Dahil sa tuwa ni Samuel ay mas nagkaroon s'ya ng lakas loob na bumalik sa kanyang kotse upang kunin ang kanyang cellphone. Siniguro muna ni Samuel na safety ang paligid ni Telly at ang kinalalagyan nito bago s'ya aalis. "Mag-iingat ka Samuel." Ani Telly sa bagong boy friend. " Yes, para sa'yo. Makakaalis din tayo ngayon dito. Pakiss muna bago ako aalis." Hiling pa nito sa kanya. " Hmm, okay sige, saglit lang at bilisan mo na habang di pa talaga malalim ang gabi." Aniya rito. " Thanks Telly. Ang saya ko kahit nandito tayo sa mahirap at delikadong sitwasyon." Sabi nito at kinabig agad s'ya nito at mariing hinalikan sa labi. Akala pa ni Telly na bitawan agad s'ya ni Samuel ngunit tumagal ang mga halik nito at lumalim pa iyon. At ang mga kamay nito ay nagsimula nang maging malikot.

