Chapter 10

815 Words
Chapter 10 3rd Person's POV; "Callius." "President ito na yung class list ng Section natin." Nang ipapatong na ng isa sa tatlong dalaga na pumasok sa student council office ang hawak nitong folder hindi sinasadyang matabig ng isa sa mga ito ang kumpulan ng mga folder at magkalat sa sahig. "Hala! Bakit hindi ka kasi nagiingat Kylie nagkalat na tuloy." "Teka tulungan ko na kayo." Nagtulong tulong ang tatlo sa pag aayos ng papel ng---. "Anong nangyari?" Tanong ng binatang si Callius na kinatingin ng tatlong babae. "Pasensya na President natabig ko kasi yung mga folder." "Ayos lang kami na bahala pakiiwan na lang diyan sa table yang hawak niyo." Ani ni Callius bago lumapit sa table at kung may anong halungkatin sa cabinet habang sina Wallace at Allen ay niligpit ang mga papel na magkalat. "Magrereklamo nanaman nito si Angelo siya nag ayos nito." Komento ng binatang si Allen habang binabasa ang mga pangalan at mailigay sa folder. "Hayaan niyo na muna yan Allen may meeting pa tayo tawagan niyo na lang sina Marco at Angelo para ayusin ulit yan. Siguraduhin niyo lang na walang mawawala sa student verification ng C-Lite." Bilin ng binata bago lumabas ulit ng office dala ang isang envelop. Astrid Salves's POV; "Oy nag iisa ka nanaman." Napaangat ako ng tingin kay Callius ng magsalita at umupo ito sa tabi ko. "Mas tahimik kasi dito." Sagot ko habang sinasagutan ang isa sa mga booklet na binigay ng remedial teacher ko incase daw na gusto ko magadvance study. "Tahimik?" Ulit ni Callius. 'Ipasa mo dito!' 'Tangna mo ishoot mo!' Napangiwi ako ng marealize ko ang sinagot ko kanina. Ganito talaga ako pag kinakabahan o occupied kung ano ano nasasabi ko. Sa totoo lang kasi wala akong matambayan kaya ako nandito. Sa classroom kasi wala ng mga ginawa ang mga kaklase ko kung hindi pag chismisan kami ni Callius ganun din sa library. Kung ano ano ang sinasabi nila tungkol saamin ni Callius hindi daw kami bagay at siguro daw mangkukulam ako at ginagayuma ko si Callius. Gusto ko si Callius ...oo sino ba naman hindi magkakagusto sa katulad niya,gwapo, marespeto at matalino. Pero hindi ako ganun kadesperada para pikutin siya o kulamin. "Halika may alam akong kung saan ka tahimik siguradong makakapag aral ka dun ng maayos." Napapitlag ako ng hawakan ako ni Callius sa kamay at kuhanin ang mga gamit ko matapos akong ayain papunta kung saan. Ramdam ko ang tingin ng lahat ng estudyanteng nadadaanan namin pero who'se care ba? Nakagat ko ang labi ko para pigilang mapangiti ng tumingin saakin si Callius at ngumiti habang hawak ang kamay ko papunta kung saan. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganitong klaseng lalaki? "Wow may greenhouse pala ang C-lite." Hindi makapaniwalang komento ko ng pumasok kami sa isang Greenhouse. Punong puno yun ng ibat't ibang klaseng mga bulaklak na mukhang galing pa sa ibang bansa. "Teka pwede ba estudyante dito?" Tanong ko ng marealize na walang tao dito maliban saamin. "Bawal pero ang Student council president pwede." tatawa tawang sagot ni Callius na kinatawa ko. "Loko ka talaga president pero infairness sobrang ganda dito at tahimik." Komento ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang mesa na may mga upuan sa gitnang bahagi ng green house. "May mga pumupunta ba dito President?" Tanong ko habang sinusundan siya papunta dun sa may mesa at mga upuan. "Wala na." Sagot ni president na kinatingin ko. "Wala na?" Tanong ko na kinangiti niya bago tapikin ang upuan sa tabi niya. "Mag aral kana." Utos ni Callius habang nakatingin sa wrist watch niya. "May isang oras pa naman bago magsimula ang nextclass natin." Nakangiting sambit ni Callius na kinangiti ko. Nakakahawa talaga mgs ngiti niya dahil sa may quiz mamaya nagfocus na ulit ako sa pag aaral at pagrereview habang siya ... =_=. Nakatitig sakin great just great sa tingin niya makakareview ako ng ganito. "President nadidistract ako wag mo nga ako titigan. Hindi ako makapagfocus sa nirereview ko." Nakasimangot na sambit ko na kinangiti niya lang habang nakahilig ang ulo niya sa braso niyang nakatungkod sa lamesa. "Don't mind me magreview ka lang." Ani ni President na kinailing ko bago tingnan ulit ang librong hawak ko hanggang sa kuhanin ni Callius ang kamay ko at may kung anong ikabit dun. "Y-Yung bracelate ko." Ani ko ng makita ko yung bracelate. "Hinanap ko talaga yan para sa---." "Salamat!" Sigaw ko bago natutuwang sunggaban ng yakap si President na kinatigil ko. 'Y-Yakap?' "A-Ahm s-sorry natuwa lang ako." Namumulang sambit ko bago lumayo ng marealize ko ang ginawa ko. "Haha ayos lang yun and you're welcome." Nakangiting sambit ni Callius. "A-Ano sorry din kasi niyakap kita nakakahiya." Namumulang sambit ko ulit. "Ayos lang yun Astrid." Sagot ni President. "Astrid may sasabihin ako." Dagdag ni President and this time seryoso na ito nakatingin saakin. "Pwede ba kita ligawan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD