KINABUKASAN, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Lahat ng parte ng katawan ko ay kumikirot. Ang sakit sa lalamunan, ang bigat sa dibdib, at ang init na nagmumula sa noo ko. Trinangkaso pa nga ako. Napamura na lamang ako sa isip ko. Masyado yata akong nag-enjoy kasama si Leon kahapon na maligo ng ulan. Pero kahit na ganito ang nararamdaman ko ay bumangon ako, uminom ng gamot, at naghanda para pumasok ng school. Kailangan dahil may gagawin kami sa majors ko ngayon, hindi ako pwedeng lumiban. . . Pero wala pang kalahati ng araw ay mas lalo kong nararamdaman na lumalala ang sakit ko dahil maging ang ulo ko ay tumitibok ti-bok na. Nasa library kami ngayon kasama ang mga ka-blocks namin ni Leon. Meron din si Clifford dahil kaklase namin siya sa subject na 'to. May hihiramin kas

