Alam mo ’yung pakiramdam na gusto mo nang matunaw sa ilalim ng kumot dahil sa sobrang init pero kasabay niyon ay nanginginig ka pa rin sa ginaw? Iyon ang sitwasyon ko sa gitna ng madaling-araw. Parang may mga martilyong pumupukpok sa bawat kasu-kasuan ko, at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Nagising ako dahil sa tuyong-tuyo kong lalamunan. Parang disyerto na sa loob ng bibig ko. Sinubukan kong bumangon, pero pag-angat ko pa lang ng ulo ko ay parang umiikot na ang buong kwarto. "Bwisit..." mahina kong bulong. "Huwag kang malikot. Matutulog ka o itatali kita sa kama?" Napa-igta ako sa gulat nang marinig ko ang boses na ’yon mula sa madilim na sulok ng kwarto. Doon ko lang napansin na nakaupo si Kuya Red sa may sofa at may unan at kumot siya roon, kalahati ng mukha niya ay nasisika

