Sinampal naman ng malakas ni Telly si Samuel. Kaya napaurong naman ito sa ginawa ng dalaga. " Hey, bakit ka nananampal?" Tanong naman nito sa kanya habang napahawak ito sa pisngi nito. "Mas lalong ayaw kitang sagutin sa ginawa mo ngayon! napaka presko mo Samuel!" Galit na wika n'ya rito. Kaagad na binitawan naman s'ya nito. "Sorry, sorry, di ko lang napigilan ang sarili ko, Telly. Pasensya ka na sa akin.. nadala lang ako. Pero alam ng itaas na talagang tunay ang hangarin ko sa'yo." Wika nito sa kanya at sabay umayos na itong muli sa pagkakaupo sa harap ng driver's seat. Nakita niya sa mukha nitong kahit humingi ito ng sorry ay hindi nito nagustohan ang kanyang pananampal rito. Hindi rin niya masisi ang kanyang sarili dahil nabigla at nataranta na kasi s'ya kaya dapat ay sampalin

