Humihingal pa si Telly habang tumatakbo palayo. Mas lalo lang tuloy s'yang naiinis sa binatang babaero. Talaga nga palang hindi dapat kumumpyansa sa hinayupak na lalaking iyon. Mabuti na lang at hindi s'ya nahalikan nito dahil kung nagkataon na nahalikan na siya nito ay kabilang na s'ya sa mga babaeng basta na lang hinahalikan nito. Napaka swerte naman nito kung hahayaan na lang n'yang magpahalik rito. Bahala talaga ang lalaking yun. Wala siyang pakialam kung gaano pa ito kaguwapo at kung marami mang babaeng nagkakagusto rito ay hindi siya isa sa mga babaeng yun. Lumipas ang dalawang araw ay nabalitaan na lang ni Telly na tuloyang umuwi na nga pala sina Sir Samuel at si Carlos pabalik sa Maynila. "Ate, umuwi na pala sina Sir Samuel at kuya Carlos sa Maynila. Two weeks lang pala an

