Dinig na dinig naman nina Telly at Samuel ang ingay ng sasakyang huminto malapit lang din sa sasakyan nito na iniwan nila. Nakapasok na sila sa loob ng forest ng La Mesa Eco park kaya hindi na sila nakita ng mga dumating dahil sila'y naharangan na ng mga mayayabong na mga malalaking halaman at ng mga mga punong di naman gaanong mataas. "Walang tao sa sasakyang ito! bwes*t! bilisan natin, hindi pa sila nakakalayo!" Narinig pa nilang malakas na wika ng tinig ng isa sa mga humabol sa kanila. Namumutla na si Telly sa takot. "Hahanapin at hahabulin parin nila tayo Telly, kaya h'wag na tayong mag aksaya ng panahon pa, bilisan natin ang pagtakbo upang mailigaw natin sila at hindi nila tayo masundan dito sa loob forest area ng La Mesa Eco park." Mahinang wika ni Samuel sa kanya. Nguni

