtama ang tingin namin ni Jaiden. Pero alam kong iba, ibang tingin nya ang nakikita ko, hindi yung katulad ng kaninang asar. Kundi iba. "Astre are you okay?" Biglang tanong ni Ghray habang nanunuod kami. "Yeah why?" "Mukha ka na lang naging balisa eh. Sino may gawa? Resbakan natin." Natawa na labg ako sa sinabi nya. Buti na lang nandito si Ghray, sya yung tanging sumosuporta sakin sa lahat. I'm proud na naging kaibigan ko sya. "Alam mo ang nega mo Ghray, manuod ka na lang dyan, wag mo na ko problemahin." "Di ako sanay Astre, alam mo yun. Sanay akong napakadaldal at laging nasiring yang mata mo." "Wala ako sa mood, hayaan mo mamaya sisiribgan kita ng sisiringan." "Joke lang." Napailing na lang ako sa sinabi nya. Pinagpatuliy na lang namin yung panunuod nitong horror movie, kung sana lang nasa mood ako ngayon kanina pa kong sigaw ng sigaw sa tabi ni Ghray, baka kanina pa ding panot 'to. Pagkatapos nung movie, nagyakag si Morana na lumabas daw kasi wala din naman daw masyadong magagawa sa bahay nila. Ayaw ko pang umuwi, kaya sasama ako. We went to bar. "Hoy Astre, muka kang tanga sa itsura mong yan. Bakit di ka nagpalit ng suot?" "Hayaan mo na, di naman sila inaano ng suot ko. Hindi naman suot ko ang ipangiinom ko." "Sabi ko nga." Kanina ko pang napapansin na may nakatingin sakin, kilala ko. Ayaw kong lingunin. Pagkapasok pa lamnag namin, ramdam ko yung saya, na kanina ko pang gusto ulit maramdaman. I let my self to dance, to drink, lahat ng gusto kong gawin, ginawa ko. Nang makaramdam ako ng pagod tumigil ako sa tabi ng kaibigan ni Morana, di ko alam ang name nya. But friend sya ni Morana kaya safe ako. "One vodka please." I said. "Astre right?" "Yeah." "Oh, Hi I'm Quinnel." "So?" Tumawa sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? Wala akong pake sa pangalan nya. Di ko din naman tinanong. "Alam mo, ang taray mo." "Oh, pake mo?" Tumawa na naman sya, parang tanga. "Wag ka ngang tumawa ng tumawa, nakakairita." Di naman maganda yung pagtawa nya. Ayos sana kung katulad ng mga tawa ng mga napapanuod ko sa tv. "Okay, sorry." Tinaas ko ang paningin ko sa kanya. Oh f**k! Sya ung kaibigan ni Jaiden! Yung pogi! Ang tanga ko! Pano na to. Baka akalain nitong si Quinnel? na napaka sama kong tao. Ah s**t! "Oh sorry, Quinnel?right?" "Yeah, yeah. Uh bakit ka nagsosorry?" "Ah kasi, basta." nginitian ko na lang sya. Bakit kase ang tanga ko. Eto na ung pagkakataon na makilala ko sya natarayan ko pa! "Ahm, Quinnel excuse ha, magccr lang ako." "Okay, go ahead. Baka abutin ka pa dyan." Then he laughed. Binabawi ko na yung sinabi kong pangit yung tawa nya. Ang ganda pala ngayon ko lang narealize. Lakad takbo akong pumunta sa cr. Omaygad! Di ko na kaya, san ba kasi dito yung cr?! Ahh! Finally! Papalabas na ko ng cr ng may biglang humigit sa akin. "Puta!" "Shh." "Bitawan mo nga ko." "Wait, may sabihin lang ako, sandali lang." "Dalian mo, tsaka pwede mo namang sabihin ng hindi ako hinihila." "Yeah, sorry." "Oh anong sasabihin mo?" "Sorry." "Ano nga?!" "Sorry." "Puta, Ano nga--" "Sorry, naoffend kita kanina. Di ko muna inisip yung dapat sabihin bago ibuka yung bibig ko. I just wanna to tease you but naoffend kita. I'm sorry." Buti alam mo gago. I f*****g lost my confidence because of you. Kaya anong magagawa ng sorry mo?  "It's okay." "You sure?" "Yeah. So pwede ka na bang tumabi dyan sa daan kung wala ka ng sasabihin pa or itatanong?" Di na lamang sya nagsalita sa sinabi ko, ibig sabihin ba non wala na syang kailangan? Nang masure ko na wala na syang sasabihin lumayas na ko ng walang paalam. Sino ba sya para magpaalam ako na aalis na? He's just nobody. Bumalik ako sa pwesto ko, akala ko umalis na si Quinnel pero nakita ko syang nagiinom magisa doon. Napangiti ako kasi nandon pa din sya. "Sorry natagalan." Nagpakawala ako ng isang mahinhin na tawa. "Okay lang." Pagkatapos nyang sabihin yon bumalik na muli ang kanyang tingin sa kanyang inumin. Dinalaw kami ng nakakabinging katahimikan. Shacks pagkakataon ko na ngang makapagkilala ng ayos di ko pa magawa. Ang inaalala ko lang kasi, yung kadaldalan ng bunganga ko, baka may masabi akong hindi dapat masabi. Mabuti na yung maingat. Baka malaman nya pa yung pangit sakin, baka maturn off, di lalo ako magustuhan. "Ahm, so friend ka ni Ghary right? napangiwi na lang ako sa tanong nya, tipo sana kita kaso yung tanong nya. Pero masaya din kasi kahit ganon yung tinanong nya sya ang nagumpisang makipagusap sakin. "Yeah, why?" "Nothing." then he smiled. Ang ganda nung ngiti nakakatunaw. Nagusap pa kami ng kung ano ano, I love his behavior. Lagi syang nakangiti habang nagkukwento sya. Para bang di nya pinapifeel sakin na boring yung mga pinaguusapan namin. Marami pa kaming sinabi sa isa't isa bago sya inaya ng mga kaibigan nya. "So, bye na tawag na nila ko. Sa sunod ulit. Saya mo kausap." He raise his right hand na para bang sinabi nyang babye na. Di nawala ang ngiti ko sa labi kahit di ko na sya kausap. Buti na lang di sya katulad nung friend nya. "Huy!" "Huy!" "Astreanne!" "Oh, baket?" "Muka kang tanga dyan. Nakangiti magisa amp. Nangyari sayo?" "Wele nemen." "Pot-- Pantanga ka Astre." "Why ba?" "Wag mo ko simulan ng kaconyohan mo." Ibubuka ko pa lang sana yung bibig ko para magsalita at asarin si Ghary nang may tumawag sa kanya. Naiwan na naman ako magisa. Bakit kasi sa tinagal tagal naming magkaibigan ni Ghary, di nya man lang ako pinakilala sa mga kaibigan nya, edi sana di ako op ngayon. Nanuod na lang ako ng sayawan ng ibang tao, para naman di masyadong boring. Nakipagkwentuhan na din ako sa barista para naman di ako magmukang tanga magisa. "Hey." May tumawag kasin pero di ko alam kung bakit at sino. "Hey." Wala naman ako mapagpipilian kung hindi sumagot. Andyan na nga yung gustong kumausap sayo tatanggiha mo pa. "San mga kasama mo?" "There." Tinuro ko sa kanya kung nasasan yung kaibigan kong hindi man lang ako sinama at pinakilala sa mga kaibigan nya. "Ba't ka nya iniwan dito?" Sinagot ko sya ng mahinahon. Habang umiinom ako, sya naman ang tanong ng tanong. Di ba to nanawa magtanong? tsaka bakit parang ang dami nyang baon na tanong? "Bakit ka ba tanong ng tanong?" Oo gusto ko ng kausap, pero ikaw ba naman ang tanungin ng tanungin di ka kaya mayamot? "Tsk. Bahala ka nga dyan. Ikaw na nga ang kinakausap at kinukwentuhan ikaw pa mataray." "Bahala ka din, pake ko sayo. Tsaka di mo kaya ako kinukwentuhan, tinanong mo na kaya ako ng tinanong. Ikaw kaya tanungin ko di ka mamayamot?" He rolled his eyes. Pota bakla ata to. So I rolled my eyes to him. Kala nya sya lang may kaya. Marami rami na kong naiinom at marami rami na din ang nalapit sakin para magtanong ng paulit ulit. Sawang sawa na ko sa tanong nilang 'Nasan kasama mo' wala na ata silang maisip na tanong. "Psst." Yan na namn. "Psst." Potcha. "Psst." Iritado akong humara sa kung sino man ang sitsit ng sitsit sakin. "Ano?! Bakit ka ba sit sit ng sit---" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla lumampas yung tingin nya sakin. Napahiya ako dun ah. Buti na lang masyadong maraming ginagawa yung iba. Fuck you Jaiden. Bakit ba kasi sya sisit sit ng ganon kala ko tuloy ako. Pede naman nyang tawagin by name. Kilala naman nya yung barista. Kita ko sa labi nya ang patagong pagngisi nya. Trip ba ko nito? "Pwede namang name na lang yung sabihin, sumitsit pa." "Pinariringgan mo ba ko?" "Ay sorry, natamaan ka ba?" tsaka ako ngumiti. Kita ko sa mata nya ang pagkamangha.  "Hindi naman." "Eh, bat ka nagreact?" "Kase naman kung magsabi ka para talagang ako yung pinariringgan mo." Ginaya ang ang way ko sa pagsabi at ngumiti din. Gusto kong sumigaw sa inis. Jusko, Bakit ba sa lahat ng makikilala ko dito ang gagong pangit na to pa?! "Astre! Tara na, iuuwi na kita sa inyo." "Mamaya na Ghary." "Potcha naman Astre. Hinahanap ka na ng mama mo sakin! Ano sasabihin ko?! Ubos na dahilan ko kaya tara na. Kanina pa tumatawag mama mo sakin." Patay ako nito paguwi sa bahay. Sana maganda yung dahilan na binigay ni Ghary kay mama kasi kung hindi, patay talaga ako paguwi. Pagkasabi nya non, hindi ko na sya hinintay pa kasi naman nagpapaalam pa sa mga Friends nya. Madali naman nakapunta kami sa sasakyan nya. Dali dali nyang inistart ang sasakyan nya.  "Bakit ka ba kinakabahan?" Tanong ko sa kanya na parang natatawa pa, kahit alam ko din sa sarili ko na kinakabahan din ako. Alam ko ang talas ng pananalita ni Mama, kahit na may ibang tao sa bahay at may ginawa kang mali, bubungangaan ka talaga nyan. Walang preno ang bunganga, di iniisip kung masakit na ba yung sinasabi nya. Kaya di na ko magtataka na kinakabahan si Ghary, nakita nya na kasi si mama na sinasabihan ako ng kung ano ano. "Mama mo yun Astre, Nakakatakot bunganga non." Natawa ko sa sinabi nya. Kung sa bagay, nakakatakot din naman. Makalipas ang ilang oras nakarating na kami sa amin. Nasa gate pa lang ako pero yung pawis ko tagaktak na. Dapat talaga umuwi na ko kanina pa. Inamoy ko muna ang bibig ko kung amoy ba ang alak na ininom ko kanina. Napangiwi na lamang ako ng maamoy ko ito. Siguro kung kakausapin o sesermunan na naman ako ni mama, lalayo ako ng agwat sa kanya para di nya maamoy. "Handa ka na ba?" "Ano ba Ghary. Kabadong kabado ka hindi naman ikaw ang anak na pagagalitan." "Ano ba naman Astre, syempre kakabahan ako, di ako nagpaalam sa mama mo na hihiramin kita." Tumawa na lamang ako sa sinabi nya. Ramdam ko yung t***k ng puso ko. Shems parang lalabas yung puso ko nito sa kaba. Binubuksan ko pa lamang ang pintuan ng bahay namin kita ko na ang anino ng nanay ko na nakaupo sa sala na para bang hinihintay ako na umuwi. Sinulyapan ko si Ghary na hindi na din maipinta ang muka sa kaba. Sana lang talaga tumugma ang sasabihin ko sa sinabi ni Ghary kay mama, once na magkamali ako hanggang bukas na naman ang talak ni mama. "Astreanne, Ito ba ang oras ng uwi ng isang matinong babae?" Napapikit na lamang ako sa tanong ni mama. 'Di naman ako matino.' "H-hindi po." "Hindi?" Nakakailang mura na lamang ako sa isip ko sa tanong ni mama. Ibubuka ko pa lamang sana ang bibig ko para sumagot. Kaso sinundan na nya agad ito. "Kung hindi, bakit ngayon ka lang umuwi? San ka nagpunta? Ano na naman ang pinagagawa mo?" Sunod na sunod na tanong nya sa akin. Pano ko ba to sasagutin. Napapakagat na lamang ako sa labi ko habang nagiisip ng isasagot sa tanong ni mama. 'Ma, hindi naman po kasi ako matinong babae, sa bar po. Uminom po malamang, alangan namang magaral sa bar'. Napapamura na lamang ako sa naiisip kong isasagot. Kung isasagot ko man kasi ang nasa isip ko baka bigla na lamang ibato sakin ni mama ung binabasa nya. "Ah Tita, Nagpatulong lang po ako kay Astre na mag gawa po ng, ano po, maggawa po ng project ng kapatid ko. Sya lang po kasi ang may alam nun kumpara sakin. Pasensya na po at ginabi po kami." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ghary. Napatingin si Mama kay Ghary, tinatantsa kung nagsasabi ba ng totoo si Ghary. Tang-juice Ghary umayos ka. Kung sana nasa ibang sitwasyon kami ngayon, baka utas na ko sa kakatawa. Kaso nasa kritikal kami na sitwasyon kaya di pwede. Pigilin ang tawa para sa kinabukasan. Nang maramdaman siguro ni mama na nagsasabi si Ghary ng totoo, ngumiti si mama sa kanya. Tang-juice ang creepy. "Sige Ghary. Thank you sa paghatid kay Astreanne." Bumaling ng tiningin sakin si mama. "Ikaw naman Astre, umakyat ka na sa kwarto mo. Maaga pa tayo bukas, maraming tayong gagawin." "Sige po." Umakyat na agad ako pagkasabi pa lamang niya, sa takot ko na baka pag umalis na si Ghary, bunganga naman ni mama yung aalingawngaw. Pagkapasok ko pa lamang sa kwarto ko, nagbihis muna ako ng pantulog at nagmumog, rinig ko pa kasi sa baba na kinakausap pa ni mama si Ghary. Safe pa ko, may oras pa ako para magayos ng sarili bago tumulog. Nang marinig ko na sumarado na ang pintuan sa ibaba, agad akong tumalon sa kama ko. Alam ko kasi na aakyat pa si mama para tingnan kung gising pa ko, at kapag nakita nya ako na gising pa, magsesermon na naman ng magsesermon, paulit ulit lang naman ang sinasabi. Nagtalukbong ako ng kumot kahit mabanas. Rinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. ipinikit ko ng madiin ang aking mata para di makita ni  Mama na gising pa ko. Nang makita ata ni mama na tulog na ako, sinarado na muli nya ang pintuan ng kwarto ko. Pinalipas ko muna ng ilang minuto bago ako umalis sa pagkakatalukbong. Baka kasi mamaya sinarado lang pala ni mama ang pinto para maramdaman ko na umalis na sya. Pero sorry ka ma, sa tinagal tagal mo kong laging binabantayan at tinitignan bago ka matulog, nasaulo na kita. Ng masigurado ko na talagang wala nang nakabantay, inalis ko na ang kumot sa katawan ko. Shacks! Ang init. Tiningnan ko ang oras, maaga pa naman. 11:37 pm Kinuha ko muna ang aking cellphone para maglibang muna, kasi di naman ko makatulog. Naglaro muna ko ng ilang minuto, na umabot na sa oras. "Pota, Ambobo ng kalampi." Bulong ko. Kung alam ko lang sana na tanga ang magiging kalampi ko di na sana ako nagrank sayang master ko jusko. "Hay nako. Nasa likod! Puta!" Di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Nawala ang kunot noo ko ng mapagtanto na katabi ko nga lamang pala ang kwarto ni Mama. Sana di nagising si mama. Umayos muna ako ng tayo at pinatay muna ang cellphone. Nagintay muli ako ng ilang minuto para malaman kung may bubukas ng pintuan. Lumipas ang minuto pero walang nagbukas kaya nakahinga ako ng maluwag. Di narinig. Buti na lang may pagkabingi ding taglay si mama minsan. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para maglaro muli pero sa pagkakataon na ito nagmultiplayer na lamang ako, sayang ang rank protection na lang ang meron ako, kung magrarank na naman ako at talo balik na naman sa Pro. Naglalaro ako ng may biglang may nag add sakin sa f*******:, at dahil di naman rank ang nilalaro ko pinindot ko ito. Napakunot na lamang ako ng noo dahil parang pamilyar ang pangalan ng nagadd sakin. 'Jaiden Kysler Adler sent you a friend request.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook