Nanigas ang buong katawan ko habang nakatitig sa bumubukas na pinto ng marangyang sasakyan. Ang unang lumabas ang head ng Pamilya Davenport, si Don Mocs. Ang pala-ngiti at masiyahing Ama ni Tito Leo. Sumunod ang ilang anak ng Don at mga anak nila. Nakilala ko na sila lahat sa isang event pero hindi ko sila ka-close. Baka nga hindi na nila ako natatandaan. Sunod kong nakita ay si Tito Leo, suot ang kaniyang pormal na navy blue suit, seryoso ngunit may awtoridad ang tindig. Sumunod sa kaniya si Tita Jonah na mukhang napaka-elegante sa kaniyang pastel-colored dress at mamahaling alahas. Kapag ganitong nakikita ko silang magkakasamang pamilya ay may hindi ako ma-ipaliwanag na lungkot sa dib-dib. Nanliliit din ako kasi na hindi naman dapat. Ang taas taas kasi ng Davenport. Isa sa mayayaman

