Makalipas ang halos isang buwan buhat ng umalis si Drix ay wala naman itong chat o text sa kanya. Kung ang laman ng note ang tatanungin ay tanging 'Take care baby!' lang ang nakalagay. Sobrang nag expect pa naman ako ng mahaba habang mensahe ng Lolo ko. (Maging readers nag abang?) Kung ang pabulaklak naman ang tanong ay araw araw parin ang dating. Level up pa nga may pakain pang kasama sasabihin niya lang sa delivery man ang additional cravings niya at meron na kinabukasan. Nag aala secret agent narin siya tinatanong ang restaurant na nag deliver kung sino ang nag oorder ngunit tikom ang bibig nila. "Hoy Lyka, andiyan na naman ang manliligaw mo." kalabit ng ka trabaho niya, kung siya freelance at di masyadong nakatali sa trabaho ang mga ito naman ay daily ang trabaho. "Sino na naman an

