Nang sumunod na mga araw ay pinilit niyang gawing normal ang lahat. Iniiwasan niya ang mga kaibigan ng Kuya niya lalo na ang Kuya niya. Di na siya halos umuuwe sa bahay nila para di magkrus ang landas nilang tatlo. Si Yael at Drix. Hawak niya sa kamay ang isang bungkos ng bulaklak na naman. Di na niya mabilang ang dumarating na bulaklak mula sa isang tumatawag ng baby sa kanya. Di na niya naiisip na si Drix ang nagbigay dahil malamang ay sumalangit na ito kasama ang pinapalaki nito. Napaigtad siya ng may umakbay sa kanya. Pag lingon niya ay ang kaibigang si Mico pala. Ang nag iisang guy best friend niya. "Tulala kana naman, di na naman nagbigay ng pangalan?" sabi nito na ang tinutukoy ay ang nagbigay ng bulaklak na hawak ko. "Oo ang lakas magpaka misteryuso ng nagbigay." nakanguso kung

