Chapter 43 Ayeesha I WAS grieving. But i have to let go. Mahirap kumapit kung wala na talagang makakapitan. Mas maganda ang bumitiw at magsimulang muli. Dahil iyon ang ginagawa ko ngayon. Nagkalat sa iba't–ibang media news ang nalalapit na engagement nina Yvonne at Felix. Silang dalawa ngayon ang usapan–usapan sa mundo ng showbiz. Ang kaso noon ni Gabriel ay nakalimutan na. I took a deep breath at naglaro sa isip ang anyo ni Gabriel. Ang lalaking pinakasalan ko at minahal noon ay ibang–iba na ngayon ay soon to be my ex–husband. Dark and handsome and dangerous. Charming yet cruel. Nakakunot ang noong niyuko ko ang pagkain ni Selim. Kasalukuyan kaming nasa jollibee sa isang mall dito sa Santa Clara. We're been here for a week now. There's a night na patuloy parin akong umiiyak. Muli a

