Mainit na ang sikat ng araw kaya itinigil na muna ni Telly ang kanyang pag gagarden upang pupuntahan ang kanilang kalabaw sa pastulan. Wala kasi ang kanyang mga kapatid dahil nasa school ang mga ito kaya s'ya din ang nagpapainom ng kanilang kalabaw sa tuwing mataas na ang sikat ng araw. Nasa pastulan ito ni Mang Faustino malapit sa maliit na kubo nito at malapit lang din sa maliit na batis. Doon kasi sila nagpapainom ng mga kahayupan sa maliit na batis. Pagkarating n'ya roon ay nakita naman n'ya agad ang kanilang kalabaw na kahit mainit na ay nanginginain parin ito. Nilapitan naman n'ya agad ito at kinuha ang lubid nitong nakatali sa isang matibay na puno ng bayabas. Hinila n'ya iyon papuntang batis at sumunod naman agad ang alaga nilang kalabaw sa kanya. Dumaan naman siya sa munting k

