Chapter 9

672 Words
Chapter 9 Astrid Acosta's POV; "Anong nangyayari sa grupo ni Cadmus?" Napatingin ako kay prof ng magsalita ito habang hawak ang log book. "Pasensya na prof ako na bahala kay Cadmus magproceed na tayo sa lesson natin." Ani ni Callius bago tumingin saakin na kinangiti ko. Nang ngumiti siya humarap na ulit ako sa white board at nagfocus sa lesson namin sa araw na yun. Halos magiisang buwan na din since ng makapasok ako sa C-Lite University and since ng hindi na pumasok si Cadmus naging normal na ang mga araw ko. Wala ng gulo maliban sa halos patayin na ako ng mga babae sa tingin oo mga babae.=_= "Yieeh nakita ko yun nagngitian kayo ni President so? Ano ng meron?" Bulong ni Teressa na kinangiwi ko. "Ano ka ba wag ka ngang issue magkaibigan lang kami ni Mr.President." sagot ko na kinahagikhik niya. "Sus kunwari ka pa pag naguusap nga kayo at nagkakatinginan parang may spark ganun." Pangaasar ni Teressa. "Ay grabe siya ano fire works lang? Posporo." Ani ko na kinatawa niya. "Loka ka." Ayun habang naglelecture si ma'am kwentuhan lang kami ni Teressa ganun lumilipas ang araw ko. "Uuwi kana?" Tanong ni President ng matapos kong ligpitin ang gamit ko ng iannounce ni ma'am na tapos na ang klase. "May remedial ako remember?" Natatawa kong sagot na kinakamot niya sa ulo na kinailing ko na lang. "Oo nga pala nakalimutan ko." Nakangiting sambit niya bago guluhin ang buhok ko. "Ingat ka." Nakangiting sambit niya na kinatibok ng puso ko. "Salamat." Sagot ko na kinalipbite ko bago tumalikod at naglakad palabas ng classroom para itago ang pamumula at ngiti ko. "Pafall masyado ang Acosta na yun kaloka." Pangiti ngiting bulong ko bago hawakan ang buhok ko kung saan hinawakan ni Callius. "Mygosh Astrid huminahon ka nandito ka para mag aral remember?" Bulong ko habang sinasapak sapak ang pisngi ko para gumising sa katotohanan. 'Aral muna Astrid! Aja!' 3rd Person's POV; 'Kung ako sayo lalayuan ko na si Callius hindi kayo bagay.' 'Feeling maganda ang panget naman.' 'Look para ngang hindi nagpapalit ng uniform eww.' 'Poor siguro haha.' Napabuntong hininga na lang ang dalaga ng marinig ang mga bulungan ng mga kaschoolmate ng makapasok siya sa gate ng C-lite. 'Totoo ba nililigawan yan ni Callius?' 'Ano kayang ginawa nan kay President?' Hindi na lang pinansin ng dalaga ang usap usapan at nanatiling tahimik habang nakayukong naglalakad. "Ano bang pinagsasabi nila?" Bulong ng dalaga ng---. "Goodmorning." Napaangat ng tingin ang dalaga ng may mga humintong pares ng sapatos sa harap niya. "President ikaw pala goodmorning din." Nakangiting sambit ng dalaga. "Medyo tinanghali ka nalate ka ng 15 minutes sa exact time ng pagpasok mo." Komento ni Callius habang naglalakad na kinatawa ng dalaga. "Seryoso inoorasan mo President." Natatawang sambit ng dalaga. "Kung alam mo lang Astrid kanina pa yan pabalik balik sa gat---aray." Napahagalpak ng tawa ang dalaga ng hampasin ni Callius ng folder si Marco at makitang namumula ang binata. "Look si Callius namumula haha." Pang aasar ni Angelo na kinasegunda ng iba pa nitong barkada. "T-Tumigil nga kayo." Saway ng binata. "President namumula ka kasi talaga." Komento ng dalaga habang tumatawa na kinatitig sakanya ni Callius. "Anong problema?" Tanong ni Astrid ng makitang titig na titig sakanya ang binata habang naglalakad. "Nothing mas gumaganda ka kasi pag tumatawa." Nakangiting sambit ni Callius na kinalaki ng mata ng dalaga. Na out off-guard ang dalaga sa binata kaya ang nangyari nagtawanan ang mga kasamang lalakk dahil sa hindi mabasang reaksyon ni Astrid. "Galawang Callius Acosta 101." Banat ng binatang si Wallace na kinapula ng todo ng dalaga ng makaget over ito sa pagkatulala. "Mga baliw lakas ng trip niyo diyan na nga kayo." Ani ng dalaga habang mabibigat ang paang lumayo sa grupo ni Callius na inaasar ang president na kasalukuyanv binabatukan ang mga kaibigan dahil sa paninira nito. "Mukhang naagawan kana talaga ng transferee na yun." "Ano ng plano mo? Hahayaan mo na lang si Callius?" "Akin lang si Callius at hindi ako papayag na mapunta siya sa kahit na sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD