Chapter 44 Ayeesha "I'M comming, Attorney. Okay. Bye!" I heaved a sigh after the call ended. This is it. My marriage will end up today. Tinitigan kong mabuti ang sarili sa body sized mirror katatapos ko lang maligo nang may kumakatok sa pinto. Humakbang ako palabas ng silid. Bumaba ng hagdanan patungo sa pinto. Hindi na akong nag–abala pa na sumilip sa peehole. Inaasahan kong si Jeya ang bisita ko. Nagulat kong pagbukas ko nang pinto ay nakita kong nakatayo si Symon. "Hello sister..." nakangiting bati nito. "Pwedeng pumasok?" Sabay abot sa akin ng isang bouquet ng bulaklak. Ilang segundo kong tinitigan bago ko tinanggap at wala akong magawa kundi luwagan ang pinto at papasukin ito. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nito sa akin. Kung ano man iyon hindi ako interesado. Itinuro ko

